Chapter 35

8.9K 140 11
                                    

Kiefer’s POV
Valdez Residence, 5pm Saturday

*ding dong*

Kiefer: Hi Aly!

Bumeso ako kay Aly tapos binigay ko sa kanya yong isang bouquet ng flowers na dala ko.

Alyssa: Thanks! (sumilip sa likod ni Kiefer) Ikaw lang?

Kiefer: Oo. Na-convince ko sila Dad na wag na sumama sa kin.

Alyssa: Buti naman. Kala ko dodoble ang stress ko ngayon. Are you nervous?

Kiefer: Siyempre. Pero ayos lang. Handa akong makita yong balisong ni Tito. Alam ba niyang dadalaw ako ngayon?

Alyssa: Oo, sinabi ko kagabi. Hindi naman nagalit kaya feeling ko okay lang. Pasok na tayo?

Nilakihan ni Aly yong pagkabukas ng pinto para makapasok ako. Pagdating ko sa loob ng bahay nila, sinalubong ako ni Tita Lita. Nagmano ako sa kanya tapos iniabot ko yong isa pang bouquet ng flowers na dala ko.

Lita: Thank you dito sa flowers, pero hindi mo ako kelangan bigyan nito.

Kiefer: Hindi lang naman po si Aly ang nililigawan ko, kayo pong lahat.

Lita: So yang cake na dala mo para sa mag-aama ko?

Kiefer: Opo. Eto po yong favorite ni Tito Ruel.

Lita: Alam na alam mo talaga kung sino yong dapat mong suyuin noh?

Kiefer: Kelangan ko po magpalakas eh.

Lita: Galingan mo. Princess, ikaw na bahala diyan sa manliligaw mo. May tatapusin lang ako sa kusina.

Alyssa: Sige po Ma.

Wala pa kaming five minutes na nakaupo ni Aly sa may sofa nila nung nagbabaan sa hagdan yong mga kapatid niya. Umupo si Kian sa tabi ko tapos sina Kuya naman sa tapat namin ni Aly.

Nicko: Asan si Mama?

Alyssa: May tinatapos sa kusina.

Paolo: Tulungan mo muna si Mama sa ginagawa niya.

Kian: Oo nga Ate. Kami ng bahala dito kay Kuya Kiefer.

Tinignan ni Aly isa-isa si Kian at sina Kuya. Hindi siya nagsasalita pero alam kong nagdududa siya sa kinikilos ng mga kapatid niya.

Paolo: Bakit ganyan ka makatingin? Wag ka mag-alala, wala kaming gagawin dito sa manliligaw mo. Kakausapin lang namin.

Alyssa: Pwede niyo namang kausapin ng nandito ako. Bakit kelangan ko pang umalis?

Nicko: Wala ka bang tiwala sa min?

Alyssa: Normally meron, pero ngayon, hindi ko alam.

Kiefer: Sige na Aly. I’ll be fine. Puntahan mo na si Tita sa kusina.

Paolo: Buti pa si Kiefer may tiwala sa min.

Kinakabahan din naman akong maiwan kasama sina Kuya, pero alam kong at some point kelangan ko silang kausapin. Kahit pa nabanggit nila nun na boto sila sa kin, I still need to reassure them na hindi ko sasaktan yong Prinsesa nila.

Alyssa: Tawagin mo ko pag may ginawa sa yo tong mga kapatid ko.

I smiled at Aly and nodded yes, tapos pumunta na siya sa kusina para tulungan si Tita.

Nicko: Anong balak mong gawin kay Papa?

Bakit si Tito ang topic namin? Hindi ba nila ako uusisain sa panliligaw ko sa kapatid nila?

Kiefer: Hindi niyo ba ko pagsasabihan tungkol sa panliligaw ko kay Aly?

Paolo: Bakit pa? May balak ka bang lokohin si Princess?

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now