Chapter 13

7.7K 124 11
                                    

Jovee’s POV
Eliazo dorm, 2pm Saturday

To Miss Alyssa Valdez:
Hi Miss Alyssa Valdez! Asa Eliazo ka? Are you busy? d=)

*toot toot*

From Miss Alyssa Valdez:
Hi Mr Jovee Avila! Yes po, andito ako sa dorm. Hindi naman busy, nagchichikahan lang kami nina Ella. Why po?

To Miss Alyssa Valdez:
Baba ka naman. Andito ako sa driveway ng Eliazo.

*toot toot*

From Miss Alyssa Valdez:
Okay. Wait lang.

Wooohhh…this is it! Huminga ako ng malalim, baka sakaling mawala yong kaba ako. Jovee, you can do this. Gagawin mo lang naman yong dapat ginawa mo na two years ago. Nakita ko si Aly na papalapit sa kin. Ang ganda niya talaga. Biglang bumalik yong kaba ko.

Alyssa: Hi Jovee! O, anong meron? Ba’t napadaan ka?

Jovee: Busy ka ba?

Alyssa: Hindi. Nagke-kwentuhan lang kami nina Ella sa taas. Bakit?

Jovee: Pwede ba kitang kidnapin sandali? Kahit mga two hours lang. Babalik din kita dito agad.

Alyssa: Ahhh...sige. Saan tayo pupunta?

Jovee: Basta! Akin na lang muna yon. (bukas ng pinto ng kotse para kay Alyssa) Let’s go?

Alyssa: Ha?! Teka. Magbibihis lang ako.

Jovee: Wag na. Okay na yang suot mo.

Alyssa: Wala akong pera, phone lang dala ko.

Jovee: Hindi mo naman kelangan ng pera sa pupuntahan natin. And if ever man, ako na bahala sa yo. Dali, sakay na.

Alyssa: Ay naku. Mga pauso mo talaga Jovee. (sumakay na rin sa kotse ni Jovee)

I closed Aly’s door and before ako pumasok sa driver’s side, I took a deep breath again. Pagpasok ko ng kotse, kinuha ko sa backseat yong sleeping mask na binili ko at inabot ko kay Aly.

Jovee: O Ly, lagay mo muna to sa mata mo.

Alyssa: Bakit pa kelangan nito? Saan mo ba ko talaga dadalhin?

Jovee: Sige na isuot mo na yan. Wag na maraming tanong. (tinaasan ni Alyssa ng kilay si Jovee) Hindi kita ipapahamak noh.

Alyssa: (sinuot yong sleeping mask) Siguraduhin mo lang.

Sa UST lang naman kami pupunta ni Aly, ayoko lang sabihin para surprise. Dadalhin ko siya dun sa madalas naming tambayan dati. Nagdrive na ako papuntang Espana. Buti naman nakisama ang traffic at mabilis kaming nakarating ng UST.

*toot toot*

From Jerx:
Bro! Okay na. Ready na lahat.

To Jerx:
Thanks Bro! Andito na kami. Pa-park lang ako.

Jovee: We’re here!

Alyssa: Pwede ko na ba tanggalin tong mask?

Jovee: Wag muna. Andito palang tayo sa parking, wala pa tayo sa actual spot.

Alyssa: Paano ako makakarating dun sa “actual spot” kung hindi ako nakakakita?

Jovee: Don’t worry, aakayin kita. O teka, wag kang gagalaw diyan. Ikot ako sa side mo.

Binuksan ko yong pinto ni Aly at tinanggal ko yong seatbelt niya. Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa Open Field. Dinala ko si Aly dun sa area sa harap ng grandstand. Tinanggal ko yong sleeping mask niya at pinanood ko siya habang tinitignan niya yong buong set-up.

Nakakalat sa paligid ang maraming-maraming red and white rose petals tapos sa harap namin may nakatayong sampung easel. Inisa-isa ni Aly yong mga easel para tignan yong mga pictures na naka-display. Naka-arrange dun yong mga pictures namin simula pa nung nag-start akong maging Team Manager nila Aly. May mga pictures dun na kuha sa mga games nila, sa mga practices, team outing, yong mga food trip namin, videoke sessions, pati mga stolen shots niya na naipon ko throughout the years. Dumating si Aly sa eighth easel, natigilan siya sandali tapos lumingon siya sa kin.

Alyssa: Bakit wala ng laman tong last three easels?

I smiled at Aly. Nilapitan ko siya, I took her hand, and then lead her back to the middle of the whole set-up. Inabot ko sa kanya yong bouquet ng white roses na iniwan nila Jerx dun sa may grandstand.

Alyssa: Thank you. Pero, para saan to?

Jovee: Hindi mo ba nagustuhan?

Alyssa: Nagustuhan ko. Maganda yong set-up. But what’s it for?

Jovee: Andiyan lahat ng pictures natin na naipon ko simula nung nagkakilala tayo. The last three easels are blank kasi I’m reserving those for the pictures na maa-accumulate ko pa now that we’re friends again.

Alyssa: Ahhh…okay. Pero hindi naman kelangan ng ganito para ipakita mo sa kin yong mga pictures. Pwede mo naman i-share sa FB o kaya sa IG.

I took a deep breath. Ito na yon Jovee. Kalma ka lang, wag masyadong kabahan. Kaya mo to!

Alyssa: Jovee, are you okay? Para kang natatae. Ano ba talagang meron?

Jovee: May gusto kasi sana akong sabihin sa yo, tsaka itanong. But before that, pwede bang humingi ng favor?

Alyssa: Sure, anong favor?

Jovee: Sana wag ka muna mag-react sa mga sasabihin ko. Patapusin mo muna ako magsalita kasi baka makalimutan ko yong mga dapat kong sabihin.

Alyssa: Okay. Mahaba ba yong sasabihin mo? Pwede tayong umupo sa grandstand, just like old times.

Jovee: Sige, para mas kumportable ka rin.

Inalalayan ko paakyat si Aly ng grandstand at umupo kaming magkatabi sa dulo ng stage kung saan din kami madalas tumambay nun.

Jovee: I brought you here kasi dito tayo madalas mag-kwentuhan nun. Hindi nga lang naging maganda yong huling memory ko dito, kasi dito mo sinabi sa kin na hindi ka sa UST magka-college. Hindi ko alam kung anong magiging reaction mo pero sana Aly after nito, magkaibigan pa rin tayo. Kung tutuusin nga dapat matagal ko na tong sinabi sa yo, mga two years ago pa, when you turned 18.

Naramdaman kong tumingin si Aly sa kin. I took a deep breath again at humarap ako sa kanya. Kinuha ko yong kamay niya at tinignan ko siya sa mata.

Jovee: Aly, simula pa nung high school ka, mahal na kita. At hindi yon nagbago kahit nawalan tayo ng communication ng matagal. Hindi kita nagawang balikan when you turned 18, but I hope it’s not too late yet. Sa ngayon, gusto ko lang sana humingi ng chance. A chance to prove to you kung gaano kita kamahal and a chance to win your love in return. Alyssa Valdez, pwede ba kitang ligawan?

Alyssa: Ha? Ah…eh…Jovee…

Jovee: Please? Chance lang naman eh. No strings attached. Kahit manligaw ako ng ilang taon tapos i-reject mo ko sa dulo, okay lang. Hindi sasama ang loob ko.

Alyssa: Chance? Siiige...kung yon lang naman ang gusto mo. Pero sana Jovee wag kang mag-expect para wala tayong sisihan sa huli.


Mozzy Ravena’s POV
Ravena Residence, 3pm Saturday

Nag-uusap kami ngayon ni Kiefer dito sa kwarto niya. Kinwento niya yong naging break up nila ni Kara at yong naging pag-uusap nila. Hindi ko maiwasan magalit kay Kara pero at the same time naa-appreciate ko din yong pag-amin na ginawa niya. At least nagkaroon ng maayos na closure si Kiefer. Alyssa was right, mukha namang okay si Kiefer despite the break up.

Mozzy: Anak, alam ba ni Alyssa na siya ang madalas niyo pag-awayan ni Kara?

Kiefer: Hindi po. Pag nagtatanong si Aly kung anong pinag-awayan namin, ang sinasabi ko lang po petty issues. Pero di ko na sinasabi kung ano yong mismong issues.

Mozzy: Bakit hindi mo sinabi sa kanya? I think she has the right to know.

Kiefer: Kilala ko po yong babaeng yon. Kung nalaman niya na pinagseselosan siya ni Kara, for sure lumayo na yon. Hindi niya gugustuhin na makagulo.

Mozzy: I don’t see anything wrong with maintaining distance. Pagbibigay respeto lang naman niya yon sa relasyon niyo ni Kara. (hindi sumagot si Kiefer) Ayaw mong lumayo si Alyssa sa yo noh?

Kiefer: Hindi ko po kayang mawala si Aly, kahit pa temporary lang.

Napatingin ako kay Kiefer sa sinabi niya. Hindi niya lang talaga nare-realize pero mahal na mahal niya si Alyssa.

Mozzy: Anak, may tatanong ako sa yo. Sana sagutin mo honestly.

Kiefer: Ano po yon ‘Mmy?

Mozzy: Are you sure hindi tama si Kara?

Kiefer: Tungkol po saan?

Mozzy: Tungkol kay Alyssa. Are you sure hindi mo nga mahal si Alyssa?

Kiefer: ‘Mmy, kung mahal lang ang usapan, opo, mahal ko si Aly. Bestfriend ko yon eh. Kaya ko makipag-patayan para sa kanya. Pero iba naman po yong mahal na tinutukoy ni Kara.

Mozzy: Alam mo anak kung ano ang feeling ko? Nape-pressure ka lang kasi everybody thinks you and Alyssa should be together. Ang iba sa ganyang sitwasyon, pipilitin mahalin yong tao kahit hindi naman talaga nila mahal. Pero ikaw, baliktad. Pinipilit mong hindi kahit oo.

Kiefer: Hindi kaya.

