Moonlight Academy: Epilogue

3.8K 85 3
                                    

Epilogue

Nakatingin lang ako sa nitso kung saan nakalibing si lola. Umupo ako doon at agad na kinuha ang kandila at posporo na nasa bag ko. Nilapag ko na rin ang binili kong bulaklak sa taas nito at sinindihan ang kandila. Ngumiti ako nung maramdaman ko ang malamig na hangin na dumampi sa balat ko.

"Kamusta na lola? Sigurado akong masaya kayo para saakin dahil natapos ko na ang taong pumatay sainyo lola. Sobrang miss ko na po kayo, kahit na malaki ang kasalanan saakin ni lola, dahil nawala kayo agad saakin ng dahil sakaniya..pinatawad ko na po siya. Alam kong masama ang magtanim ng galit sa isang tao, at yun ang lagi kong tinatatak sa isip ko. Yun ang malaking bagay na itinuro niyo saakin." Tumingin ako sa katabing nitso ni lola. Ang nitso kung saan nakalibing si Zander.

"Salamat nga pala Zander, kung hindi dahil sa'yo hindi ko magagawa ang bagay na ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko nung mga panahon na iyon. At sobra akong natutuwa dahil kahit sa huling beses nakita ulit kita, nagpakita ka saakin at pinaalala saakin na kailangan tapangan ko ang loob ko para matalo ko siya. Sobrang salamat sa lahat Zander, patawad din pala kung dahil saakin nawala.ka agad. Sobrang sorry, pero sana okay ka na diyan. Batayan mo pala si lola diyan ha? Baka mamaya umalis yan diyan at magpakita saakin." Natatawa kong saad habang may mga luha na tumutulo sa mga mata ko. 

"Tama na yan anak, kailangan mo pang maghanda para sa pagtatakda sa'yo bilang Queen of all Wizards." Agad akong tumango kay nanay at tinulungan akong tumayo.Sumulyap ako ulit sa nitso bago kami tuliyang umalis. Sumakay na kami sa kotse at ako ay nasa likod lang habang nasa unahan sina nanay at tatay. Nagulat ako ng makita kong nandito si kuya sa tabi ko.

"Handa ka na ba?" Tanong niya saakin. Nagisip ako bago ako tumingin sakaniya at nagkibit balikat.  Ano nga ba ang Queen of all Wizards? Ito ang isang tao na halos lahat ng kapangyarihan ng isang wizard ay meron siya. Katulad na lang ng paggiging isang fire wizard, elemental wizard at kung ano pang klase. At hindi akalain nina nanay na ang taong hinahanap nila ay nasa tabi lang nila.

Nung mga panahon na nangyari ang paglabas ng kapangyarihan ay wala talaga akong maalala. Wala akong maalala sa mga sinabi ko kay lolo, sa pagpatay ko sakaniya. Sa lahat, kaya hindi ko akalain na isa ako sa mga Queen of all Wizards, being the third lady of our generation makes me feel nervous. Sobrang tagal na nung huli nilang gawin ang pagtatakda at pagpapakilala sa isang katulad namin, at ang huling beses nayun ay nanggaling sa pamilya namin. Agad din naman kaming nakarating sa bahay at agad akong pumasok sa bahay para magayos.

"Just breath, okay? Wag kang kabahan. Ipapakilala ka lang nila, at itatakda ka lang. Kaya wag kang kabahan." Paalala saakin ni Nicolas, kaya ngumiti lang ako sakaniya at niyakap ko siya.

"Okay love birds, kailangan niyo munang maghiwalay ng kahit sandali lang, kailangan mo nang isuot ang gown mo." Saad ni Ayesha at wala na siyang nagawa kundi ang sumunod kay Ayesha. Inabot saakin ni Ayesha ang susuotin ko. Isang kulay itim na mahabang gown. Manipis lang ito. Agad ko itong sinuot nung iniwan na ako ni Ayesha. Pinagmasdan ko ang sarili ko at masasabi kong bagay saakin ang gown na suot ko. Napangiti na lang ako bago ko tuluyang iwan ang kwarto.

"May I pronounced you our Queen of all Wizards, the third generation of all." Lumuhod ako at nilagay nila sa ulo ko ang korona. Agad akong tumayo at nakita ko silang lahat na ngumiti sabay ang palakpak nila saakin. Kumaway ako sakanila, marahan akong bumaba sa plataporma at pinagmasdan ang tao sa paligid. Tumingin ako sa ulap at halos gabi na pala.

"Tawag ka ni Nicolas sa hardin." Saad saakin ni Ayesha nung makita ako at agad akong tumango sakaniya bilang sagot. Marahan akong naglakad papuntang hardin at nakita ko siyang nakaupo sa bench. Kaya marahan akong lumapit sakaniya at niyakap siya mula sa likod.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakaniya at umupo sa tabi niya.

"Nagpapahangin lang, at may gusto din pala akong sabihin sa'yo." Kinabahan man ako ay hinayaan ko na lang ang ngiti saaking labi. Nagulat ako nung lumuhod siya sa harap ko at may kinuha na isang singsing sa bulsa niya.

"Una sa lahat Elizabeth Gayer, ang pagmamahal ko ay hindi kailanman magbabago para sa'yo. Mahal kita bilang ikaw, katakutan ka man ng iba handa pa din akong ipagtanggol ka sakanila. Nakakatakot kamang tignan, ikaw pa din ang mamahalin ko. Mahal kita bilang ikaw, hindi sa kung ano ang meron ka. Minahal kita noon at mamahalin pa kita hanggang ngayon. Isa lang ang tanong ko sa'yo, handa ka bang makasama ako hanggang sa huli nating hininga?" Naiyak ako sa sinabi niya at hindi ko na alam ang sasabihin ko sakaniya kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

"Magsalita ka naman!" Napalingon na lang ako at laking gulat ko nung makita ko lahat ng mga taong importante saakin ay nandito. Napangiti ako nung makita ko si nanay na tumatango saakin. Tumingin ako kay Nicolas.

"Handa akong makasama ka hanggang sa huli Nicolas Griffin. Mahal na mahal din kita." Agad niya akong niyakap. Ito na ang simula ng pagbabago naming lahat. Wala nang sinuman ang pwedeng manakit sa pamilya at sa mga taong importante saakin.

Kasama ang lalaking kayakap ko ngayon, handa naming harapin pa ang mga susunod na mga pagsubok na maari naming makasalubong sa bawat daraanan naming dalawa. Simula pa lang ito ng magandang araw at sa mga sumusunod na araw pa. Mahirap man tanggapin ang mga bagay nung una, naging dahilan naman ito ng pagbabago ng buhay namin. Mahirap sa una, pero sabi nga ni Zander, maging matatag ka sa lahat ng bagay. Wag mong hahayaan na takot ang manaig sa'yo. Maging matapang ka sa mga na kakaharapin mo. Tapang lang ang isa sa mga sandata mo sa araw na yun. Wag mo ding kakalimutang tumawa at ngumiti, dahil hindi sa lahat ng bagay tapang ang mananaig. Minsan, kailangan mo ding tawanan ang mga problema.

Hindi pa tapos ang lahat, dahil simula pa lang ito ng aming paglalakbay at pagharap sa mga pagsubok...

ANG PAGWAWAKAS

Author's Note:

I'm so very happy. And this day I finally finished my third story. Hope you enjoy every part of it. I'm so thankful that everyone supported this 'til the end. It's a great opportunity to me to share my imaginations to other people. This is the only thing that I could share with you guys. I'm so thankful to each of you, for supporting and for everything.

I also want to say thank you for my friends who helped me for this. I don't need to shout you out here, 'cause I know you know who you are. I hope to see you again on my other story. This story was purely fictional and every characters in this story came up from your author's wild imagination. I don't like saying goodbye, so I must prefer saying see you soon. Thank you everyone and I love y'all!

#MAIsDone

-shemustbeeninlove

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora