Chapter 4

7.9K 121 3
                                    

Kiefer’s POV
Eastwood, 8pm Tuesday

Kara and I are here in Eastwood, finishing up dinner. She looks like she’s enjoying herself, buti pa siya. Kanina pa kasi ako parang tino-torture dito. Hindi maalis sa utak ko yong hitsura nung lalaking ka-holding hands niya sa mall last Saturday. Tama nga si Aly, mahirap talaga magpretend.

*toot toot*

From Dani:
Kuya, are you still in Eastwood? Uwian mo naman ako ng Toblerone. Please... ;-)

To Dani:
What’s in it for me? :-)

*toot toot*

From Dani:
Kiss kita mamaya!

To Dani:
Kulang yon!

*toot toot*

From Dani:
Ano bang gusto mo?

To Dani:
Linisin mo yong kwarto ko! :-p

*toot toot*

From Dani:
Ehhh…

Kiefer: Sweetie, daan muna tayong Mini Stop before umalis, naglalambing ng chocolates si Dani.

Kara: Okay.

Dahil mas malapit kami sa Robinsons Supermarket, dun na kami pumunta para bilhin yong Toblerone ni Dani. Habang nakapila ako sa cashier, napansin ko yong display ng dried mangoes. Meron sila nung favorite ni Aly. Naalala ko tuloy yong pinagtampuhan niya sa kin kahapon. Bilhan ko nga yon ng dried mangoes, peace offering.

Kara: You’re done na? Let’s go. Gusto ko na umuwi.

Kiefer: Yup. Tara na.

Paglabas namin ng supermarket, naglakad na kami papuntang parking lot. Pinagbukas ko ng pinto ng kotse si Kara and we drove out of Eastwood.

Kara: (napansin niya yong size ng paper bag) Parang ang dami mo namang binili. Ilang Toblerone ba binili mo for Dani? Sweetie, don’t spoil Dani too much. Masama ang laging kain ng kain ng chocolates.

Kiefer: Hindi lang naman chocolates ang laman niyang paper bag. Bumili din ako ng dried mangoes.

Kara: Dried mangoes? For Dani din?

Kiefer: No. The dried mangoes are for Aly. Yan yong craving niya for the moment. (hindi kumibo si Kara) Nakakatawa nga yon kahapon. Parang mababaliw na kasi naubusan sa Shoppersville nung favorite brand niya.

Kara: Sweetie, where are we going? Hindi ito yong pauwi sa min.

Kiefer: Punta muna tayong Ateneo. Idaan lang natin kay Aly yong dried mangoes niya.

Kara: Just give those to her tomorrow. I’m sure magkikita naman kayo sa school. I’m tired. I wanna go home.

Kiefer: Sweetie, mabilis lang to. Ayan o, malapit na tayo sa Ateneo.

To Bestfriend Aly:
Ly, are you at Eliazo? I have something for you. Baba ka na, I’m five minutes away.

Kara: (nakita si Kiefer na nagtetext) Can you please stop that?! You know I hate it when you text while driving!

Kiefer: Nagmamadali ka diba? I’m just making sure na asa driveway na si Aly pagdating natin ng Eliazo.

*toot toot*

From Bestfriend Aly:
Okay. Going down now. See you in a few!


Alyssa’s POV
Eliazo dorm, 9:30pm Tuesday

Nagtext si Kiefer. Papunta daw siya dito sa dorm, may ibibigay sa kin. Ano na naman kaya tong pakulo niya.

Denden: Saan ka pupunta?

Alyssa: Bababa lang ako. May ibibigay daw si Kiefer sa kin.

Bumaba na ko sa lobby ng Eliazo. Saktong pagbaba ko, nakita ko yong kotse ni Kiefer na paliko sa driveway.

Kiefer: (binaba yong bintana) Hi Best! Dali, thank me.

Alyssa: Thank you for what? (nagsmile kay Kara) Hi Kara! Musta?

Kara: Hi. Eto, okay lang.

Alyssa: O, ano na yong ibibigay mo? Akin na! Gusto ko na matulog, istorbo ka eh!

Kiefer: Napakagwapo ko namang istorbo! Sige, sungitan mo pa ko. Hindi ko to ibibigay sa yo. (pakita nung dried mangoes kay Alyssa)

Alyssa: Waaaaaaahhhhhh!!! (abot sa dried mangoes na hawak ni Kiefer) Kiefer thank you!!! Saan ka nakahanap nito?!

Kiefer: Para ka talagang bata! Nakita ko yan kanina sa Robinsons Supermarket nung bumibili ako ng Toblerone for Dani.

Alyssa: Oh my God! Thank you…super thank you talaga…bukas ko na lang bayaran to sa yo ha. Asa taas yong wallet ko.

Kiefer: Wag na. Peace offering ko yan sa pangpipikon ko sa yo kahapon. O, quits na tayo ha?

Alyssa: Oo. Quits na! Thank you!

*phone ringing*

Alyssa: Excuse me…(sinagot yong phone) Hi Jovee! Napatawag ka?

Jovee: Wala naman, mangungulit lang sana kung di ka busy.

Alyssa: (nagsmile) Di naman. Ay teka, wait lang ha. (tinakpan yong mouthpiece ng phone niya) Uy, sige na, uwi na kayo. Late na o, may training ka pa bukas! Salamat ulit sa dried mangoes. Bye Kara!


Kara’s POV
Kiefer’s car, 10pm Tuesday

Kara: Can you stop stepping on the breaks so suddenly?! Kanina pa ko nahihilo sa pagda-drive mo ha. Gusto ko makauwi, pero gusto ko makauwi ng buhay! (long silence) May problema ka ba?

Kiefer: Wala.

Kara: Are you sure? When we left Ateneo, mainit na ulo mo.

Kiefer: Wala nga sabi. O, andito na tayo sa inyo, pumasok ka na.

Kara: Aren’t you coming in?

Kiefer: Di na. Gusto mo na matulog diba?

Kara: Si Alyssa yong gusto ng matulog. Not me. (hindi kumibo si Kiefer) May dapat ba kong malaman?

Kiefer: Huh? Anong ibig mong sabihin?

Naku Kiefer Ravena. Kanina ka pa. Don’t give me that pa-innocent, confused look. Lalo lang umiinit ulo ko.

Kara: Are you in love with Alyssa?

Kiefer: In love?! With Aly?!

Kara: Don’t play innocent with me. Hindi ako bulag at hindi rin ako tanga. Nakita ko yong reaction mo kanina nung may tumawag sa kanya. You were jealous!

Kiefer: Of course not! You just don’t like her.

Kara: Oo, ayoko sa kanya. Wala akong pasensya sa mga babaeng nagbe-bestfriend ng lalaki. Nalalandian ako. But what I think of her is beside the point.

Kiefer: Hindi malandi si Aly, you know that. And there’s nothing wrong with having a bestfriend from the opposite sex.

Kara: Sige ipagtanggol mo pa siya. Siguro you’re really cheating on me with her!

Kiefer: Kara, hindi mo kelangan pagselosan si Aly. She’s just like a sister to me.

Kara: Whatever gave you the idea that I’m jealous of her? My God, sino ba siya?! Ayoko lang na pinagmumukha mo kong tanga!

Kiefer: I’m not cheating on you.

Kara: You don’t have to actually be doing anything to cheat on me. Yang emotional attachment, cheating din yan!

Kiefer: Ilang beses ko bang kelangan sabihin sa yo na I’m not in love with Aly and I’m not cheating on you?! Ang hirap mo naman makaintindi, buti pa si Al –

Kara: Pasensya ha, hindi ako si Alyssa. Hindi kita naiintindihan kasi hindi ko nababasa ang utak mo! And you know what, I don’t even wanna try. (bumaba sa kotse ni Kiefer) Sige na, umalis ka na. Diba pinapauwi ka na ng bestfriend mo kasi may training ka pa bukas?!

I didn’t wait for Kiefer to reply, pumasok na ko sa bahay namin.

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Where stories live. Discover now