Chapter 24

7.4K 128 13
                                    

Ella’s POV
Eliazo dorm, 10pm Friday

Amy: Hey Ella! We’re all set, right?

Ella: Yes, we are. Food, drinks and most of the guests are here. Hinihintay na lang natin si Denden mag-text that they’re on their way. But that should be around 10:30.

Bea: Wala pa si Kiefer. Makakapunta ba siya? Baka dapat may sumundo sa kanya?

Ella: Nag-confirm siya kahapon. Sabi niya, he’ll ask Von to drive him here. Nag-text din si Von kanina na magkasama na daw sila ni Kiefer.

Amy: I hope they’re on their way. It wouldn’t be good for Aly to arrive before they do.

*toot toot*

From Jovee Avila:
Hi Ella. Andito na ko sa Eliazo. Where do I go?

Ella: Sa wakas andito na si Jovee.

Bea: Invited si Jovee? Akala ko ba feeling niyo ni Denden pinagseselosan ni Kiefer si Jovee? Parang it’s not a good idea for both of them to be here.

Ella: Okay lang yan. Hindi naman pwedeng wala si Jovee kasi magkaibigan na sila ni Aly even before naging friends si Kiefer at si Aly.

Juami: Ella! Nasabihan niyo ba si Kiefer about the salubong?

Ella: Oo naman! Makakalimutan ba naman namin sabihan yon?

Nico: Bakit wala pa siya dito?

To Jovee Avila:
Punta ka dun sa guard on duty, sabihin mo kay Ate Agnes kasama ka sa birthday salubong ni Alyssa Valdez. Alam na niya kung saan ka papupuntahin.

Ella: Ewan ko. Ang huling text ni Von sa kin magkasama na daw silang dalawa. Pero kanina pa yong 8pm.

Juami: Tara Paps, tawagan natin si Pessumal. Baka kung asan na napunta yong dalawang yon. (tingin kay Ella) Labas muna kami.

Ella: Oy, balik kayo agad ha. Baka maabutan kayo nina Aly sa labas.

Lumabas na ng Rec Room si Juami at si Nico para tawagan si Von. Asan ba kasi nagsuot yong dalawang yon?! Ang usapan namin andito na sila ng 9:30pm. Lagpas 10 na wala pa sila.

After a few minutes, bumukas ulit yong pinto ng Rec Room. Akala ko sina Juami na with good news o kaya sina Kiefer na mismo.

Jovee: Hi Ella! Sorry ngayon lang ako. Nag-extend kasi ako ng konti sa opisina, tapos dinaanan ko pa to.

Ella: Naks! Ganda naman ng flowers tsaka ng teddy bear.

Jovee: Hehe…thanks! May maitutulong pa ba ako sa preparations?

Ella: Ano ka ba, bisita ka dito noh. Besides, ayos na rin naman lahat. Hinihintay na lang yong iba pang guests tsaka si Denden na may dala kay Aly.

*toot toot*

From Besh Denden:
Besh, we’re on our way back to Eliazo. Complete na ba kayo diyan?

Marge: Hi Jovee! Excuse me lang ha.

Jovee: Hello Marge. Sure!

Marge: Ate Ella, nakita mo si Ate Bei?

Ella: Last ko siya nakita dun sa may table ng food. Bakit?

Marge: Tumawag kasi si Ate Charo, pinapa-remind niya yong tungkol dun sa coaster na gagamitin natin tomorrow papunta kina Ate Aly.

Ella: Ahhh…ang alam ko, confirmed na yong coaster. Susunduin tayo sa may Blue Eagle Gym bukas ng 12nn.

Marge: Okay. Itatawag ko na lang kay Ate Charo.

To Besh Denden:
More or less. Si Kiefer tsaka si Von na lang ang wala dito. Pero tinatawagan na nina Juami.

Ella: Sige. Ay Marge, sabihin mo din kay Ate Charo na kung pwede siya na lang ang mag-sabi nung call time kina Coach tsaka kay Sir Tony.

