Chapter 29

1.9K 61 2
                                    

Chapter 29

"Ija, kumain ka na. Kailangan mo ng lakas para harapin ang pinuno." Nakatayo lang si manang sa gilid mg kama ko. Bumunting hininga ako bago ako tumayo mula sa kama.

"Pakilapag na lamg ho diyan, kakainin ko rin po yan. Pakisabi kay l-lolo, na susunod na lang ako sakaniya mamaya." Hindi ko pa rin maiwasang hindi mapangiwi pagsinasabi ko ang salitang yun. Tumango saakin si manang at lumabas na siya matapos niyang ilapag sa lamesa ang tray. Habang inaayos ko ang sarili ko sa tapat ng salamin, nakita kong bumukas ang pinto mula sa salamin, pero wala akong nakitang pumasok. Kaya kinabahan ako. May multo ba dito?

Napalingon ako at nakita ko si Ager, nagtaka ako dahil wala naman akong nakitang repleksyon niya sa salamin pero nandito siya. Naalala ko nga pala, isa siyang bampira at normal na sakanila ang hindi makita ang sarili nilamg replekesyon.

"Ang aga mo naman atamg bumisita." Saad ko sakaniya at umupo sa tapat ng lamesa at kumain. Umupo naman siya sa harap ko at pinanuod akong kumain.

"Isang araw ka nang nandito, dalawang araw na lang itatakda ka na, at sa araw na yun papatayin ka na niya. Bakit mo ba naisipan pang gawin ang bagay na ito? Mapapahamak ka lang Liza." Saad niya saakin. Tumigil ako sa pagkain at pinagmasdan siya.

"Mapahamak na kung mapahamak, pero wala akong pakialam sa mangyayari, hangga't hindi niya gagalawin ang taong importante saakin." Saad ko naman siya. Napailing siya dahil sa sinabi ko.

"Sigurado ka bang hindi niya talaga sasaktan ang mga taong yun? Hindi madaling kausap ang iyong lolo, Liza. Masisiguro mo bang, matapos niyang makinig sa'yo tutuparin niya ang hiling mo?" Napapikit na lang ako at napailing.

"Nilagay mo ang sarili mo sa lugar na kung saan hindi ka makakaalis. Pinasok mo ang mundo namin-- mundo niya paniguradong hindi ka na makakaalis pa." Tumayo na siya mula sa pagkakaupo niya at umalis sa kwarto. Naiwan akong nakaupo at nagiisip. Napasapo na lang ako sa ulo ko. Bakit nga ba hindi ko naisip ang sinabi ni Ager? Hindi ko man lang inisip kung gaano katuso ang lolo ko.

"Nasa baba na ang iyong lolo, gusto ka niyang makausap." Agad akong umayos ng pwesto ko. Honindi ko namalayan na sobrang tagal ko na palang nakatungo sa lamesa.

"Ikaw pala manang, pakisabi na lang po sakaniya susunod na lang ako. Magaayos lang po ako." Tumango ito saakin at nagbow bago siya lumabas ng kwarto. Tumayo na ako at dumiretso sa loob ng banyo para maligo.

Huminga ako ng malalim bago ako tumapak sa hallway. Malapit na ako sa pinto kung nasaan ang opisina niya. Agad na nagbow saakin ang dalawang nagbabantay sa pinto at binuksan ang pinto para saakin. Naglakad ako papasok at kung paano ko siya naabutan kahapon ay sa ganoong posisyon ko din siya natagpuan ngayon.  Nakatalikod ang upuan at nakaharap sa malaking bintana na nasa harap niya. Humarap ang swivel chair na inuupuan niya saakin. Tumayo siya mula doon at umupo sa isang couch.

"Maupo ka apo." Tinuro niya ang couch na nasa harap niya, kaya agad akong umupo. Tumingin ako sakaniya bago ako magsalita.

"Alam mo naman siguro ang ipinunta ko dito? Tama ba? Gusto kitang kausapin tungkol sa isang bagay. Handa akong ipagkaloob ang dugo at buhay ko sa'yo, ipangako mo lang na hindi mo sasaktan ang mga taong importante saakin. Malinaw naman siguro sa'yo ang sinabi ko, diba?" Hindi pa din natitinag ang tingin ko sakaniya.

"Malinaw saakin ang lahat, apo." Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko, pero bago ako tuluyang lumabas nagsalita ako.

"Mabuti naman kung malinaw sa'yo. Aalis na ako." Lumabas na ako sa kwartong ito at dumiretso sa labas. Marami akong naabutang taong naglalakad sa kalsada. Lahat sila ay nakasuot ng itim na na coat. Tumingin ako sa sikat ng araw at ibinalik ang tingin sakanila. Gaano nga ba sila kasaya sa buhay na mayroon sila? Lumabas ako sa gate at ang ilan sakanila ay tumingin saakin at ngumiti.

Naglakad-lakad ako at pinagmasdan ang paligid. Katahimikan, yun lang ang tangi mong mapapansin sa lugar na ito. Hindi katulad ng bayan malayo sakanila, bawat kanto ay may nakikita kang mga batang naglalaro at masasaya, dito? Wala ni isa. Lahat sila ay nasa loob ng bahay.

Matapos ang kaunting paglilibot ko sa lugar ay pumunta naman ako sa isang eskwelahan dito. Maganda at maayos naman ang itsura nito, ngunit ay gate nito ay halata na ang katagalan, dahil sa mga kalawang na nakapalibot dito. Tumingin ako sa puno dahil bumabagsak ang mga patay na dahon sa lupa. Malakas ang hangin pero masarap siya sa pakiramdam. Habang naglalakad ako, madami akong nakitang estudyante na halos kaedaran ko lang din. Nakatingin ng masama ang ilan saakin at ang ilan naman ay ngumingiti saakin.

Nagulat ako nung may humawak sa braso ko. Malamig ang kamay nito, kaya nabigla ako. Hindi naman ako natakot nung nalaman ko kung sino ang humawak saakin, bagkus nginitian ko pa ito.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya saakin, kalma lang anh boses niya pero halata sa mata niya ang pagaalala.

"Naggala lang naman ako Ager, wag kang praning. Dito ka pala nagaaral?" Saad ko sakaniya at hinila ang braso ko dahil hawak niya pa din ito hanggang ngayon.

"Oo, dito ka din sana ipapasok ng iyong ama kung walang nangyari sa pagitan ng iyong lolo at ng iyong ama. Nagugutom ka ba?" Tumingin ako sakaniya at tumango sa tanong niya. Hinila niya ang kamay ko at dumiretso kami sa isang cafeteria. Maliit lang ito kung tutuusin. Naghanap ako ng bakanteng pwesto at doon umupo.

Hindi rin nagtagal bumalik na siya at may dalang pagkain. Nilapag niya ang tray sa harap ko at kinuha ko ang isang sandwich doon at kinain. Nakatingin lang ako sa labas, at tanaw ko dito ang kanilang feild. Maganda at malinos ang kanilanh feild, katulad ng sa Moonlight Academy.

"Siya nga pala Ager, nakausap ko na si lolo. Pumayag siya sa gusto kong mangyari, kaya malabong mangyari yung sinabi mo saakin kaninang umaga." Ngumiti ako sakaniya at uminom ng tubig. Nanatili lang kalmado ang kaniyang itsura na animoy inaasahan na sasabihin ko ang mga katagang yun.

"Nagkakamali ka Liza, narinig ko silang naguusap kahapon at alam niyang yun ang sasabihin mo. Nakaplano na ang lahat Liza, handa niyang patayin ang buong tao sa buong bayan at pamunuan ang buong Tereseyas. Kung ibibigay mo ang dugo mo sakaniya, yun anh maggiging maling desisyon na magagawa mo Liza. Kailangan niya yan, dahil yun ang ang nagbibigay ng lakas sakaniya para salakayin ang buong bayan." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Tandaan mo Liza, dalawang dugo ang tumatakbo sa katawan mo. Dugo ng isang wizard at dugo ng isang bampira. Magkakaroon siya ng sobrang lakas, lakas na higit pa sa iniisip niyo. Matapos niyang makuha ang dugo mo, papatayin niya din lahat ng tao dito. Kasama na ang magulang at ang mga taong importante sa'yo." Saad niya pa saakin. Napatulo na lang ang luha ko dahil sa sinabi niya.

"Tandaan mo itong sasabihin ko sa'yo Liza. Mahal kita, oo matagal na. Bata palang tayo mahal na mahal na kita, at hindi ko na itatanggi yun sa'yo ngayon. Ayaw kong maging huli ang lahat bago ko sabihin sa'yo ito, at tanggap ko na hindi mo din ako mamahalin katulad ng pagmamahal ko sa'yo. Hindi ko hahayaan na saktan ka ng sinuman.." Halos malaglag ko ang tinapay na hawak ko dahil sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinunasan ang luha na tumutulo sa mata ko.

"Itatatakas kita dito mamayang gabi, bago ang araw ng pagtatakda sa'yo."

——

Author's Note:

Sa wakas, sembreak na! How's your last week or I should say hell week? Sobrang nakakastress yung mga nakalipas na linggo. Exam dito at exam doon. Tapos habulan pa ng dapat ipasa. So, can I call it a hell week?

Well anyways, if it is our sembreak we should be happy about it. And also, another good news for you guys, more updates are coming since it was a free day and also a heaven week. So see you in next author's note. Hope you'll enjoy my story. Thank you and I love y'all!

#Celebrate

-shemustbeeninlove

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang