Chapter 27

8.3K 148 16
                                    

Dani’s POV
Ravena Residence, 4pm Saturday

*knock knock*

Thirdy: Bakit?

Dani: Diko, si Kuya may sakit. Anong gagawin natin?

Thirdy: Anong sakit ni Kuya?

Dani: Trangkaso. Kanina pa atang umaga yong lagnat niya eh. Tina-try kong tawagan si Mommy pero cannot be reached yong phone niya.

Thirdy: Naku, hindi ko din alam kung anong dapat gawin para mapababa yong lagnat ni Kuya. Si Daddy natawagan mo?

Dani: Cannot be reached din si Daddy. Tawagan kaya natin si Ate Aly? Baka alam niya yong dapat gawin.

Thirdy: Sige. Sinong tatawag kay Ate? Ikaw na?

Dani: Okay.

*calling Ate Aly*

Alyssa: Hello Dani?

Dani: Hi Ate Aly. Busy ka ba? I need to ask you something.

Alyssa: It’s okay. Ano yong itatanong mo?

Dani: Anong dapat gawin para bumaba yong lagnat pag may trangkaso?

Alyssa: Sinong may trangkaso?

Dani: Si Kuya. Kanina pa atang umaga yong lagnat niya kaya lang ngayon lang namin napansin. Hindi naman namin alam ni Diko kung anong dapat gawin.

Alyssa: Asan Kuya mo?

Dani: Asa kwarto niya, natutulog.

Alyssa: Okay sige, steady lang kayo ni Thirdy diyan. I’m on my way there.

Dani: Talaga? Thank you Ate Aly.

Alyssa: Wala yon. See you in awhile. Bye!

Dani: Bye Ate!

Pagkababa ko ng phone, medyo nakahinga ako ng maluwag kahit papaano. Life saver talaga si Ate Aly.

Thirdy: Anong sabi ni Ate Aly?

Dani: Pupunta daw siya dito.

Thirdy: Lakas talaga ni Kuya kay Ate.

Dani: Oo nga eh. Swerte ni Kuya kay Ate Aly.


Alyssa’s POV
Ravena Residence, 5pm Saturday

*ding dong*

Dani: Ate Aly! (hug kay Alyssa)

Alyssa: Hi Dani! Hi Thirdy!

Thirdy: Hi Ate Aly! Salamat sa pagpunta. Sana hindi ka namin masyadong naistorbo.

Alyssa: Ano ba, hindi kayo istorbo. Tara, puntahan na natin yong pasyente.

Umakyat kami sa kwarto ni Kiefer. Umupo ako sa tabi niya at sinalat ko yong noo niya. Mainit nga.

Alyssa: Dani, Thirdy, okay lang ba? Ikuha niyo ko ng dalawang bimpo tsaka ng isang maliit na palanggana ng tubig.

Dani and Thirdy: Sige Ate.

Bumaba sina Dani para kunin yong mga pinapakuha ko. Nilabas ko naman yong dala kong thermometer at ginising ko si Kiefer para makuha yong temperature niya.

Alyssa: Kief. Best, gising ka muna sandali.

Kiefer: Aly? Anong ginagawa mo dito?

Alyssa: Tinawagan ako nina Dani kasi may trangkaso ka daw. Hindi nila alam ang gagawin sa yo. O, bukas ang bibig.

Kiefer: Bakit? Ano yan?

Alyssa: Thermometer lang para malaman natin ang temperature mo.

Nilagay ko yong thermometer sa ilalim ng dila ni Kiefer. After 30 seconds nag-beep na yong thermometer.

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now