Mozzy: Sa kin pa ba maglihim? Kilala kita. But I get where you’re coming from. Kasi from the first to the last day, you always had to keep defending your relationship with Kara to everybody. Napaniwala mo na yong utak mo na wala kang feelings para kay Alyssa kahit meron naman talaga.

Kiefer: ‘Mmy, bakit niyo po nasabi na may feelings ako para kay Aly?

Hay…ang aking clueless na anak. Bakit ba ayaw na lang kasi maniwala na mahal niya si Alyssa.

Mozzy: Sa kin, it’s the way you look at her. Kasi everytime you look at her, it’s with so much tenderness. May pag-aalaga ka rin sa kanya na hindi ko nakikitang ginagawa mo sa iba, kahit kay Kara.

Kiefer: Pero hindi po ba dahil lang yon magkaibigan kami? I mean, yong concern, yong pag-aalaga, yong tinginan, aren’t those just part and parcel of being friends with someone?

Mozzy: Oo parte yon ng pagkakaibigan. Pero kasama din yon pag nag mahal ka. Remember that there’s a thin line between love and friendship, at importante na aware ka sa line na yon. Kasi baka na-cross mo na, hindi mo pa alam. Ikaw ba anak, why do you think you’re not in love with Alyssa?

Kiefer: Kasi po pag magkasama kami, kahit kinikilig na yong mga tao sa paligid namin, sa kin po walang kilig. Normal lang.

Mozzy: Alam mo yang kilig, traydor yan. Minsan bigla na lang sumusulpot when you least expect it. So hindi ibig sabihin na wala kang naramdamang kilig dati eh ganun pa rin hanggang dulo.

Kiefer: Pero ‘Mmy diba po may mga tao na magkaibigan lang talaga? Yong platonic lang from beginning to end?

Mozzy: Oo meron talagang platonic lang. And meron din namang mga magkaibigan who choose not to make the transition because they’re scared to lose the friendship.

Kiefer: ‘Mmy, okay naman ako na magkaibigan lang kami ni Aly. At least kahit anong mangyari, assured ako na hindi siya mawawala sa buhay ko. Kasi diba, you can’t break up with a bestfriend.

Mozzy: Kung saka-sakaling you and Alyssa will make the jump from being bestfriends to lovers, it doesn’t mean naman na mawawala yong friendship niyo. In fact for me, friendship yong pinakamagandang foundation ng isang relationship.

Kiefer: Ikaw talaga ‘Mmy, masyadong obvious na botong-boto ka kay Aly. Siguro kung pwede mo lang kami ipakasal ngayon din, gagawin mo noh?

Mozzy: Anak, Alyssa will always have a place in this family. Hindi kelangan maging kayo for the rest of us to treat her like one of our own.

Kiefer: Mahal na mahal mo talaga si Aly.

Mozzy: Yes. And I think you do too. Hindi mo palang nare-realize kaya todo tanggi ka diyan.

Kiefer: ‘Mmy…

Mozzy: Humour me lang. Pakiramdaman mo yong sarili mo. Listen to the things you’re not saying and learn to read between the lines of your thoughts. I think there’s something there. But don’t worry, no pressure. If and when ma-realize mo na you have feelings for Alyssa, ikaw lang ang magde-decide if it’s worth it to act on those feelings. Promise, di ako makikialam.

Kiefer: Hay naku ‘Mmy. Ang kulit kulit mo talaga. Sige, para po sa inyo, pag-iisipan ko tong mga pinag-usapan natin.

Mozzy: Mabuti naman. Pero anak, bilis-bilisan mo. Alyssa's not going to be single forever.



Kiefer’s POV
Ravena Residence, 4:30pm Saturday

Nag heart to heart talk kami ni Mommy kanina. Ewan ko ba, si Kara naman talaga ang pinag-uusapan namin pero we ended up talking about Aly more. Ang kulit-kulit talaga ng nanay ko. Mahal ko daw si Aly, eh hindi naman. At least not in the way na tinutukoy niya.

Hindi ko talaga ma-gets. Ano ba kasing meron sa min ni Aly at napaka insistent nilang lahat na may something? I usually try to ignore them pero minsan napapaisip na rin ako kasi ang dami nila na pare-parehas yong sinasabi. Hindi naman siguro conspiracy yon diba?

Sa totoo lang, mahal ko naman talaga si Aly. Ayoko siyang nasasaktan o nahihirapan. At lalong ayokong naaargabyado siya ng kahit sino. Although yon nga, para sa kin mahal ko siya bilang bestfriend at nami-misinterpret lang yon ng ibang tao. Feeling nila I’m actually in love with her.

Pero diba, if I was really in love with Aly, dapat pinagseselosan ko na lahat ng lalaking pumuporma sa kanya? Oo naiinis ako pag may nagpapa-cute sa kanya na kung sino-sino, lalo na pag wala namang kakwenta-kwenta yong lalaki. But yong inis naman na yon doesn’t have anything to do with selos right? I mean, I’m sure ganun din ang magiging reaction ko kung si Dani yong pinopormahan. And of course I can’t be in love with my sister.

Hay…sumasakit na ulo ko kakaisip.

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now