Marge: Oo ba. Pero feeling ko magdadala ng sasakyan si Coach Parley. Hindi naman ata sila mago-overnight sa Batangas.

Ella: In case lang naman gusto nila sumabay sa tin at least alam nila yong oras ng alis.

Marge: Sabagay. Sige, sabihin ko kay Ate Charo. Tsaka ite-text ko na din yong call time sa buong team and kay Kuya Synjin.

Ella: The best ka Marge! Thanks!

Marge: You’re welcome! Ate, punta lang ako kina Mae. See you around Jovee!

Jovee: See you! (tingin kay Ella) Uhmmm...Ella, anong meron kina Aly bukas?

Ella: May something si Aly sa bahay nila sa Batangas. Invited yong buong team, pati sila Coach, si Sir Tony, tsaka si Synjin, yong Student Team Manager namin.

Jovee: Party?

Ella: Hindi naman. More of celebration. Kami-kami lang eh, kain, inom ng konti, videoke, kwentuhan. Parang isang malaking sleepover.

Jovee: Ah…

Ella: Wait lang Jovee ha. Yel, yong cake ni Aly asan?

Aerieal: Nilagay ko muna sa fridge, baka kasi matunaw.

Ella: Okay. Ikaw na bahala kumuha nun later pag padating na sina Aly ha?

Aerieal: Oo ba!

*toot toot*

From Besh Denden:
Five minutes away from Eliazo.


Alyssa’s POV
Eliazo dorm, 10:30pm Friday

Alyssa: Ano ba kasing kukunin mo dito sa Rec Room? Ang dilim-dilim o.

Biglang bumukas yong ilaw sa loob ng Rec Room.

Everyone: SURPRISE!!!

Alyssa: Hahaha…kayo talaga! Thank you!

Ella: O, make a wish and blow your candle!

Ano bang magandang wish this year? Hmmm…

Denden: Baka gusto mong bilisan yong pag-wish? Matutunaw na yong ice cream cake mo!

Alyssa: Ssshhh…nag-iisip pa ko ng wish ko.

I wish na dumating na yong Prince Charming ko para hindi na ko umasa kay Kiefer.

*blow*

Everyone: ADVANCE HAPPY BIRTHDAY ALY!

Juami and Nico: Kainan na!!!

Everyone except Juami and Nico: Hahaha…

Nag-abot na ng paper plates sina Jia at Mich sa mga bisita. In fairness kina Besh, parang children’s party sa maghahating gabi ang peg ng salubong ko. Hahaha…

Jovee: Advance Happy Birthday!

Bumeso sa kin si Jovee tapos iniabot niya yong flowers at stuffed toy na hawak niya.

Alyssa: Salamat sa pagdating! Thank you din dito sa teddy bear, ang cute.

Jovee: Tabi mo yan pag natutulog ka ha.

Alyssa: Parang bantay lang? Hahaha…oo ba. Tara, kain na tayo.

Jovee: Sige.

Binaba ko muna yong mga bigay ni Jovee tapos sabay kaming pumunta dun sa mesa ng pagkain. Kumuha kami ng pasta tsaka chicken tapos umupo kami sa isang gilid para kumain. Jovee was really attentive. Maya-maya tumatayo siya para ikuha ako ng softdrinks, or barbecue, or ice cream.

Jovee: Ly, may celebration ka daw tomorrow sa Batangas?

Alyssa: Oo. Parang yearly sleepover namin ng team. Magdamag naming bubulabugin yong mga kapitbahay kaka-videoke.

Jovee: Pwede ba kong pumunta? Hindi naman ako makiki-sleepover, gusto ko lang makausap yong parents mo tungkol sa panliligaw ko sa yo.

Alyssa: Ha? Naku Jovee, wag na.

Jovee: Ayaw mo kong i-invite?

Ayoko lang ng stress galing sa tatay ko bukas.

