Chapter 02

6K 156 0
                                    

Chapter 02

Hindi ko alam na nakatulog pala ako, siguro dahil sa pagod ko. Nilinis ko ang buong kwarto dahil wala akong nagawa kanina. Tanging ang pagbukas ng pinto ang siyang naging dahilan kung bakit ako nagising. Isang babae ang pumasok. May katamtaman siyang taas, ang kaniyang buhok ay medyo may pagkakulot, maganda ang istilo ng kaniyang buhok. Tama lang ang payat niya para sa hugis ng mukha niya. Umupo siya sa katapat kong kama.

"Ikaw si Elizabeth Derevan?" Tanong nito saakin. Marahan naman akong tumango sakaniya.

"Mukhang naglinis ka ah. Pasensiya na, hindi ko naman kasi aasahan na magkakaroon ako ng kasama sa kwarto ito kaya hindi ako nakapaglinis." Hinubad niya ang kaniyang necktie pati na ang ID.

"Wala yun. Medyo naboring din ako eh, kaya naisipan kong maglinis." Tumango naman siya saakin. Pumunta siya sa isag pinto at kumuha ng damit. Yun nga ang cabinet.

"Siya nga pala. Ako si Ayesha Labarden." Pagpapakilala niya saakin at ngumiti siya.

"Sige, magbibihis muna ako. Tapos may ikwekwento ako sa'yo, since bago ka dito." Pumasok siya sa banyo dala ang kaniyang damit. Ako naman, kinuha ko ang bag ko at nilabas ang mga damit ko. Hiniwalay ko ang ilan, pinagsama sama ko ang mga t-shirts, sando, tapos ang shorts at mga jeans. Bumukas ulit ang pinto at lumabas na siya.

"Hindi mo pa pala naayos yan?" Umiling ako sakaniya.

"Hindi ko binuksan yan kanina, baka kasi hindi yan ang akin." Tumawa siya ng mahina. Kinuha niya yung iba kong damit.

"Tulungan na kita. Ang parteng baba ng cabinet na ito ay sa'yo. Saakin ang nasa taas." Binuksan niya yun at malaki ang isapasiyo nito. Ang nasa kaliwang bahagi ay ang mga damit namin na may mga divider, at sa kanan naman ay may sampayan kung saan nakasampay ang kaniyang uniporme. Inayos na naming dalawa yun. Sinampay ko ang uniporme ko dun, nakalagay na ito sa hanger kanina, ngunit sinabit ko lang sa paanan ng kama.

"Nagugutom ka ba?" Umiling ako sakaniya.

"Kumain na ako kanina bago umalis ng bahay, kaya medyo busog pa naman ako." Saad ko sakaniya at muling umupo sa kama ko.

"Nga pala, alam mo na ba ang bawat bayan na meron dito sa Tereseyas?" Umiling ako sakaniya.

"Sige sasabihin ko sa'yo para mas aware ka. Ang probinsiya kasi ng Tereseyas ay nahahati sa limang bayan. Malaki kasi ang sakop nito. Ang unang bayan ay ito. Ang Ketlyson. Namatay na ang parehong hari at reyna nito, ngunit may bago ng reyna ang prinsesa nila na si Patricia Ketlyson. Sa gitna ng bayan ng Ketlyson, doon mo makikita ang mansion ng mga Ketlyson." Paliwanag niya saakin tas may pinakita siya saaking litrato. Ang bahay at ang reyna. Napakaganda ng reyna at mukhang bata pa ito.

"Ang sumunod na bayan ay ang Griffin. Ito ay pinamumunuan ni King Frost Griffin, napangasawa kasi ni King Frost ang Prinsesa ng Ketlyson. Mababait ang reyna at ang hari. Meron na silang anak, at ito ay si Nicolas Griffin, ang kanilang panganay at ang kanilang bunso na si Shenaya. Si Nicolas ay halos kaedaran lang natin yun, at si Naya ay halos tatlong taon palang." Tumango naman ako sakaniya.

"Sunod ang Derevis, kung saan nakatira ang Prinisipe na si Sky Derevis. Ang aking pinsan. Lahat ng tao sa Derevis ay mababait at doon minsan nagaganap ang ibang okasyon." Pinakita niya ang litrato nito pero may kasama siyang babae.

"Siya si Crystal ang kaniyang prinsesa. Nakatira si Crystal sa bayan ng Windzingler, siya ang Prinsesa at nagiisang anak ng magulang niya. May ginintuang puso ang Prinsesa na parang ang reyna. Dito rin sila nagtapos at nagaral. Silang apat ang sikat na mga estudyante dito." Tumango ako sakaniya, pero nagtaka ako kung bakit wala ang isang bayan.

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara