Chapter 23

7.6K 122 9
                                    

Thirdy’s POV
Ravena Residence, 4pm Wednesday

*ding dong*

Thirdy: Hi Ate! Dadalawin mo si Kuya?

Alyssa: Hi Thirdy. Oo sana. Dala ko yong notes and readings galing sa classes niya for the past two days.

Thirdy: Halika pasok ka.

Alyssa: Thank you. Asan Kuya mo? Gising ba?

Thirdy: Mukhang tulog eh. Tahimik yong kwarto ni Kuya kanina nung dumaan ako. Pero pwede ko naman gisingin, I’m sure he’d be happy to see you.

Alyssa: Hindi na, wag mo na istorbohin yong tulog niya. Abot mo na lang sa kanya tong notes and readings niya mamaya.

Thirdy: Aalis ka na? Wag muna, I’m sure magigising din yon soon. Merienda na lang tayo sa kusina habang hinihintay natin si Kuya.

Alyssa: Sige ba. Hindi ko tatanggihan yang luto ni Manang.

Nagtawanan kami ni Ate Aly tapos pumunta na kami sa kusina para mag-merienda. Nagke-kwentuhan lang kami habang kumakain. Masayang kasama si Ate Aly. Mabait siya, masarap kausap, makulit, tsaka walang kaarte-arte sa katawan. Sana talaga magkatuluyan sila ni Kuya.

Thirdy: Sana maging Ate ka talaga namin.

Alyssa: Ate naman ang tawag niyo sa kin.

Thirdy: Oo nga. Pero wala naman yon eh, Ateng magkaibigan lang. Sana yong totoo.

Alyssa: Paanong totoo?

Thirdy: Yong maging girlfriend ka ni Kuya, tapos eventually, makasal kayo. Para legally, Ate ka na talaga namin.

Alyssa: Ay naku Thirdy, puro nalang kalokohan yang asa isip mo.

Thirdy: Hindi yon kalokohan. Pwede naman diba? Lalaki si Kuya, babae ka. Single na si Kuya ngayon and single ka din naman.

Alyssa: It’s not as simple as that. May mga dapat pang i-consider before a relationship between two people even becomes possible.

Thirdy: Like what?

Alyssa: Feelings. Diba dapat, there’s even a semblance of love in both parties before they consider getting into a relationship?

Thirdy: Kala ko ba love is a decision?

Alyssa: Bakit alam mo na yan? Nag-Theo 131 ka na ba?

Thirdy: Hahaha...hindi pa. Atenista din kasi yong teacher namin eh.

Alyssa: Ahhh...well, sa kin kasi yong love is a decision pertains to that conscious choice to stay in love with someone, to keep working on the relationship kahit hindi madali.

Thirdy: O, di you and Kuya can consciously choose to work on a relationship.

Alyssa: Mahirap naman gawin yon kung walang love in the first place.

Thirdy: Alam mo Ate, lahat kami alam naming mahal ka ni Kuya. Siya lang naman ang in denial eh. Matatanggap din niya yon eventually. Konting hintay lang, may pagka-slow kasi yon.

Alyssa: Bakit kung magsalita ka, parang feeling mo once umamin si Kiefer, yon na yon? I still have a choice in this right?

Thirdy: Of course you do. I’m just hoping that it’s also the choice we want. Pero siyempre, bago umabot sa point na magde-decide ka, kelangan si Kuya muna. Dapat ligawan ka muna niya.

Alyssa: Ay naku, wag masyado umasa para hindi masyadong masakit.

Thirdy: Wag umasa saan? Na liligawan ka ni Kuya o na sasagutin mo siya?

Alyssa: Basta wag na umasa, okay? Thirdy, silipin mo na kaya yong Kuya mo sa taas. Baka gising na yon.

Thirdy: Ate Aly, hindi mo ba gusto si Kuya? What if ligawan ka nga niya? Sasagutin mo naman siya diba?

Alyssa: If there’s anything I learned in college, it’s that hindi dapat pinipilit ang mga bagay. Kusa namang mangyayari kung ano ang dapat mangyari.

Thirdy: Anong ibig mong sabihin?

Alyssa: Okay kami ng Kuya mo where we are. Wag natin guluhin yong dynamics ng kung anong meron kami, lalo na if it’s for something na wala namang kasiguraduhan.

Thirdy: Hindi mo man lang ba bibigyan ng chance yong sa inyong dalawa ni Kuya?

Alyssa: Alam mo, kung gusto mo lang ako maging Ate, pwede naman. Hindi kelangan maging kami.

Thirdy: Nakakahalata na ko sa yo. Kanina mo pa hindi sinasagot ng diretso yong mga tanong ko. Baka naman kaya hindi ka makasagot kasi may mahal ka na? Ayaw mo lang aminin.

Alyssa: Fine. Okay, I’m in love with someone. Happy?

Ano daw?! Seryoso ba yon? Nagjo-joke lang naman ako. Bakit niya sinagot yong tanong ko?

Thirdy: Not really. Ate Aly naman eh, basag trip ka.

Alyssa: Hahaha...nagtanong ka, sinagot ko, tapos ako pa yong basag trip? Wag ka kasing magtatanong kung hindi ka handa sa sagot.

Ay naku Kuya. Ang tanga-tanga mo kasi, ang bagal mo kumilos. Ayan tuloy, may mahal na si Ate Aly. Paano mo pa siya mapapasagot ngayon?

Thirdy: Basta Ate, pag niligawan ka ni Kuya at hindi mo pa naman boyfriend yong mahal mo, promise me na bibigyan mo siya ng chance. Things can still change diba? Malay mo Kuya wins you over with his Ravena moves.

Alyssa: Talagang Ravena moves ha? Parang basketball lang noh.

Thirdy: Oo. At makikita mo din ang Ravena Family moves. Hindi naman pwedeng si Kuya lang ang manliligaw. Siyempre liligawan ka rin namin para sa kanya.

*blag*

Alyssa: Ano yon?!


Alyssa’s POV
Ravena Residence, 5pm Wednesday

Alyssa: What the hell were you thinking?! Bakit ka bumababa ng hagdan on your injured foot? Ayan tuloy, nahulog ka. Sa susunod kung may kelangan ka, magtext ka na lang. Hindi yong pinipwersa mo yong sarili mo. Tingin mo ba makakatulong yang tigas ng ulo mo para mas mabilis gumaling yang injury mo?

Arggghhh…ang tigas talaga ng ulo ng lalaking to. Naabutan ba naman namin siya ni Thirdy na nakahiga dun sa landing ng hagdan. Nadulas daw siya. Hindi ko maintindihan kung paano siya umabot dun sa hagdan samantalang hirap na hirap siyang maglakad sa sakit ng paa niya.

Kiefer: Ano bang ginagawa mo dito? Bumalik ka na nga ng Ateneo. Diba may training ka?!

Alyssa: Wala, cancelled yong training namin this afternoon. Binawian na kami ni Coach Tai ng five-hour training kanina.

Kiefer: Sana nagpahinga ka nalang sa dorm pagkatapos ng klase mo kesa naglalakwatsa ka.

Alyssa: Hindi naman to lakwatsa. I’m here to take care of you. Ako naman ang nurse mo ngayon.

Kiefer: Inalagaan kita last week kasi gusto ko, hindi naman para mapilitan kang alagaan din ako.

May problema ba tong si Kiefer? Kanina pa parang ang sungit sungit.

Alyssa: Sino bang nagsabing napipilitan ako? Best naman. Ganun ba kasama ang tingin mo sa kin na kung aalagaan kita ibig sabihin napipilitan lang ako?

Kiefer: Sorry. That didn’t come out right.

Pasalamat ka mahal kita kaya kaya kong tiisin yang pagsusungit mo.

Alyssa: Ikaw talaga, pasalamat ka injured ka. Anyway, eto yong notes dun sa mga na-miss mong classes since yesterday. Eto naman yong readings mo for Philo and Theo. Kung papasok ka na this Friday, may quiz kayo sa Philo. Tapos next week, meron naman kayong graded recitation sa Theo.

Kiefer: Thanks.

Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto ng kwarto ni Kiefer. Bababa ako para kunin yong pang cold compress sa ankle niya.

Kiefer: Saan ka pupunta? Uuwi ka na ba?

Alyssa: Hindi pa. Pupunta lang ako sa kusina, kukunin ko yong pang cold compress mo.

Pagkakuha ko nung ankle straps, bumalik na ko kay Kiefer. Naupo ako dun sa dulo ng kama at nilagay ko na yong straps sa right ankle niya. Tapos tumayo ako ulit para kumuha ng sports tape sa banyo ni Kiefer.

Alyssa: Nga pala Best, tumawag ako kanina sa Medical City. Ready na daw tomorrow yong MRI results mo. Pina-sched na kita ng appointment kay Dr Bondoc ng 2pm. Sana okay lang sa yo yong time, wala na kasing ibang slot eh.

Nung bumalik ako sa loob ng kwarto ni Kiefer, nakita kong nakatulala siya. Parang ang lungkot ng mata niya. Bakit kaya? Siguro dahil sa injury niya, start na kasi ng UAAP this weekend and hindi pa sure kung makakalaro siya sa Sunday against NU.

Alyssa: Naisip ko, sakto lang din naman yong sched na yon. Pwede kitang daanan dito ng 1pm and then siguro tapos na yong appointment mo ng mga 3. Mahahatid pa kita dito sa inyo before ako bumalik ng Ateneo for training.

Kiefer: Wag mo na ko samahan tomorrow. Pwede naman siguro akong ipag-drive ni Mommy o kaya ni Daddy papuntang Med City.

Alyssa: Sus, nahiya ka pa sa kin. Okay lang naman na ipag-drive kita, tsaka kotse mo naman yong gagamitin natin noh.

Kiefer: Paano yong classes mo?

Alyssa: Wala akong pasok bukas ng hapon so free ako until 5pm. Pwede kitang samahan sa check-up mo.

Kiefer: Wag na nga sabi. Magpahinga ka na lang kung wala kang pasok.

Hindi ko na talaga to imagination. Something’s bothering Kiefer and I don’t think it’s his injury or UAAP.

Alyssa: May problema ba tayo?

Kiefer: Wala. Bakit mo natanong?

Alyssa: Since inakyat ka namin dito sa kwarto mo, ang sungit sungit mo. Kanina ka pa nakasinghal. Tapos pinagtatabuyan mo ko. May nagawa ba kong hindi ko alam?

Kiefer: Wala nga! Bakit ba ang kulit mo? Kung nasusungitan ka sa kin, eh di umuwi ka na. Wala namang nagsabing pumunta ka dito.

Hindi ako sumagot, tinignan ko lang si Kiefer. He can’t look at me straight in the eye. Maya-maya pa kinuha ko yong remote control para buksan yong TV.

Ayokong patulan yong init ng ulo ni Kiefer. Kahit i-deny niya, alam kong may problema. Hindi ko lang ma-gets kung kanino siya may issue. Kung sa ibang tao at nadadamay lang ako o sa kin mismo. Pero wala akong alam na nagawa sa kanya. Okay naman kami nung hinatid ko siya last night.


Kiefer’s POV
Ravena Residence, 7pm Wednesday

Nakatalikod ako kay Aly, nagkukunwaring natutulog. Narinig kong lumabas siya ng kwarto ko. I thought she’s finally going home, but after a few minutes she went back. May inilapag lang siya sa side table ko tapos lumabas na siya ulit. Nung nag-start yong kotse ko sa labas, alam ko ng umalis na si Aly.

Tinignan ko kung ano yong pinasok ni Aly sa kwarto ko and I saw a tray of food. Kinuha ko yong note na nakalagay sa gilid nung tray.

Kief,

Here’s your dinner, kumain ka na. Binilin ko kay Thirdy yong pag cold compress at pag tape ng ankle mo. Text mo na lang siya when you’re ready.

Umuwi na ko. Hindi ata nakabuti sa mood mo yong pagpunta ko ngayon.

I don’t know what’s bothering you and hindi ko din alam kung may nagawa akong kinagalit mo. But if meron, I’m sorry. Let’s talk about it pag hindi na mainit yong ulo mo.

I’ll see you tomorrow at 1pm.

Good night,
Aly

P.S. I know you were just pretending to be asleep. Matulog ka na pagkakain mo.

Napapikit na lang ako sa nabasa ko at tuluyan ng umiyak.

Aly I’m sorry. Alam kong nasaktan kita kanina, hindi kita dapat pinagtabuyan. But I had to do it. I didn’t want to cry in front of you kasi hindi ko naman kayang i-explain sa yo kung bakit ako umiiyak.

Kung alam ko lang na I was falling in love with you, sana napigilan ko yong sarili ko. I don’t want to complicate things between us. I’m in love with you pero may mahal kang iba.

Akala ko ba mag-bestfriend tayo? Bakit hindi mo sinabi sa kin na you’ve fallen in love with someone? Kung hindi ko pa narinig yong usapan ninyo ni Thirdy, hindi ko pa malalaman.

I don’t know who he is and I don’t know if he loves you back pero sobrang swerte niya kasi siya yong minahal mo. Gusto ko sana ako yong magpapangiti sa yo, pero kung sa iba ka sasaya, okay na rin, basta alagaan ka lang niya at wag ka niyang sasaktan.

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now