Alyssa: Kung yong sa sleepover lang talaga, wala namang problema na pumunta ka. Hindi naman strictly for girls only yong celebration. Invited nga si Synjin tsaka si Kiefer eh. Pero kung pupunta ka as manliligaw, wag na lang.

Jovee: Bakit parang ayaw mo kong umakyat ng ligaw sa bahay niyo? Paano ko mapu-prove na seryoso ako sa yo kung hindi ako haharap sa magulang mo?

Alyssa: Naniniwala naman akong seryoso ka. Alam ko ring wala kang masamang intensyon sa kin. Hindi mo kelangan umakyat ng ligaw sa bahay namin to prove anything.

Jovee: Diba mas maganda yong makikilala ako ng parents mo? Para ma-earn ko yong trust nila and kung saka-sakaling sasagutin mo ko, hindi na ko ibang tao sa kanila.

Alyssa: Well, oo mas maganda nga. Pero wag na lang Jovee. Siguro, some other time, basta wag bukas.

Jovee: Ano bang meron?

Alyssa: Let’s just say na I really value our friendship. Nanliligaw ka pero we agreed na no expectations. And at the end of everything, whether maging tayo or hindi, I want to keep the friendship. Okay?

Jovee: May nangyayari ba sa mga manliligaw mo pag nagpupunta sila sa bahay niyo?

Oo. Nalalabasan sila ng balisong at hasaan.

Alyssa: Uhmmm…mabait si Papa sa lahat ng kaibigan ko. Pero medyo nagmo-morph kasi yon pag ang kaharap niya manliligaw. Birthday ko bukas, ayoko naman ng stress. Tsaka baka din ma-trauma ka sa kanya.

Jovee: Sige, ayoko namang ma-stress ka sa araw ng birthday mo. Next time na lang ako pupunta sa inyo para umakyat ng ligaw. Okay na ba yon sa yo?

Alyssa: Hindi ba pwedeng wag ka na talaga pumunta at all?

Jovee: Hindi naman pwedeng ikaw lang ang liligawan ko, siyempre dapat kasama yong parents mo tsaka yong mga kapatid mo. Don’t worry about me, kakayanin ko yong parents mo.

Alyssa: Okay.

Tahimik kami ulit kumain ni Jovee. I looked around the Rec Room, nakikipag-kulitan yong mga teammates ko sa mga Blue Spikers at sa mga Blue Eagles habang kumakain. Bakit kaya wala si Kiefer? Imposible namang hindi yon sinabihan nina Ella.

Napangiti ako nung biglang may tumugtog ng gitara. Si Kiefer talaga, may pa-surprise surprise pang nalalaman. Pagtingin ko dun sa may harap, si Juami lang pala yong nag gi-gitara. Asan na si Kiefer? Mage-11:30pm na, baka hindi na dadating yon. Siguro sumakit na naman yong injury niya.

Nag-excuse me si Jovee para pumunta saglit ng banyo. Umupo naman si Ella at si Denden sa tabi ko.

Ella: Besh, bakit parang hindi naman umaabot yong ngiti sa mata mo? Hindi mo ba nagustuhan yong surprise namin sa yo this year?

Alyssa: Nagustuhan ko Beshies, gustong-gusto. Sobrang thank you sa inyong dalawa. Alam ko namang kayo nag-ayos nito.

Denden: Yon naman pala eh. Ngiti ka na ng totoo. Para di ka na mukhang malungkot.

Alyssa: Hindi naman ako malungkot, I just have that feeling na may kulang. Hindi lang talaga ako siguro sanay na sinasalubong ko yong birthday ko na wala si Kiefer.


Von’s POV
Von’s car East Carpark, 11:30pm Friday

*toot toot*

From Ella:
Asan na kayo ni Kiefer? Bilisan niyo, andito na sina Aly.

Von: Paps, bakit ayaw mo na mag-attend nung birthday salubong ni Aly? Ang dami daw naghahanap sa yo sabi nina Juami. Si Ella, nagtext na rin. Andun na daw sina Aly sa Rec Room.

Kiefer: Magdahilan ka na lang. Hindi ko kaya eh.

Von: Bakit? Masakit ba yong injury mo? Uupo ka lang naman sa loob, kakain, makikipag-kulitan ng konti.

Kiefer: Hindi yon. Medyo ayos naman na yong ankle ko.

Von: Anong problema?

Kiefer: Basta.

To Ella:
Mukhang di na kami makakapunta. Sensya na. Sumakit bigla yong injury ni Kiefer. Ikaw na bahala magsabi kay Aly.

Von: Hindi pwedeng basta lang. Bakit nga ayaw mong pumunta?

Kiefer: Nakita ko si Jovee kanina na palakad sa Eliazo may dalang flowers tsaka stuffed toy.

Von: Yong manliligaw ni Aly?

Kiefer: Oo.

*toot toot*

From Ella:
Ganun? Wrong timing naman ng injury ni Kiefer. Sige, pagpahingahin mo na lang. Basta hindi pwedeng mawala si Kiefer sa celebration ni Aly. Magtatampo talaga yon pag hindi nakapunta si Kiefer.

Von: Siguro invited siya. Ano naman ngayon? Diba matagal ng kaibigan yon ni Aly?

Kiefer: Hindi ko ata kaya makita si Jovee at si Aly na sweet sa isa’t-isa.

Von: Huh?

Kiefer: Oo na. Tama kayong lahat. Mahal ko nga si Aly.

Sa wakas umamin din tong si Kiefer! Kelangan malaman to nina Ella.

Von: Ayun naman pala eh, aamin din! Pinatagal mo pa! Kelan mo pa na-realize?

Kiefer: Last Saturday.

Von: Nung nakita mong kinikiliti ni Jovee si Aly sa Blue Eagle Gym?

Kiefer: Oo.

To Ella:
Oo. I’ll make sure na pupunta si Kiefer bukas. Kung kelangan ko siyang patulugin at buhatin papasok sa kotse ko, gagawin ko.

Von: Kief, kung mahal mo si Aly, ano pang ginagawa natin dito? Pumunta na tayo ng Eliazo. Dali na, matatapos yong party ng midnight.

Kiefer: Hindi ko nga sabi kayang makita si Jovee at si Aly na magkasama. Magseselos lang ako, baka kung ano pang magawa ko.

Von: Paps, nanliligaw si Jovee, siyempre magiging sweet yon kay Aly. Kung aminado ka naman ng mahal mo si Aly, hindi ka dapat magpahuli. Kung sweet si Jovee, dapat sweet ka din kay Aly. Teka, alam na ba ni Aly?

Kiefer: Wala akong sinasabi sa kanya. Unless, nahalata niya or may nagsabi sa kanya.

To Ella:
Ay Ella, invited ba si Jovee dun sa celebration ni Aly tomorrow?

Von: May pinagsabihan ka na ba?

Kiefer: Wala pa. Ikaw palang.

Von: If that’s the case, imposibleng may nagsabi sa kanya. Tsaka, para namang hindi mo kilala yon. Kahit ilang beses may magsabi sa kanya na mahal mo siya, hindi niya pinapansin. Maniniwala lang siguro yon kung sa yo niya mismo marinig.

Kiefer: Sana nga wala pa siyang alam.

Von: What’s wrong if she finds out? Hindi ka ba aamin sa kanya?

Kiefer: Nung asa ER ako, dapat aamin na ko. Kaya lang umurong yong dila ko.

*toot toot*

From Ella:
Hindi. Team lang tapos kayo ni Kiefer.

Von: Bakit?

Kiefer: Bigla kasi akong natakot. Baka magalit siya pag sinabi kong mahal ko siya. Ayoko namang mag-away kami or lumayo siya sa kin. I’d rather keep it to myself than lose the friendship.

Von: What do you mean keep it to yourself?! So wala kang balak ligawan si Aly?

Kiefer: Ewan ko. Hindi ko alam. Bahala na.

In Love with my Bestfriend (kiefly/alyfer fanfic)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu