Chapter 34

8.4K 132 17
                                    

Kiefer’s POV
Berchmans 302, 1:30pm Tuesday

*bell ringing*

Sinalubong ko si Aly paglabas niya ng classroom. I gave her a quick hug tapos kinuha ko yong mga dala niyang gamit at sabay kaming naglakad pababa ng Berchmans.

Kiefer: Ano pang meron ka today?

Alyssa: Wala na. Cancelled lahat ng classes tsaka activities diba?

Kiefer: Pwede bang akin ka na lang for the rest of the day?

Alyssa: The rest of the day lang?

Kiefer: Sana forever, kaya lang ayaw mo pa kong sagutin eh.

Alyssa: Soon Kief.

Ngumiti si Aly sa kin tapos hinawakan niya yong kamay ko. I smiled back at her and intertwined our fingers.

Kahit naman gaano katagal niya kong paghintayin, ayos lang. Hindi ako nage-expect ng sagot agad kasi alam kong hindi pa namin nakukuha yong approval ng Papa niya. Okay na sa kin na nagmamahalan kami at kahit busy kami parehas, nakakagawa pa rin kami ng oras para sa isa’t-isa.

Kiefer: O ano, can we spend the rest of the day together?

Alyssa: Oo naman. Ano bang gusto mong gawin? Food trip? Movie marathon? Tambay?

Kiefer: Alis tayo.

Alyssa: Saan tayo pupunta?

Kiefer: Basta. Sosolohin kita ngayon.

Pagdating namin sa kotse ko, nilagay ko yong mga gamit namin sa trunk tapos pinagbukas ko siya ng pinto. Bumyahe kami sa SLEX, papuntang Picnic Grove sa Tagaytay. When we got there, kumuha kami ng isang open air cottage at inumpisahan kong i-grill yong chicken barbeque at liempo na dala ko pa galing bahay.

Alyssa: Ang bango naman niyan.

Kiefer: Basta talaga pagkain, mabango para sa yo. Maghahanap nga ako ng liempo scented cologne para mabanguhan ka din sa kin.

Alyssa: Ayoko naman makaisip ng pagkain pag naamoy kita. Tsaka gusto ko na yong cologne mo. Very masculine, lakas maka-pogi.

Kiefer: Bukas bibigyan kita ng isang bote nung cologne ko, para pag nami-miss mo ko, pwede mo yon amuyin.

Alyssa: Wag na, tama na yong nilagay mong cologne dun sa King Eagle na binigay mo sa kin.

Kiefer: Uy hindi ko nilagyan yon ng cologne. Siguro dumikit lang yong amoy ko sa kanya nung hinug ko siya.

Alyssa: Hindi pa ba luto yan? Nagugutom na ko.

Kiefer: Okay na to, kain na tayo. Baka maghurumentado na yong mga alaga mo.

Kinain namin ni Aly yong chicken barbecue at liempo na ginrill ko. Mukha namang nasarapan siya kasi simut na simut yong share niya. Pagkatapos naming kumain at magligpit ng pinagkanan, naupo kami ni Aly para mag-pahinga.

Titingin lang ako dapat saglit kay Aly, but when I saw her smile, I couldn’t stop myself from staring at her. Pa-simple ko siyang kinunan ng picture tapos in-upload ko yon sa IG at pinost ko sa Twitter.

kieferravena: watching @AlyssaValdez2 smile takes my breath away

Alyssa: Ang ganda talaga ng view, nakaka-relax.

Kiefer: Oo nga. I agree. Maganda talaga, sobrang ganda. Hindi nakakasawang tignan.

Alyssa: (tumingin kay Kiefer) Paano mo naman na-appreciate yong view ng Taal Volcano eh sa kin ka nakatingin?!

Kiefer: Ah, yong Taal ba yong sinasabi mong maganda? Magkaiba pala tayo ng tinutukoy. Pero maganda rin naman yong view ng Taal Volcano.

Kinross ni Aly yong arms niya tapos tinignan ako ng masama. Hindi ko naman makuhang matakot kasi nagba-blush siya kaya alam ko kunwari lang siya galit sa kin.

Alyssa: Nakakainis ka talaga.

Kiefer: Hindi ako nakakainis, nakakakilig lang.

Naka-cross pa rin yong arms ni Aly. Patay. Napikon ata sa kin. Alam ko na. Tumayo ako para hilahin si Aly papunta dun sa rentahan ng kabayo. Kukuha sana kami ng dalawang kabayo, kaya lang sabi ni Kuya isa na lang daw yong available.

Alyssa: Isa na lang talaga? Baka meron ng patapos Kuya? Hihintayin na lang namin.

Kuya: Ma’am kakalabas lang po nung ibang kabayo eh. Isa na lang talaga yong natira.

Kiefer: Kuya, kunin na namin yang isang kabayo. Kaya naman niya kaming dalawa diba?

Kuya: Opo Sir, kaya kayo nitong si Prince.

Inalalayan ko si Aly pagsakay sa kabayo. Nung makaupo na siya ng maayos sa saddle, ako naman ang umakyat at umupo sa bandang likuran. Hawak namin parehas yong tali at sabay naming pinalakad si Prince sa buong Picnic Grove.

Nakarating kami sa may viewing deck nung saktong palubog na yong araw. Tumigil muna kami dun sandali at pinagmasdan namin yong view ng Taal Volcano habang unti-unting nagbabago yong kulay ng langit. Maraming beses na kaming nagpunta dito ni Aly, but it feels different this time.

After one hour, binalik na namin ni Aly si Prince kay Kuya tapos binalikan namin yong mga nadaanan naming tindahan para bumili ng pasalubong sa family ko at sa mga teammates namin.

Habang namimili, may napansin kaming lalaki at babae na nagtatalo. It’s like they’re in the middle of a break-up. Lalayo na sana kami ni Aly to give them more privacy pero nagulat na lang kami nung biglang iniwan nung lalaki yong babae at naglakad papunta sa direksyon ng parking lot.

Alyssa: Kawawa naman yong girl, bigla na lang siyang iniwan nung boyfriend niya. Sana malapit lang siya nakatira para hindi siya mahirapan umuwi.

Kiefer: Hindi dapat ginawa yon nung lalaki. Kahit nagbreak pa sila, he should have still brought her home. Pag may nangyari dun sa babae, kasalanan niya.

Alyssa: Pag tayo ba nag-break, pababayaan mo din ba akong umuwi mag-isa?

Kiefer: That’s never going to happen.

Alyssa: So ihahatid mo pa rin ako sa dorm?

Kiefer: Who said anything about bringing you to the dorm?

Alyssa: Eh ano yong sinasabi mong never mangyayari?

Kiefer: We’re never going to break up, kasi pag tayo na, hinding-hindi na kita pakakawalan.


Alyssa’s POV
Eliazo dorm, 10:30pm Tuesday

Kakadating lang namin ni Kiefer ng Ateneo. We spent the afternoon in Tagaytay, bonding lang kasi wala naman kaming classes and training kanina. Nag-take out kami ng coffee at cake galing Starbucks para makapag midnight snack bago umuwi si Kiefer sa kanila.

Pagkakita sa kin ni Ate Agnes tinawag niya ko tapos may inabot siya sa king bouquet ng white tulips.

Alyssa: Salamat Ate Agnes. (tumingin kay Kiefer) Galing sa yo?

Kiefer: Hindi noh. Kung sa kin galing yan eh di sana white roses yan.

Alyssa: Kanino kaya galing to?

Kiefer: Baka sa ibang manliligaw mo. Hindi man lang marunong mag-research kung ano yong favorite flowers mo.

Naku, eto na naman po ang pagseselos ni Kiefer Ravena. Buti na lang ang cute niya magselos.

Alyssa: Selos?

Kiefer: Hindi noh.

Alyssa: Kung hindi ka nagseselos, bakit salubong ang kilay mo?

Kiefer: Tsss...

Alyssa: (binasa yong card) Hahaha...sige selos ka pa.

Inabot ko yong card kay Kiefer para mabasa niya kung kanino galing yong flowers. Pinanood ko yong pagpalit ng expression sa face niya from jealousy to disbelief to amazement.

Kiefer: Galing kina Mommy?! Bakit ka nila pinadalhan ng flowers?

Alyssa: Baka eto yong sinasabi ni Thirdy nun na Ravena Family moves.

Kiefer: Anong Ravena Family moves?

Umupo kami ni Kiefer dun sa sofa sa may lobby ng Eliazo para makain na namin yong tinake out namin.

Alyssa: Naalala mo yong conversation namin ni Thirdy na nag-eavesdrop ka tapos kung ano-ano ng inisip mo after?

Kiefer: Oo naman. I don’t think I’ll ever forget that.

Alyssa: Hindi mo na narinig yong dulo kasi nagmamadali kang bumalik sa kwarto mo. Ang sabi ni Thirdy, kung manligaw ka na hindi pa kami nung mahal ko, bigyan pa rin daw kita ng chance kasi you might win me over with your Ravena moves.

Kiefer: Loko yong si Thirdy ah.

Alyssa: Oo noh. Ginawang basketball ang panliligaw. Anyway, sabi niya makikita ko din daw yong Ravena Family moves kasi liligawan din daw nila ako para sa yo. Alam mo, kahit hindi halata, mahal ka talaga ng kapatid mo.

Kiefer: Alam ko naman yon. Kaya lang yang panliligaw sa yo para sa kin, hindi yan dahil mahal nila ako. Ganun ka nila kamahal kaya sinisigurado nila na magiging Ravena ka balang araw.

Alyssa: Sweet talaga ng pamilya mo. Kaya mahal na mahal ko sila eh. Pero kahit di naman ako maging Ravena, they'll still be like family to me.

Kiefer: Anong hindi?! Magiging Ravena ka noh. Seryoso yong sinabi ko sa mga magulang natin. After we graduate, bigyan mo lang ako ng panahon mag-ipon tapos papakasalan na kita.

Alyssa: Sus! Ngayon mo lang nasasabi yan. Dati naman, iba yong gusto mong pakasalan.

Kiefer: Of course not. With my past relationships, although I’ve always hoped na yon na yong last, never ko naisip ang kasal. Pero with you, kahit hindi pa tayo, I know with all certainty na ikaw na yong gusto kong makasama for the rest of my life.

Sana nga we end up together. Kasi wala na rin akong ibang naiisip na gusto kong makasama tumanda at bumuo ng pamilya kung di si Kiefer.

Kiefer: Ly, ikaw ba may nakikita kang future na kasama ako? I mean, ako rin ba yong gusto mong makasama for the rest of your life?

Alyssa: Alam mo namang mahal kita diba? There’s no other man I see growing old with but you. At araw-araw pinagdadasal ko na sana nga ikaw na yong makatuluyan ko.

Hinawakan ni Kiefer yong kamay ko and when I looked at him, he smiled at me.

Kiefer: Basta wala lang susuko sa ting dalawa, I know we’ll be okay. I love you Alyssa Valdez!

Alyssa: I love you too Kiefer Ravena!

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora