Chapter 12

7.6K 101 4
                                    

Kiefer’s POV
Moro Lorenzo Sports Center, 10am Wednesday

Von: Paps, may bisita ka o.

Kiefer: Sino?

Tumuro si Von sa may bandang likuran ko. Paglingon ko, I saw Kara walking towards us. Anong ginagawa niya rito?

Kara: Hi Kief. Can we talk? Just to, you know, clear the air. (seeing Kiefer’s hesitation) But if ayaw mo pa makipag-usap, I’ll understand naman.

Kiefer: Ah no, it’s okay. Kunin ko lang yong gamit ko.

After I got my things together, Kara and I walked silently out of Moro at pumunta kami sa High School Football field. Since summer vacation pa naman, walang gumagamit. We settled on the grass at a shady part of the field.

Kiefer: What do you want to talk about?

Kara: Us. Or what used to be us. Hindi naman kasi tayo masyadong nakapagusap nung Saturday eh. I just want to come clean about everything.

Tama na rin siguro na makapag-usap kami. Para magkaroon kami parehas ng closure and maisara na namin ng tuluyan yong chapter na yon ng buhay namin.

Kiefer: Sige. Where do you want to start?

Kara: (take a deep breath) First of all, alam kong alam mo na sinagot lang kita nun kasi ikaw si Kiefer Ravena. I just want you to know na natutunan naman kitang mahalin in the course of our relationship, siguro lang not in the same level nung love na pinaramdam mo sa kin. And thank you kasi kahit kelan hindi mo ko sinumbatan tungkol dun.

Kiefer: Wala naman akong karapatan na sumbatan ka, kasi I knew what I was getting myself into. Umasa lang ako na magiging enough yong love ko for the two of us to make the relationship work. Kaya lang hindi eh. It wasn’t enough. I wasn’t enough.

Kara: Alam ko naman na malaki ang naging kasalanan ko kaya hindi nagwork out yong relationship natin. I mean, I got into and stayed in this relationship for all the wrong reasons. Hindi rin nakatulong that I was seeing other guys on the side habang tayo. I’m not going to make up any excuses for what I did kasi alam ko namang inexcusable yon. Gusto ko lang talaga mag-sorry sa yo, most especially for cheating on you. You don’t deserve to be cheated on.

Kiefer: Thank you for being honest about that. Matagal ko ng naririnig yang usap-usapan na yan sa school and nakita din kita once sa mall na may kasamang iba. I just never brought it up with you kasi hindi ko alam kung papaano ko sasabihin na alam ko. Kahit mahirap, nag-pretend na lang ako na walang alam. (after a few seconds) Uhmmm…Kara, why did you cheat on me? May nagawa ba ko sa yo? May naging pagkukulang ba ko?

Kara: Wag na natin pag-usapan yong ‘Why’, diba sabi ko I’m not going to make excuses for what I did?

Kiefer: I know. But I want to understand. Nararamdaman kong may kulang para sa yo kasi you had to look elsewhere for something that I apparently cannot give you. Gusto kong malaman kung ano yong kulang para hindi ko man sa yo nabigay at least hindi ko na uulitin sa susunod.

Kara: Sige na nga. Yong una, persistent lang talaga yong guy in asking me out. Kahit sinabi kong may boyfriend na ko, hindi pa rin siya tumigil. Sa sobrang kulit niya, matigil na lang, pumayag na rin ako. But I really felt so guilty. Oo napilitan lang ako, pero alam kong hindi pa rin ako dapat pumayag. Tapos while I was having dinner with him, nakita ko kayo ni Alyssa. It just hit me na there I was feeling really bad for going out with another guy pero ikaw, you were so happy spending time with another girl.

Kiefer: So si Aly yong reason na you started cheating on me?

Kara: Parang ganun, pero it wasn’t really just her. Combination na nung alam kong ayaw ng lahat sa kin para sa yo, feeling ko wala kang oras sa kin, tapos yon nga, nagseselos ako kay Alyssa. Kung ang issue lang sana yong ayaw nila sa kin or yong madami kang ibang priorities, kaya ko naman eh. Maiintindihan ko yon kasi ginusto ko maging girlfriend mo. Pero masakit kasi sa pakiramdam na hindi lang basta ayaw nila sa kin kung di gustong-gusto nila si Alyssa para sa yo. I also felt like you always had time for her pero sa kin wala. Tapos kung ano pa yong kokonting oras na meron ka para sa kin, si Alyssa pa rin yong nasa isip mo.

Kiefer: Sana nung una palang sinabi mo na sa kin na that’s how you feel about Aly.

Kara: Kief, didn’t you ever wonder kung bakit kahit madalas nating pag-awayan si Alyssa never kita pinapili between us? Kasi alam ko kung sino yong pipiliin mo. At ayoko na mapamukha pa sa kin na mas kaya mong mawala ako sa buhay mo kesa sa kanya.

Kiefer: Sorry kasi hindi ko nagawang ibigay sa yo yong assurance na yon bilang boyfriend mo. Yes I admit I never would have considered dropping Aly from my life. But you know what, I’ve also always thought na pag nagbreak tayo hindi ko kakayanin. Iniisip ko nga nun I’d probably be suicidal.

Kara: Buti naman okay ka, you weren’t suicidal right?

Kiefer: Surprisingly, I was okay. To tell you the truth, I actually felt relieved after we broke up, para akong nabunutan ng tinik. Siguro kasi no more pretending na hindi ko alam yong tungkol dun sa mga on the side mo.

We sat quietly for a few minutes. Medyo nakahinga na din ako ng maluwag to have everything out in the open.

Kara: Can I ask you something? And since wala naman na tayo, sana sagutin mo truthfully.

Kiefer: Sure. Ano yong tanong mo?

Kara: I know you think that my continued insistence na mahal mo si Alyssa is just because nagseselos ako sa kanya. But now I can honestly say it’s an objective observation. You’ve always denied having feelings for her, but are you sure na hindi mo talaga siya mahal?

Kiefer: We’re bestfriends at kung ano man yong love na feeling mo nararamdaman ko for her is because of the friendship we have.

Kara: Really? Baka naman in denial ka lang?

Kiefer: Oo nga sabi. Alam mo, bakit ba ganyan kayong lahat? Lagi niyong ini-insist na may something kami ni Aly kahit wala naman. Buti na lang talaga hindi kami nao-awkward.

Kara: May something, hindi niyo lang siguro nare-realize kasi kayo yon. Ang ganda kaya nung connection niyong dalawa. You two are so in tuned to each other’s thoughts and feelings na minsan nakakatakot na. Basang-basa niyo yong isa’t-isa.

Kiefer: Hay naku. Magkaibigan nga kasi kami. At hanggang dun lang yon.

Kara: Wag magsalita ng tapos, baka someday you’d end up eating your words. And when that day comes, I swear, I’ll be there to tell you “I told you so!”



Alyssa’s POV
Bellarmine Field, 9pm Wednesday

Andito kami ni Jovee ngayon sa Bel field, nakahiga sa blanket kung saan din kami kumain kanina at nagsa-stargazing. Nakakaloka talaga tong lalaking to. Ang sabi niya dinner, akala ko naman kakain kami somewhere along Katipunan. Yon pala nagluto ng pagkain tapos dinala ako dito sa Bel field para mag-picnic. In fairness masarap yong luto niya. Nakakapanibago nga lang yong thought na domesticated na to ngayon. Hanggang hardboiled egg lang kaya ang alam nito lutuin dati. At proud na proud na siya dun.

It’s only been two weeks since nung nagkaroon kami ulit ng communication ni Jovee. And although I can say na ganun pa rin yong friendship namin, ramdam ko yong mga pagbabago.

Jovee: Bakit ang tahimik mo?

Alyssa: Wala naman. Just thinking about how much things have changed. Imagine, hindi na lang itlog ang kaya mong lutuin ngayon. Pwedeng-pwede ka na mag-asawa!

Jovee: (natawa ng konti) Hindi pa pwede.

Alyssa: Bakit naman? Of age ka na kaya tapos stable na rin yong work mo diba?

Jovee: Ready ka na ba magpakasal?

Alyssa: Hindi pa. Pero hindi naman ako ang pinag-uusap – (hampas sa braso ni Jovee) loko-loko ka talaga Jovee! Lagi mo na lang akong inaasar.

Jovee: Hahaha…ito naman hindi na mabiro.

Alyssa: Ewan ko sa yo!

Jovee: Aly, can I ask you something?

Alyssa: Oo naman, ano yon?

Jovee: Nagpapaligaw ka na ba ngayon? (tumingin si Alyssa kay Jovee) Diba nung high school ka hindi ka nagpapaligaw kahit kanino?

Alyssa: Ahhh...ewan ko. I’ve never really thought about it.

Jovee: Bakit naman?

Alyssa: Never had to. Wala namang naga-attempt manligaw eh.

Jovee: Sadya bang bulag lang talaga ang mga Atenista o tinatakot mo lahat ng lalaki kaya walang naglalakas ng loob manligaw sa yo?

Alyssa: Grabe ka. Wala naman akong tinatakot. Ang bait-bait ko kaya.

Jovee: Baka naman may nagbabakod sa yo kaya walang makalapit?

Alyssa: Huh? (tumingin kay Jovee) Anong ibig mong sabihin?

Jovee: Wala! Wag mo na pansinin yong sinabi ko.

Alyssa: Ang weird mo!

Jovee: Ly, paano kung may gustong manligaw sa yo? Papayagan mo ba?

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon