Chapter 2

10.7K 149 3
                                    

Ella’s POV
Fully Booked Bonifacio High Street, 5pm Sunday

Denden: Akyat lang ako sa taas ha.

Ella: Sige. Dito lang kami sa generl fiction.

Last day na namin today na walang training kaya nagkaayaan kami nina Aly at Denden na mag gala. Kanina pa kami paikot-ikot dito sa High Street – food trip, window shopping, kulitan. Pero parang di naman nage-enjoy si Aly. Siguro nga may problema na naman si Kiefer. Ganyan yang si Aly. Basta may problema si Kiefer, may problema na rin siya. Minsan talaga gusto kong batukan yang si Kiefer, baka sakaling matauhan at marealize niya kung gaano siya kaswerte kay Aly.

Alyssa: Besh, nakapili ka na ba ng book?

Ella: Hindi pa. (pakita kay Alyssa nung hawak niyang libro) Pero eto parang maganda. Ikaw ba meron na?

Alyssa: Wala akong makitang maganda eh. Pahiram nalang niyan pagkatap – (biglang napasubsob si Alyssa kay Ella) Aray! (lumingon si Alyssa sa nakabangga sa kanya) Kuya Jovee?!

Jovee: Sor – Alyssa!? Long time no see. Uy sorry, nasaktan ka ba? Natapilok kasi ako dun sa nakakalat na libro.

Alyssa: Okay lang ako, na-out of balance lang ng konti. Kamusta ka na? Ang tagal nating di nagkita.

Jovee: Oo nga eh. Not since you graduated from high school. Nung huli tayong magkita ang liit mo pa.

Alyssa: Para namang five years old ako nung huli tayong magkita. Four years ago lang kaya yon.

Jovee: Tumangkad ka. Konti nalang maaabutan mo na ko.

Alyssa: Don’t worry. Di kita malalampasan. Hindi na ko tumatangkad noh.

Jovee: Kaya ba dinadaan mo na lang sa taas ng talon yong pagspike mo?

Alyssa: Pag-spike? How sure are you na nagva-volleyball pa ko?

Grabe naman tong si Aly. Parang walang kasama. Sino kaya tong Kuya Jovee na to? Nakita lang niya, nakalimutan na ko. Daig pa nila yong may sariling mundo.

Jovee: Grabe ka. Kahit di tayo nag-uusap, sinundan ko naman yong UAAP career mo noh. Alam kong di ka ni-release ng UST kaya papasok ka palang sa third playing year mo, kahit na fourth year ka na. Tapos two years na kayong tinatalo ng La Salle sa finals.

Alyssa: Naks. Konti na lang mani –

Ella: Ehem...

Alyssa: (napatingin kay Ella) Ay besh. Sorry. Si Kuya Jovee pala, dati naming team manager sa UST Girls Volleyball Team. Kuya Jovee, si Ella teammate ko sa Ateneo.

Ella: Hi Kuya Jovee.

Jovee: Hi Ella. Jovee na lang.

Denden: Mga Besh, (sabay akbay kay Ella at Alyssa) nagugutom ako. Kain na tayo. (napansin si Jovee) Ay, may kausap pala kayo.

Alyssa: Denden, si Kuya Jovee, team manager namin dati sa UST Girls Volleyball Team. Kuya, si Denden. Teammate namin ni Ella.

Denden: Hi.

Jovee: Hi Denden. Wag na kuya ha. Jovee na lang.

Alyssa: Kuya Jovee, may gagawin ka pa ba? Sabay ka na sa min mag dinner. Para makapag kwentuhan pa tayo.

Jovee: Sige ba. (tumingin kay Ella at Denden) Kung okay lang sa inyo...

Ella and Denden: Okay lang.


Kiefer’s POV
Bonifacio High Street, 6:30pm Sunday

To Bestfriend Aly:
Best! Anong ginagawa mo ngayon?

Thirdy: Kuya, punta lang akong Nike.

Kiefer: (nilagay ni Kiefer yong phone niya sa bulsa niya) Sige. Hintayin ko na lang si Dani dito. Sunod kami sa Nike.

Sa totoo lang wala ako sa mood mag gala, pero yong dalawang kapatid ko kasi, ang kukulit. Bored na daw sila sa bahay. So eto kami ngayon, nag iikot sa Bonifacio High Street.

Dani: Kuya, I’m done. (lumingon-lingon) Asan si Diko?

Kiefer: Nagpuntang Nike. Tara? Sabi ko susunod tayo sa kanya. Akin na yang mga pinamili mo. (abot sa mga hawak ni Dani na paper bag)

Dani: Sige. Thanks Kuya!

Nag-umpisa na kami maglakad papuntang Nike. Tumingin sa kin si Dani.

Dani: Kuya, bakit par – Kuya, si Ate Aly ba yon?!

Kiefer: Si Aly? Asan? (lumingon-lingon)

Dani: (turo sa restaurant) Ayun o, sa Texas Roadhouse. Sino yong kasama niya? Naks luma-love life si Ate Aly. May date! Halika mag-hi tayo.

Kiefer: (natigilan sandali si Kiefer) Tara na Dani. (hila kay Dani) Wag na natin istorbuhin yong – si Aly.

Dani: KJ mo talaga Kuya! (naglakad ng mabilis para makahabol kay Kiefer) Hintay naman, ang bilis mo maglakad eh.

Kinuha ko yong phone ko sa bulsa ko. Wala pang reply si Aly. Ah, oo nga pala. Paanong sasagot yon eh may date. Sino kaya yong kasama ni Aly. Hindi naman familiar sa kin so malamang hindi Atenista. Wala din naman akong natatandaang nabanggit niyang may nakilala siya.

Dani: Kuya naman! Para akong walang kausap. Tinatanong kita kung kilala mo ba yong kasama ni Ate Aly. In fairness ha. Cute yong guy. Bagay sila!

Kiefer: Cute?! Ang pangit kaya! Pero bagay nga sila. Parang Beauty and the Beast. Teka, bakit ba akong tinatanong mo kung sino yong ungas na yon?! Malay ko naman!

Dani: Chill ka lang Kuya! Wag masyadong pahalatang nagseselos.

Kiefer: Selos ka diyan! Hindi ako nagseselos noh!

Dani: Oookay. Quiet na ko.

Dumating na rin kami ng Nike. Nakatayo na si Thirdy sa labas hawak yong binili niya.

Thirdy: Ang tagal niyo naman. Kanina pa ko tapos.

Dani: Ssshhhh… (bulong ng malakas kay Thirdy) mainit ulo ni Kuya…

Thirdy: (bulong pabalik) Anong nangyari?

Kiefer: Tapos na ba kayo? Baka pwede na tayong umuwi.

Nakita kong nagtinginan si Dani at si Thirdy. Kunwari di ko napansin. Nilabas ko ulit yong phone ko. Aba himala, may text na si Aly.

From Bestfriend Aly:
Hi Kief! Am having dinner here sa High Street. Ikaw, watcha doing?

Dani: Sige Kuya, uwi na tayo.


Alyssa’s POV
Texas Roadhouse Grill, Bonifacio High Street, 7pm Sunday

Andito pa kami sa Texas Roadhouse Grill, kakatapos lang magdinner. Hinihintay namin ni Kuya Jovee sina Ella at Denden na makabalik from the bathroom.

Sobrang enjoy ng dinner namin. Bentang-benta yong kulit ni Kuya Jovee kina Besh. Ang sarap din magreminisce nung days namin sa USTe, yong mga kalokohan namin nun, sakit-sakitan para makatakas sa training, foodtrip, gala. Grabe nakaka-miss talaga yong mga panahon na yon.

Jovee: Ly, saan kayo after nito?

Alyssa: Babalik na siguro kami ng dorm. Medyo late na rin, baka mahirapan na kami maghanap ng taxi.

Jovee: Wag na kayo mag-taxi, delikado pa yon. Hatid ko na lang kayo ng Ateneo.

Alyssa: Wag na Kuya Jovee, out of the way na yon sa yo. Ma-hassle ka pa.

Jovee: Okay lang noh. Kesa naman magcommute kayo. Dali, hahatid ko na kayo.

Alyssa: Wag na kasi. Nakakahiya.

Jovee: Yan ang hirap sa yo eh. Hindi lang tayo nagkausap ng ilang taon ibang tao na ang turing mo sa kin. Basta hahatid ko kayo.

Alyssa: Ako ba yong hindi nagparamdam ng tatlong taon?! Nagtetext kaya ako sa yo, hindi ka naman sumasagot.

Jovee: Kaya nga bumabawi ngayon eh. Eto talagang si Miss Pakipot...pakipot pa rin hanggang ngayon!

Tinaasan ko ng kilay si Kuya Jovee, ayun nginitian lang ako.

Alyssa: Sige na nga. Mapilit ka eh.

Ella: We’re back!

Denden: Ano Ly, balik na tayong dorm?

Alyssa: Ang tagal niyo naman sa banyo. Kala namin na-flush na kayo sa toilet.

Ella: Eto kasing si Denden nagretouch pa, kala mo naman siya yong may date. (iwas sa hampas ni Denden)

Alyssa: Kayo talagang dalawa! Tara na nga, bumalik na tayong Ateneo. Hahatid tayo ni Kuya Jovee.

Denden: Talaga? Salamat Jovee ha.

Ella: Hindi ba out of the way sa yo?

Jovee: Hindi naman. (umakbay kay Alyssa) Besides, kelangan ko pa bumawi dito kay Miss Pakipot.

Ella: Yun o! Miss Pakipot pala ha.

Alyssa: Ay naku, pinagtutulungan niyo na kong tatlo. (tumayo) Halika na nga, lalo pa tayong gagabihin.

Habang naglalakad kami papuntang parking lot, nagkukulitan pa rin si Ella at si Denden. Para talagang mga bata to! Pagdating ng kotse, pinagbukas kami ng pinto ni Kuya Jovee. Naks! Gentleman na siya ngayon.

Pabalik na kaming Ateneo. Chineck ko yong phone ko. Hindi na nagreply si Kiefer. Ano kayang nangyari dun. Sana okay na siya.

Denden: Ly, una na kami ni Ella sa taas. Thank you for the ride Jovee. Nice meeting you! (bumaba ng kotse)

Ella: Salamat sa paghatid. (pagbaba ng kotse) Yan solohin mo na si Aly! Balik mo lang ha, may training pa kami bukas.

Jovee: Hahaha…nice meeting you rin!

Alyssa: Sensya na ha, ang kulit talaga ni Ella...

Jovee: Wala yon, nakakatuwa nga yong friends mo eh. Masaya kasama. Nag-enjoy ako today. Sana maulit.

Alyssa: Oo ba. Ikaw lang naman eh. Bigla ka kasing hindi nagparamdam sa kin. Bakit nga ba hindi ka na sumagot sa mga text ko nun?

Jovee: Hehe...secret! Tsaka na natin pag-usapan yon. Mahabang kwento eh.

Alyssa: Okay. Kuya Jovee, akyat na ko. Maaga pa training namin bukas.

Jovee: Pwede bang wag mo na ko tawaging Kuya? Kanina ka pa Kuya na Kuya, hindi mo naman na ko Team Manager ngayon. Equals na tayo.

Alyssa: Naku, tinuruan ako ng magulang ko gumalang sa mga nakakatanda! Hahahaha...

Jovee: Maka-matanda naman to. Three years lang naman ang difference natin ah. Basta, hindi ako sasagot pag tinawag mo kong Kuya Jovee.

Alyssa: Sige na nga, try ko...

Jovee: Ayus! (kinurot si Alyssa sa pisngi) Lakas ko pa rin talaga sa yo.

Alyssa: Aray! Masakit ha. Oo, malakas ka sa kin. Ako lang naman ang hindi malakas sa yo eh.

Jovee: Hahaha...Ay Aly, kunin ko pala number mo.

Alyssa: Kala ko hindi mo hihingin eh. Magtatampo talaga ako sa yo!

Jovee: Magbebente ka na matampuhin ka pa rin?! Dali, ano ng number mo?

Alyssa: 0917-1234567. Magtext ka ha!

Jovee: Oo magtetext ako. Sige na, umakyat ka na sa taas. Late na.

Alyssa: Bye Ku – Bye Jovee! O ayan ha. Wala ng Kuya! Hahaha...

Jovee: See? Mas magandang pakinggan yong Jovee kesa Kuya Jovee!

Alyssa: O siya, akyat na talaga ako. (quick hug kay Jovee) Grabe na-miss kita. (bumaba sa kotse) Bye Jovee! Thank you sa ride ha.

Jovee: Bye Aly! Wala yon, anytime! Sa uulitin?

Alyssa: Sa uulitin. Ingat sa pagdrive. Text ka pag-uwi mo.

Kumaway si Kuya Jovee at nagdrive na palayo. Ay, Jovee na nga lang pala ngayon. Loko talaga yon. Bigla-bigla nalang sumusulpot. Pero na-miss ko yon.

Umakyat na ko sa kwarto namin. Himala! Tulog na ang mga asungot. Naghanda na ko para matulog, maaga pa ang training namin bukas. I checked my phone, wala pa ring reply si Kiefer. Ma-text nga ulit.

To Bestfriend Kiefer:
Uy Best! Ano ng nangyari sa yo? Di ka na nagreply. Andito na ko sa dorm, patulog na. Maaga pa training bukas eh. Matulog ka na rin ha. Maaga din kayo tomorrow. Good night Kief!

*toot toot*

From 0918-1234567
Hi Miss Pakipot! Just got home. O ayan ha. Nagtext na ko. Promise. Lagi na kong magrereply sa yo from now on. Nag-enjoy talaga ako kanina. I didn’t realize how much I missed you until nakita kita sa Fully Booked. d=)

To Jovee:
Miss Pakipot ka diyan! Hindi yon ang pangalan ko noh. Buti naman nagtext ka. Kala ko hindi ka na naman magpaparamdam. Lumipat lang ako ng school hindi mo na ko kilala. Pero seriously, I’m happy we ran into each other kanina.

*toot toot*

From Jovee:
Oo nga, literally ran into each other. Hehe…o matulog ka na. Sabi mo maaga pa training mo bukas. Good night Miss Alyssa Valdez! Sweet dreams! d=)

To Jovee:
Good night Mr Jovee Avila!

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now