Chapter 16

8.6K 132 22
                                    

Day 2 of Batangas Trip

Kiefer’s POV
Laiya Beach, 5am Tuesday

Naglalakad ako ngayon dito sa beach, hinahanap ko si Aly. Pagkagising ko kasi kanina, wala na siya sa tabi ko. Oo napagkaisahan na naman kami. Naiwan pa ko sa labas kagabi pagtapos namin mag-usap ni Von. Nung pumasok ako sa bahay, the only unoccupied mattress was the one beside Aly’s.

Humiga naman ako agad pero it still took me a while bago ako finally nakatulog. Hindi ako sanay na magkagalit kami ni Aly. Usually naman kasi pag nagkakatampuhan kami, nagbabati din kami agad.

Natanaw ko si Aly from a far, nakaupo siya sa ilalim ng isang puno. Sana malamig na ang ulo niya. Hindi ko ata kaya ang isang buong araw na hindi pa rin kami nag-uusap.

Kiefer: Can I join you?

Tumango si Aly at umurong ng konti para pwede kami sumandal parehas sa puno. Tahimik lang kami, pinapanood namin yong langit na unti-unting nagliliwanag.

Alyssa: Ang ganda noh.

Kiefer: Ly, sorry kahapon. It was a bad joke, I know. Promise, hindi ko na uulitin yon.

Alyssa: Alam mo ba kung gaano yong kaba ko kahapon? Takot na takot ako na baka nalunod ka talaga, na baka mamatay ka.

Nag-umpisang tumulo yong luha ni Aly. I hate seeing her cry, more so kung ako yong dahilan. I put my arm around her shoulder and pulled her closer. Tuluyan na siyang umiyak habang nakasandal sa kin.

Kiefer: Stop crying na. Alam mo namang ayokong umiiyak ka eh. Walang nangyaring masama sa kin.

Alyssa: Nakakainis ka kasi. Bakit mo ba ginagawang biro yon? Paano kung natuluyan ka ngang malunod? Kief, I’m not ready to lose you.

Kiefer: Ssshhh…you’re not going to lose me. Never mangyayari yon.

Alyssa: Hindi mo naman masasabi yon. Maraming pwedeng mangyari na hindi natin kontrolado.

Kiefer: It’s going to take a lot for you to lose me. Tandaan mo yan.

I kissed Aly on her forehead and then pinunasan ko yong luha niya.

Kiefer: Sorry na ha? Hindi ko naman akalain na matatakot ka ng ganun.

Alyssa: Wag mo na uulitin yong panggu-good time mo sa kin. Sa susunod na gawin mo ulit yon, ako na mismo ang maglulunod sa yo.

Kiefer: Wag ganun. Kala ko ba ayaw mong may masamang mangyari sa kin?

I hugged Aly again, and this time she hugged me back. It feels good na bati na kami. Gumaan bigla yong pakiramdam ko and alam kong ganun din si Aly. I could feel the tension leaving her body. After a few minutes, bumitaw din kami parehas.

Alyssa: Thank you nga pala sa unan.

Kiefer: Hin –

Alyssa: Magde-deny pa eh. Ikaw yong naglagay nung unan sa tabi ko. Nakita ko kaya yong tuwalya na ginamit mong unan.

Kiefer: Oo na, hindi na ko magde-deny.

Alyssa: Bakit mo ba binigay sa kin yong unan mo?

Kiefer: Diba, hindi ka naman nakakatulog ng walang akap na unan?

Alyssa: Hmph. Ang sabihin mo, gawain yan ng isang taong may guilty conscience.

Kiefer: Ganun ba ko kasama?! Gagawin ko pa rin naman yon kahit ikaw ang may atraso sa kin.

Alyssa: Awww…si Best, defensive. Inaasar lang naman kita. Wag ka masyadong patola, nahahalata ka eh.

Kiefer: Speaking of atraso, may kasalanan ka sa kin.

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now