Chapter 8

8.6K 121 6
                                    

Alyssa’s POV
Blue Eagle Gym, 6am Tuesday

Mich: Ate Aly, andiyan na yong breakfast mo!

Ella: O Besh, puntahan mo na si Jovee para makapasok na yan sa trabaho niya.

Tumingin ako kay Jovee. Nag-wave siya sa kin and I smiled back at him. Sinenyasan ko siya ng wait for me there.

Alyssa: Coach Parley sandali lang po, puntahan ko lang si Jovee. Babalik din po ako agad.

Coach Parley: Sige, bilisan mo lang.

Pinuntahan ko si Jovee sa bleachers and umupo ako sa tabi niya.

Jovee: Good morning! (beso kay Alyssa) Here’s your breakfast.

Alyssa: Wow! Home cooked food ba to? (binuksan yong tupperware) Mukhang masarap ha.

Jovee: Oo ako nagluto niyan. Baka kasi nagsasawa ka na sa McDo Longganisa eh.

Alyssa: Dapat hindi ka na nag-abala. Okay lang naman sa kin ang McDo. Okay nga lang sa kin kahit wala eh. Hindi mo naman ako kelangan dalhan ng pagkain sa training.

Jovee: Alam ko namang hindi kelangan. But I want to. Masarap ata sa pakiramdam yong nakakapagpangiti ka ng tao.

Alyssa: You’re spoiling me too much. Mamaya niyan masanay ako, hanap-hanapin ko yong mga ginagawa mo.

Jovee: Okay lang naman masanay ka.

Alyssa: Baliw! Mahirap masanay. (tumingin sa relos si Jovee) Anong oras na? Hindi mo pa ba kelangan umalis for work?

Jovee: Oo nga noh, kelangan ko na umaalis, baka abutan na ko ng traffic. May time ka pa ba to walk me to my car?

Alyssa: Oo naman. Tara.

Binaba ko muna yong dalang breakfast ni Jovee tapos naglakad na kami palabas ng Blue Eagle Gym.

Jovee: Ly, may gagawin ka ba this Saturday?

Alyssa: Training lang sa umaga pero after that wala pa namang plans. Bakit?

Jovee: Gusto sana kitang imbitahin lumabas eh. I was thinking dinner and maybe movie after kung may time pa.

Alyssa: Sige. Ayain ko sina Ella para mas marami tayo.

Jovee: Ah...Aly, pwede bang tayong dalawa lang yong lumabas? Next time na lang natin isama sina Ella. I mean, kung okay lang sa yo?

Alyssa: Uhmmm...sige okay lang. Saan mo gusto mag-meet?

Jovee: Sunduin kita sa dorm mo ng mga 6pm.

Alyssa: Hindi mo naman ako kelangan sunduin sa dorm. I can meet you sa mall or kung saan man tayo magdi-dinner.

Jovee: Ano ka ba, in-invite kita siyempre dapat naman sunduin kita.

Alyssa: Sige na nga, ikaw bahala. So, saan tayo this Saturday?

Jovee: Okay ba sa yo MOA?

Alyssa: MOA sounds good.

Sumakay na si Jovee sa kotse niya at umalis papasok ng opisina tapos bumalik na rin ko sa loob ng Blue Eagle Gym.

Naguguluhan ako. Date ba yong lakad nami ni Jovee sa Sabado? Wala naman siyang sinabing word na date pero gusto niya kami lang tapos susunduin pa niya ko sa dorm.


Denden’s POV
Mall, 11am Tuesday

Pagtapos ng training kanina, nagkaayaan kami nila Besh na pumunta ng mall. Medyo matagal na rin naman kasi since nung huli kaming umalis na kaming tatlo lang.

Ella: Beshies, gutom na ko. Lunch na tayo!

Denden: Saan niyo ba gusto kumain?

Ella: Superbowl tayo!

Denden: Okay ako sa Superbowl. (hindi nagsalita si Alyssa) Ly, ikaw? Do you want Superbowl?

Alyssa: Ha? Ah, oo. Sige. Superbowl na lang tayo.

Naglakad kami papuntang Superbowl. After namin mag-order ng food nagkukulitan kami ni Ella pero hindi nakiki-join si Aly.

Denden: Bakit kanina ka pa walang kibo diyan? Parang ang lalim ng iniisip mo. Kiefer ba yan o Jovee?

Ella: In fairness ha, dalawa na tinatanong namin sa yo ngayon. Dati pagtahimik ka si Kiefer lang ang pwedeng iniisip mo. Ngayon may Jovee na!

Alyssa: Iniisip ko lang yong conversation namin ni Jovee before siya umalis kanina.

Ella: (pump fist) Yes! (tapatingin si Denden at Alyssa sa kanya) Sorry. Team Jovee.

Alyssa: Bakit Team Jovee? Type mo si Jovee?

Ella: Type ko si Jovee para sa yo.

Alyssa: Team Kiefer to eh.

Ella: Ly, okay lang naman na loyal ka. Nakakatuwa, sa totoo lang. Pero awat na kay Kiefer. May girlfriend eh.

Denden: Besh, ako yong Team Kiefer. Hindi ka pwede mag-take sides sa kanilang dalawa. Dapat Team Alyssa ka lang.

Alyssa: Bakit kelangan pa ng teams? Wala namang competition.

Ella: Aray ko naman. Hindi pa man din, talo na yong manok ko.

Denden: Hindi naman kasi nagsasalita yang manok mo. Hanggang ngayon nga hindi natin sure kung bumabawi lang siya or kung gusto niya si Aly.

Ella: Dahan-dahan lang. Kakabalik lang nung tao sa buhay ni Aly, gusto mo naman ligaw agad. Yong manok mo nga may girlfriend, at least yong akin single.

Denden: Counted pa ba yon? Girlfriend na lang naman ata yon sa pangalan. I mean, I don’t even remember the last time na nakita ko silang magkasama.

Ella: Paano mo naman sila makikita eh lagi kang nakakulong sa greenhouse kasama yong mga earthworms mo.

Denden: Ah kasi, thesis ko yon?

Alyssa: O ceasefire na. Ang ibig kong sabihin dun sa walang competition is that kahit mahal ko si Kiefer, hindi naman niya ko mahal in that way. Mutual dapat diba, so unless gusto niya din ako, he’s technically not in the running. Si Jovee naman...

Denden: Si Jovee naman...hindi mo alam kung gusto ka?

Parang natigilan si Aly. Hindi siya nakasagot sa tanong ko. Nagkatinginan kami ni Ella.

Ella: Bakit hindi ka nakasagot diyan? May nangyari ba na dapat naming malaman?

Alyssa: Well, it could be nothing. Baka rin naga-assume lang ako. Baka naman gusto niya lang makipag-usap. Bak –

Denden: Teka muna… (tinakpan yong bibig ni Alyssa) Bago ka maglitanya diyan. Ano munang nangyari?

Alyssa: Niyaya ako ni Jovee lumabas sa Sabado.

Ella: Lumabas as in date? Date na kayong dalawa lang? Waaaaaaahhhhhh!!!

Ang ingay ni Ella. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao sa loob ng Superbowl.

Denden: Besh, ang ingay mo! (tumingin ulit kay Alyssa) Pumayag ka ba? Anong sabi mo?

Alyssa: Pumayag ako, pero hindi ko alam kung date yon. Hindi naman kasi niya nabanggit yong word na date. Ang sabi niya lang invite lumabas, dinner daw tapos movie after kung may time pa.

Denden: Hmmm...medyo vague nga. Pero kayong dalawa lang or may iba kayong kasama?

Alyssa: After niya ko inaya sabi ko aayain ko kayo para mas masaya. Tapos sabi niya, baka daw pwedeng kaming dalawa lang yong lumabas. Next time na lang daw namin kayo isama.

Ella: O, di date nga. Kayong dalawa lang eh.

Alyssa: Baka naman gusto lang makipag-usap nung tao. Diba nga nag-promise siya sa kin na mag-uusap pa kami.

Denden: Kung usap lang ang gusto niya, pwede naman kayong mag-usap sa Ateneo and hindi rin kelangan i-invite ka ahead of time.

Ella: Saan kayo pupunta?

Alyssa: Sa MOA. Pero wala siyang sinabi kung saan sa MOA.

Denden: Imi-meet mo siya dun?

Alyssa: Hindi. Susunduin daw niya ko sa dorm ng 6pm.

Denden: Ooohhh... (tumingin kay Ella) Agree ako, date nga.

Dumating na yong food namin at nag-umpisa kaming kumain.

Alyssa: Date ba talaga?

Ella and Denden: Yes Besh!

Alyssa: So dapat kong sabihin kay Kiefer noh?

Ella: Bakit naman niya kelangan malaman na may date kayo ni Jovee?

Alyssa: Nag-promise kasi ako sa kanya na kung makikipag-date ako, malalaman niya. Ako mismo ang magsasabi sa kanya.

Denden: Ly, ganun ba ka-big deal kay Kiefer yong akala niyang magka-date kayo ni Jovee nun?

Alyssa: Oo eh. Kahit nga ako nagulat sa naging reaction ni Kiefer. Normally naman pag may sinabi ako sa kanya, he takes my word for it. Pero yong instance na yon, hindi talaga siya naniwala sa kin. Kung hindi pa ikaw ang nagsabi sa kanya na hindi date yon, malamang hanggang ngayon pinaninindigan pa rin niya na nakipag-date ako.

Denden: Nakakaduda na yang mga kinikilos ni Kiefer ha. Para talaga siyang nagseselos kay Jovee.

Ella: Ay naku. Kahit ano pa yang kinikilos ni Kiefer, ang bottomline pa rin, may girlfriend siya. Hindi siya dapat se-selos-selos kay Jovee.

Alyssa: Hindi yon nagseselos.

Denden: Kung hindi yon selos, anong tawag mo dun?

Alyssa: Ewan, basta hindi yon selos.

Denden: Selos yon! Ayaw mo lang mag-assume.

Alyssa: Ayoko talaga mag-assume noh. Mahirap na. Mamaya niyan isipin ko talagang nagseselos siya, tapos aasa ako na mahal niya ako and then what? It turns out, wala lang pala yon sa kanya. Masakit kaya umasa.

Ella: Oo nga Besh. Wag ka na kay Kiefer. Yong kay Jovee na lang ang i-push natin.

Denden: Maisingit lang talaga sa usapan noh?

Ella: Naman! But you have to admit, mukhang may gusto talaga si Jovee kay Aly.

Denden: Well...yeah...mukha nga. Mabuti naman mas kumaklaro na ang damoves ni Jovee ngayon.

Alyssa: Ano ba kayo, nag-aya lang lumabas may gusto na agad. Hindi dapat ina-assume ang ganyang mga bagay noh.

Ella: Ay naku, ayan ka na naman. Kung ayaw mong mag-assume, eh di wag. Basta ako maga-assume – assume na assume!

Alyssa and Denden: Hahaha...Baliw!

Ella: Uy Ly, anong isusuot mo sa date niyo ni Jovee?

Alyssa: Isusuot? Hello?! Tuesday palang, sa Sabado pa lakad namin. Hindi ba masyadong maaga para tanungin niyo sa kin yan?

Denden: Kelan ka pa maghahanap ng outfit mo? Friday night? Saturday afternoon? Paano kung wala ka palang masusuot?

Alyssa: Meron yan. Pwede ba namang wala? Ang dami-dami kong damit sa dorm noh.

Ella: Ang damit mo sa dorm puro shorts tsaka maong. Utang na loob Alyssa Valdez, wag naman yon ang isuot mo sa date niyo.

Alyssa: Bakit naman hindi? Sa MOA lang naman ang punta namin.

Ella: Oo nga sa MOA. Pero date nga yon diba? Dapat naman yong isusuot mo hindi yong tipong sinusuot mo on a normal day.

Denden: Tama na ang daldal, bilisan na natin kumain.

Alyssa: Bakit, may gagawin ka?

Denden: May gagawin tayong tatlo! Sasamahan ka namin ni Ella at magsa-shopping ka ng outfit para sa date niyo ni Jovee.


Kiefer’s POV
Mall, 2:30pm Tuesday

Andito kami sa mall ni Nico at Von. Kakatapos lang namin manood ng sine at ngayon nag-iikot naman kami. We’re just killing time hanggang kelangan na ni Nico umalis para sunduin yong girlfriend niya sa La Salle.

Nico: Mga Paps, si Ella tsaka si Denden o.

Kiefer: Asan?

Nico: Ayun sa loob ng Forever 21.

Von: Tara puntahan natin.

Pumasok kami sa Forever 21 para mag-hi kina Ella. Bakit kaya silang dalawa lang? Hindi nila kasama si Aly?

Kiefer, Nico and Von: Hi Girls!

Ella and Denden: Uy! Hello!

Von: Anong ginagawa niyo dito?

Ella: Kumakain. Sarap nga nitong palda o! Gusto mo?

Kiefer and Nico: Basaaag!

Von: Pilosopo!

Ella: Ano pa ba kasing gagawin namin dito? Siyempre shopping diba.

Von: Malay ko ba kung nagwi-window shopping kayo.

Kiefer: Kayong dalawa lang? Asan si Aly?

Ella: Bakit mo hinahanap?

Kiefer: Nagtataka lang ako na hindi niyo kasama.

Nico: Paps, wag mo naman masyadong ipahalatang nami-miss mo!

Kiefer: Loko-loko ka talaga Elorde! Nagtatanong lang, miss agad?!

Denden: Kief, asa fitting room lang si Aly.

Alyssa: Okay ba Beshies?

Lumingon ako sa direksyon na pinanggalingan nung boses. It took me a few seconds before I realized na si Aly nga yong nasa harap ko. Hindi ito yong unang beses na nakita ko siyang naka-dress pero ewan ko ba, parang may iba sa kanya ngayon. It’s like I’m seeing her for the first time.

Ella and Denden: Wow Besh!

Nico and Von: Nice!

Alyssa: O Boys! Anong ginagawa niyo dito? (nakita si Kiefer) Hi Best! Kanina pa kayo?

Nico: Hindi naman. Napadaan lang kami, eh nakita namin sina Ella so pumasok kami para mag-hi.

Von: Bagay sa yo yang suot mo. (siniko si Kiefer na hindi pa rin nagsasalita) Diba Paps ang ganda ni Aly?

Kiefer: Ah...oo...maganda. Magandang-maganda. Bagay sa yo.

Nakita kong tumaas yong isang kilay ni Aly.

Kiefer: Best, babae ka pala?!

Alyssa: Ay naku Ravena! Sabi ko na nga ba eh. Pag nag compliment ka sigurado may insultong kasunod.

Kiefer: Siyempre naman. Requirement yon!

Lumapit si Aly dun sa isang malaking salamin.

Denden: Besh, yan na lang kunin mo.

Alyssa: Hindi ba masyadong dressy for MOA?

Ella: Medyo. Pero okay lang yan. Bagay naman sa yo.

Alyssa: Eto na lang kaya? (kinuha yong shorts at blouse na hawak ni Denden)

Ella: Shorts na naman yan eh. Kung shorts rin lang ang bibilhin mo, wag ka na mag-aksaya ng pera. Ang dami mong ganyan sa dorm!

Alyssa: Kaya nga ayoko magshopping diba? Kayo lang naman tong mapilit.

Denden: O boys, what do you think? Yong blouse and skirt na hawak ni Ella, (turo sa hawak ni Alyssa) etong blouse and shorts, or yang suot ni Aly?

Von: Ano bang okasyon? Party?

Hindi nakasagot si Denden, pero nakita ko siyang tumingin sa kin tapos kay Aly. Ano bang meron? May lakad ba kami ni Aly? Parang wala naman.

Alyssa: Hindi. May lakad lang ako sa Sabado. Wala naman ako talagang balak bumili ng bagong damit. Ang kulit lang ng dalawang to.

Nico: Lakad? Baka naman date yan.

Von: (tingin kay Kiefer) May date kayo ni Aly sa Sabado Paps?

Alyssa: Issue na naman kayo ha. Teka nga muna. Magpapalit lang ako ng damit.

Nagbihis na si Aly sa fitting room. Pagbalik niya sa min naka-shorts at Ateneo shirt na siya.

Ella: Ano na bibilhin mo Besh?

Alyssa: Kelangan ko ba talaga bumili? Ang dami ko namang pwedeng suotin sa dorm eh.

Denden: Ano ka ba, pinag-usapan na natin to kanina. Kelangan mo ng bagong outfit.

Alyssa: Hay…hindi talaga ako mananalo sa inyong dalawa. Sige, yang skirt na lang since wala pa akong ganyan.

Ella: Sayang yang dress. Bagay pa naman sa yo.

Alyssa: Masyado ngang dressy. Wala naman akong pag gagamitan niyan.

Denden: Bilhin mo na rin. Just in case.

Alyssa: Just in case what? Sa MOA lang ang punta ko.

Ella: In case may susunod na lakad.

Denden: Sige na, bilhin mo na rin. Wag na matigas ang ulo.

Alyssa: Fine. Bibilhin na parehas. Ella, samahan mo ko sa Cashier.

After magbayad ni Aly lumabas na kaming anim ng Forever 21.

Denden: O Boys, saan na kayo?

Nico: Sama na lang kami sa inyo. Wala naman kaming gagawin eh.

Denden: Sure kayo? Hindi pa kami tapos mag-shopping. Wala pang shoes si Aly.

Von: Oo sasama kami sa inyo.

Ella: Basta wag kayong magrereklamo na bored na kayo ha.

Alyssa: Sa Payless na lang tayo tumingin.

Ella and Denden: Tara!

Kiefer: Best, (abot sa dala ni Aly na paper bag) akin na yan. Ako na magdadala.

Alyssa: (smile kay Kiefer) Thanks!

Nauna na yong apat papuntang Payless. Sumunod kami ni Aly na tahimik naglalakad.

Alyssa: Kief, okay ka lang?

Kiefer: Oo naman. Bakit mo natanong?

Alyssa: Kanina ka pa kasi sa Forever 21 tahimik eh. May problema ba?

Kiefer: Wala naman. (after a few seconds) Best, ano yong lakad mo sa Sabado? Parang ang special naman ata nun at bumili ka pa ng bagong damit.

Alyssa: Wala yon. Nag-aya kasi si Jovee lumabas. Dinner daw tsaka baka movie. Hindi nga ako dapat bibili ng damit. Mapilit lang yong dalawa. Ewan ko ba sa mga yon. Masyadong excited.

Kiefer: Kasama niyo sina Ella?

Alyssa: Hindi. Kaming dalawa lang ni Jovee.

Kiefer: Date?

Alyssa: Ewan ko.

Kiefer: Anong ewan mo? Pwede ba yon?

Alyssa: Sa hindi ko alam eh. Wala naman kasi siyang sinabing date yong lakad namin sa Sabado. Pwede namang hang out lang yon diba?

Kiefer: Date yon. Kayo lang eh.

Alyssa: Tingin mo date nga? Hmmm... (nagsmile si Alyssa)

Kiefer: Bakit kinikilig ka diyan? May gusto ka dun sa Jovee na yon noh? Tsss...

Alyssa: Nagsmile lang kinikilig agad? (hindi nagsalita si Kiefer) Bakit parang ang init na naman ng ulo mo?

Kiefer: Hindi noh.

Alyssa: Anong hindi?! Eh ayan o, salubong yang kilay mo.

Ewan ko ba. Nakakapang-init ng ulo marinig yang pangalan ng Jovee na yan. Bakit ba kasi aligid ng aligid yan kay Aly. Eto namang isang to, ine-entertain pa.

Kiefer: Saan kayo sa Sabado?

Alyssa: Sa MOA lang.

Kiefer: Ahhh...what time?

Alyssa: Susunduin daw niya ko sa dorm ng 6pm.

Kiefer: Wag mo kalimutan yong curfew mo ha.

Alyssa: Opo ‘tay!

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now