Bonus Chapter

9.7K 162 20
                                    

September 17, 2014

Ella and Denden: Hi Besh!

Napalingon si Alyssa nung narinig niya sina Ella at Denden na dumating.

Ella: Anong ginagawa mo dito sa dorm? Bakit hindi kayo magkasama ni Kiefer?

Alyssa: Ay naku! Wag mo ngang mabanggit-banggit yong pangalan ng lalaking yon sa kin. Lalo lang umiinit yong ulo ko.

Nagkatinginan si Ella at si Denden. They’ve seen Alyssa in a bad mood before, but not like this. Tinabihan ni DenDen si Alyssa na nakaupo sa kama habang si Ella naman kumuha ng silya para umupo sa tapat nung dalawa.

Ella: Ano bang ginawa niya at sobrang bad mood mo?

Alyssa: Anong oras na hindi niya pa ko gini-greet ng “Happy Anniversary”, ni hindi ko nga siya nakita buong araw. I’ve been trying to call him pero hindi niya sinasagot yong mga tawag ko. Arghhh...lagot talaga sa kin yong lalaking yon pag nakita ko siya!

Denden: Eh baka naman busy lang yong tao?

Alyssa: Too busy to even text or answer my call? Anong klase siyang boyfriend?!

Ella: Kausapin mo na lang siya mamaya.

Alyssa: Mamaya?

Ella: Wala ba kayong dinner plans or something?

Alyssa: Wala.

Ella and Denden: Bakit?!

*start of flashback*

Alyssa: Hon, anong plans natin for Wednesday?

Kiefer: Wednesday?

Alyssa: Oo, this Wednesday. Sa 17.

Kiefer: Bakit? Gusto mo bang lumabas?

Alyssa: Siyem –

Kiefer: Hon, okay lang ba kung sa Sabado na lang tayo mag-date? May exam kasi ako ng Thursday morning so balak kong mag-aral sa Wednesday.

Alyssa: Ganun? Sige, okay lang naman. Pero baka pwedeng mag-dinner man lang tayo?

Kiefer: Ly sorry. Kelangan ko kasi umuwi right after ng last class ko. May mga papers din kasi akong dapat gawin.

*end of flashback*

Mangiyak-ngiyak na tinapos ni Alyssa yong kwento niya kina Ella at Denden habang nanginginig yong mga kamay niya sa sobrang pagka-inis.

Denden: Besh, wag ka na magalit kay Kiefer. Schoolwork naman pala yong kelangan niyang gawin. Para din yan sa future niyo.

Alyssa: Makakasira ba sa pag-aaral niya yong magkita kami kahit man lang 30 minutes o kaya magka-usap kami sa phone ng five minutes?! First year anniversary naman namin ngayon ah.

*toot toot*

From Ate Charo:
Hi Beshfriends! I need to discuss something with the three of you. Punta naman kayong Blue Eagle Gym ngayon. Thanks!

Alyssa: Maghihilamos lang ako sandali bago tayo umalis.

Ella: Besh, maglagay ka na rin ng konting make-up. Kahit eyeliner lang tsaka lipstick.

Alyssa: Bakit ko kelangan mag-make-up? Diyan lang naman tayo sa Gym pupunta.

Ella: Ah, ano kasi, b-baka sabihin ni Ate Charo may sakit ka. Medyo maputla yong labi mo tsaka halatang malungkot yong mata mo.

Denden: Oo nga Besh. Tapos mag-dinner na rin tayo sa labas after natin kitain si Ate Charo. It’s almost dinnertime.

Alyssa found her friends’ reasoning weird pero ginawa na rin niya yong sinabi nila. After niya maghilamos, nagsuklay siya and applied a bit of make-up. Paglabas niya ng banyo, ready to go na sina Denden at inabot nila sa kanya yong bag niya.

Tahimik silang tatlo na naglakad papuntang Blue Eagle Gym. When they got there, walang nakabukas na ilaw sa loob. Denden was trying to call Ate Charo but she wasn’t picking up.

Denden: Pumasok na tayo. Sa loob na lang natin hintayin si Ate Charo.

Ella: Ang dilim naman. Den, mauna ka papasok.

Denden: Ayoko nga. Ikaw na lang. According to heights tayo, smallest to biggest.

Ella: No way! Pinaka-maputi hanggang sa pinaka-maitim tayo. Dali!

Alyssa: Fine. Ako na mauuna. Para kayong ewan diyan.

Naunang naglakad si Alyssa papasok ng Blue Eagle Gym. For a split second, she felt an overwhelming sense of deja vu, na parang nangyari na to sa kanya dati. When she got to the court, a familiar song started playing at may umilaw na projector screen sa may bandang kanan niya.

Alyssa looked at the screen as it started showing pictures of her and Kiefer, pictures from the past year when they were already boyfriend-girlfriend. Napangiti siya sa effort na alam niyang binigay ni Kiefer for this surprise at medyo na-guilty siya kasi she actually thought na nakalimutan ni Kiefer yong anniversary nila.

A spotlight opened, revealing Kiefer standing in front of a small round table, holding a bouquet of Alyssa’s favorite white roses. He walked to where she was standing while singing the last stanza of the song that seemed to have been written for them.

Kiefer: I'm lucky I'm in love with my best friend. Lucky to have been where I have been. Lucky to be coming home again. I'm lucky we're in love in every way. Lucky to have stayed where we have stayed. Lucky to be coming home someday. Ooh ooh ooh, ooh. Ooh ooh ooh,ooh.

Inabot ni Kiefer kay Alyssa yong flowers and kissed her. She closed her eyes, placed her arms around his neck and kissed him back. Alyssa felt Kiefer smile just as he broke their kiss and pulled away to look at her.

Kiefer: Hon, Happy First Anniversary!

Alyssa: Happy First Anniversary din. Akala ko nakalimutan mo na.

Kinurot ni Kiefer si Alyssa sa magkabilang pisngi.

Kiefer: Silly girl! Paano ko naman makakalimutan tong araw na to eh sobrang saya ko nung sinagot mo ko?

Alyssa: Kasi naman may nalalaman ka pang kelangan umuwi agad right after ng last class, na may papers na dapat gawin tsaka exam bukas ng umaga. Hay naku! Daming pautot!

Kiefer gave Alyssa several small kisses all over her face before finally hugging her.

Kiefer: Wag ka na magtampo sa kin. Sinabi ko lang naman yon para maging mas effective yong surprise ko.

Alyssa: Pasalamat ka talaga mahal kita.

Kiefer: Ang sarap naman pakinggan nun, parang nakakalasing. Yiheee...mahal ako ng mahal ko!

Alyssa: Baliw!

Hinampas ni Alyssa si Kiefer sa braso tapos sabay silang tumawa ng malakas.

Kiefer: Hon...gutom na ko. Kain na tayo. Tsaka baka lumamig na yong pagkain.

Hinila ni Kiefer si Alyssa papunta dun sa mesa at inalalayan siya paupo. Alyssa was admiring the set-up nung may tumugtog na soft ambient music. Tumingin siya sa buong Gym before finally looking back at Kiefer.

Alyssa: Hindi pa ba tapos yong role ng mga accomplice mo? Baka dapat kumakain na rin sila.

Kiefer: Hahaha...pabayaan mo yong mga yon. Pinakain ko na sila kanina.

Nag-umpisa na silang kumain. Alyssa was enjoying her food when she noticed Kiefer watching her more instead of eating.

Alyssa: Akala ko ba gutom ka na? Hindi ka mabubusog sa ginagawa mong yan.

Kiefer: Sinong nagsabi sa yong hindi? Ngiti mo pa nga lang ulam na eh.

Alyssa: Corny mo rin noh?

Kiefer: Kinilig ka naman.

Binelatan ni Alyssa si Kiefer bago siya bumalik sa pagkain niya.

Kiefer: How do you find the food?

Alyssa: Masarap.

Kiefer: Talaga?

Alyssa: Oo. Sinong nagluto nito? Iba kasi yong timpla sa luto ni Tita Mozzy at ni Manang. Hindi rin naman ito yong timpla ni Mama.

Kiefer: Maniniwala ka ba pag sinabi kong akong nagluto nitong kinakain natin?

Alyssa: Marunong ka ng magluto?! Kelan pa?

Kiefer: I’ve actually been trying to learn for the past three months. Buhay pa naman yong pamilya ko tsaka yong mga teammates ko, so I’d say worth it yong efforts ko matuto.

Alyssa: Bakit ka nag-aral magluto?

Kiefer: Gusto ko kasing maramdaman mo yong love na nararamdaman ko tuwing pinagluluto mo ko. I’m happy you liked it.

Alyssa: Kaya pala sarap na sarap ako kasi may kasamang pagmamahal yong kinakain ko.

Hindi agad naka-react si Kiefer sa sinabi ni Alyssa. Napayuko na lang siya kasi naramdaman niyang nagba-blush siya.

Alyssa: Kumain na nga tayo bago sumabog yang ulo mo sa sobrang pula.

Kiefer and Alyssa: Hahaha...

Tinapos nila Kiefer at Alyssa yong dinner nila tapos tumayo si Kiefer para kunin yong dessert. He cut a slice of blueberry cheesecake for each of them and returned the rest inside the cooler.

Alyssa: Don’t tell me ikaw din ang gumawa nitong blueberry cheesecake?

Kiefer: Ay hindi. Anniversary gift yan sa atin nina Von at Ella.

Alyssa: In fairness, nanliligaw palang si Von pero conjugal na yong gift nila ni Ella.

Kiefer: Kelan ba balak sagutin ni Ella yong chicken ko?

Alyssa: Anong chicken?

Kiefer: Si Von, yong manok ko.

Alyssa: Ah chicken as in manok. Ang dami kasing arte. Pwede namang manok na lang yong sabihin, kelangan pa chicken.

Kiefer: Ang cute kaya. So anyway, kelan nga sasagutin ni Ella si Von?

Alyssa: Ewan ko dun sa babaeng yon. Sabi namin ni Denden wag na masyadong patagalin.

Kiefer: Mukhang gagapang pa si Von bago niya mapasagot si Ella eh.

Alyssa: Ine-entertain naman siya ni Ella ah. Pero sana nga maging sila na.

Kiefer: Looking forward din ako na maging sila. Imagine, ang sarap mag-double date nun, tayong dalawa tapos silang dalawa. Exciting!

After dessert, may binigay si Kiefer kay Alyssa na maliit na box.

Alyssa: Ano to?

Kiefer: Anniversary gift ko sa yo. Go on, open it.

Pagbukas ni Alyssa nung box, she saw a white gold heart-shaped locket. Sa harap nung locket may naka-engrave na bola ng volleyball at basketball tapos sa likod naman naka-engrave ang letters na K and A.

Alyssa: Kief, ang ganda. Salamat.

Kiefer: Nakita mo na yong pictures natin?

Binuksan ni Alyssa yong locket and she saw two pictures inside. The one on the left was their first picture together as friends and the other one was their first picture after they became boyfriend-girlfriend.

When Alyssa looked at Kiefer, she was teary-eyed. Kiefer smiled at her. Tumayo siya, kinuha niya yong locket kay Alyssa at sinuot to sa kanya. She also stood up and hugged him really tight.

Alyssa: Hon, sorry naiwan ko yong gift ko sa yo sa dorm. Akala ko kasi si Ate Charo talaga yong pupuntahan namin dito.

Kiefer: Uhmmm Ly...nagtext si Von kanina. Pinapasabi daw ni Ella na after ko ibigay yong gift ko sa yo, sabihan kita to check your bag.

Alyssa: Ha? Bakit daw?

Kiefer: Ewan ko, basta yon yong tinext ni Von.

Nung binuksan ni Alyssa yong bag niya, nakita niya sa loob yong gift niya kay Kiefer. Hindi niya maintindihan kung paano napunta yon dun kasi ang alam niya, iniwan niya yon sa dorm. Tapos napailing na lang siya nung maalala niya na pagkalabas nga pala niya sa banyo kanina, hawak ni Ella yong bag niya.

She took out her gift and gave it to Kiefer. Tahimik siyang nanood habang binubuksan ni Kiefer yong regalo niya. Her gift was a photobook of their pictures together nung sila na. Basically, the pictures Kiefer arranged into a slideshow were also the pictures in the photobook she put together.

Seeing the expression on Kiefer’s face as he turned the pages of the book, alam na ni Alyssa na nagustuhan nito yong gift niya. But before he finished looking at the pictures, sinarado niya yong book at tinabi.

Alyssa: Hindi mo ba tatapusin tignan yong pictures?

Kiefer: Mamaya na lang pagdating ko sa bahay para sabay reminisce na rin.

Alyssa: Actually gumagawa din ako ng photobook nung mga pictures natin before naging tayo. Kaya lang sa sobrang dami nung mga pictures nahihirapan ako pumili ng ilalagay.

Kiefer: Patingin ako pag tapos mo na ha?

Alyssa: Oo naman. Bibigyan pa kita ng sarili mong copy.

Kiefer: Pati soft copy?

Alyssa: Anong gagawin mo sa soft copy?

Kiefer: Gagawin kong screensaver ng laptop ko.

Alyssa: Obsessed lang?

Kiefer: Oo, sa ‘yo.

Namula si Alyssa nung sinundan ni Kiefer ng kindat yong banat niya. Napailing na lang siya kasi kahit anong effort niya mag-isip ng banat, lagi pa rin siyang natatalo ni Kiefer. Alyssa smiled at Kiefer, which he returned before quickly glancing at his watch.

Kiefer: Ano Ly, tara na? Hatid na kita sa Eliazo.

Alyssa: Maaga pa naman ah.

Kiefer: Para hindi tayo nagmamadali.

Alyssa: Okay, sige. Ano palang gagawin natin dito sa set-up mo?

Kiefer: Don’t worry about it. May naka-tokang magligpit nito.

Alyssa: In fairness sa mga accomplice mo ah. Anong sinuhol mo sa kanila?

Kiefer: Wala, dinner lang. Charge to friendship to noh.

Kinuha ni Kiefer at ni Alyssa yong mga gamit nila at sabay silang naglakad palabas ng Blue Eagle Gym. Hindi pa sila nakakalayo nung hinawakan ni Alyssa yong kamay ni Kiefer.

Alyssa: Hon, okay lang ba if dumaan muna tayo sa Gesu? Gusto ko lang sana kasing magdasal kahit sandali.

Kiefer: Oo naman.

Instead of going straight to Eliazo, pumunta muna sila sa Church of the Gesu, just like Alyssa requested. Umupo silang dalawa sa isang pew sa may bandang harapan, at nagkanya-kanya ng dasal.

Kiefer: Anong pinagdasal mo?

Alyssa: Nagpasalamat ako kasi binigay ka Niya sa akin. Ikaw?

Kiefer: Same. And nag-promise din ako sa Kanya na kahit anong mangyari, aalagaan kita.

*phone ringing*

Alyssa: Wait lang Kief, si Kuya Nicko tumatawag. I’ll just take this outside.

Kiefer: Okay. Say “Hi” to him for me.

Alyssa: Sure.

Lumabas si Alyssa ng Gesu para sagutin yong tawag ng Kuya niya habang naiwan si Kiefer sa loob na nakaupo. After a few minutes, tumayo si Kiefer and walked to the middle of the aisle, near the Altar. He made the Sign of the Cross and when he turned around to walk out of the church, saktong nasa may entrance ng Gesu si Alyssa.

Natigilan si Kiefer nung nakita niya si Alyssa na naglalakad papunta sa kanya. He had sudden visions of a church filled with family and friends, of Alyssa wearing a beautiful white gown while walking down the aisle to meet him at the end. Kiefer smiled to himself.

Kiefer: (bumulong) Someday Aly. Someday.

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now