Chapter 30

2K 53 0
                                    

Chapter 30

Naghahanda na ako para sa plano ni Ager. Masaya ako dahil taliwas siya sa desisyon ni lolo at masaya din ako dahil sa may pagasa pa ako na mabuhay ngunit, natatakot ako. Natatakot ako sa mangyayari, na baka mamaya hindi ko pa man nalilisan ang bayan na ito, wala na akong buhay. Napatigil ako sa palakad-lakad ko nung may kumatok ng tatlong beses sa pinto.

Agad akong napatakbo sa pinto at similip mula sa peck hole nito at nakita si Ager. Agad kong binuksan ang pinto at hinila siya papasok. Napadaing siya sa higpit ng pagkakahawak ko sakaniya.

"Pasensiya na." Saad ko sakaniya at tumango lamang ito saakin. Hinawakan niya ang mga balikat ko at tumingin sa mga mata ko. Huminta siya ng malalim at may inabot saakin. Pinagmasdan ko ito at hindi na ako nagulat sa hawak ko.

"Ayaw man kitang pahawakin ng patalim ngunit kailangan, alam kong maililigtas ka nito. Marunong ka namang gumamit ng patalim, hindi ba?" Pahayag niya saakin na animoy natatakot at parang wala siyang tiwala saakin.

"Wag kang magalala Ager, kaya kong humawak ng patalim." Bago kami tuluyang lumabas, nakita kong may nilagay niya ang hood ng jacket niya. Marahan niyang hinawakan ang knob ng pinto at sumilip sa hallway nung mabuksan niya na ito. Sumenyas siya saakin na sumunod, kaya marahan kaming naglakad papalabas. Malinis ang daan, walang mga bantay.

Nauna siya saakimg bumaba hanggang sa makarating kami sa kalahati ng hagdan. Bumaba ito at sumilip sa gilid at tinignan ang daan sa baba. Agad siyang tumayo at lumapit saakin.

"May dalawang bantay na nasa dulo ng hagdan. Bababa ako para guluhin sila, at ikaw dumaan ka sa gilid upang hindi ka nila makita. Antayin mo ako sa likod ng bahay at kung wala pa ako doon at may bampira man na lumapit sa'yo, sumama ka sakaniya. Sumama si Brence sa plano at gusto ka din niyang itakas." Tumango ako sakaniya bilang pagsangayon.

Bumaba na ito at pumunta sa dalawang bantay na nasa gilid ng hangdan. Lumuhod ako at sumilip sakanila. Nakita kong naguusap ang tatlo at mukhang nagkakatuwaan. Nagtama ang paningin naming dalawa ni Ager at marahan itong tumango. Huminga ako ng malalim bago ako marahan na humakbang sa hagdan para hindi makagawa ng ingay.

Nakarating ako ng ligtas sa baba at marahan na tumakbo papunta sa pinto kung saan ang daan papalabas sa likod. Marahan ko itong binuksan at agad akong lumabas. Tahimik ang lugar, puro puno at wala kang ibang makikita kundi ang buwan at ang mga halamang nakatanim. Nagulat ako nung may malamig na kamay ang humawak sa braso ko.

"Brence!" Mahina kong saad at agad na napayakap sakaniya. Hinimas nito ang likod ko para pakalmahin ako. Agad siyang humiwalay saakin at binuhat ako na parang bagong kasal.

"Kailangan kitang dalhin sa dulo ng kakahuyan ng mas mabilis, baka mahuli pa tayo." Tumango ako sakaniya at sinimulan niya ng tumakbo. Sa sobrang bilis ng kaniyang pagtakbo hindi ko na masasabi kung nasaan na ba kami. Wala akong makita at parang nanlabo ang nakikita ko sa paligid. Tanging siya lang ang malinaw saakin.

Huminto siya at marahan akong binaba sa lupa. Inayos ko ang damit kong pangitaas at ang buhok kong nagulo. Pinagmasdan ko siya at hinubad niya ang jacket na suot niya. Pansin ko na pareho silang nakajacket ni Ager.

"Nasa plano namin ni Ager na magsuot ng jacket para madagdagan ang laki namin upang hindi sila maghinala na kami ang nagtakas sa'yo. Base sa plano ni Ager, kung isa man saamin ang makapaghatid sa'yo dito sa gitna ng kakahuyan at iabot sa'yo ito para hindi ka nila makilala." Agad kong sinuot ang jacket at nilagay ang hood sa ulo ko. Hinawakan nito ang balikat ko at ngumiti siya saakin. Napangiti ako nung halikan niya ako sa noo.

"Galing kay Ager ang bagay na yun, at isa pa. Sa dulo ng kakahuyan na ito, nagaantay sa'yo ang kuya mo. Nakausap na namin siya sa bagay na ito at sumangayon siya. " Napailing na lang ako habang nakangiti. Hindi rin nagtagal nakakita ako ng liwanag mula sa malayo at sigawan ng mga bantay. Napatingin ako kay Brence at tumango siya saakin. Agad akong tumakbo at narinig ko na lang ang huli niyang sinabi.

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now