Chapter 19

2.4K 70 1
                                    

Chapter 19

Muli akong sumipat sa salamin at pinagmasdan kung okay na ang aking ayos at mukhang maganda naman. Ngumiti ako at huminga ng malalim. Naimbitahan kami sa isang kasiyahan sa kabilang bayan. Sa bayan ng Derevis. Malapit na ang kasal nang prinsesa mula sa bayan ng Winzingler ay mula sa bayan ng Derevis, kaya naisipan nilang magpahanda para sa isang magandang balita. Matagal na palang kilala ng pamilya ng Derevis at Windzingler si tatay, at nakita ang magandang layunin nito sa bayan. Tumutulong ang aking ama sa mga taong kailangan nang tulong, bilang kapalit hinahandugan nila ito ng mga alaga nilang baboy o kahit ano pang karne ng hayop.

"Handa ka na ba?" Napalingon ako sa.pinto at nakita ko ang aking ina na napakaganda ng kaniyang suot. Isa v magarbong gown na kulay blue. Napakaganda nito at lalong lumabas ang kaniyang kaputian dahil sa kulay nito. Samantalang ang akin naman ay isang powder pink at napapaligiran ng mga beads sa itaas na parte at sa likod ay may malaking ribbon.

Nakaayos naman ang buhok ko sa isang boknai na mataas at nilagyan ko ito ng palamuti para magmukhang maganda. Samantalang si ina ay nakalugay ang ibabang parte at ang itaas ay nakatali naman na napapaligiran ng palamuti.

"Opo nanay, sasama po ba si kuya Daven?" Umiling ito bilang sagot sa tanong ko. Nalungkot naman ako dahil kakakilala palang namin kahapon at nagkaroon kami ng kasiyahan tapos ngayon hindi namin siya makakasama.

"Wag kang mag-alala, bibisita daw siya dito mamayang gabi. Hindi ko lang alam kung anong oras pero dadaan daw siya para tignan ka." Ngumiti naman ako kay nanay bilang sagot. Humarap ako sa salamin at doon ko nakita ang itsura naming dalawa ni nanay. Magkamukhang-magkamukha talaga kami ni inay. Pareho kami ng kulay ng mata at ang hugis ng mukha.

"Ngayon alam ko na kung kanino ka talaga nagmana ng kagandahan." Napalingon ako at nakita ko naman ang aking ama na nakasuot ng isang tuxedo.

"Napakaganda ninyong dalawa." Bati saamin ni ama kaya pareho kaming ngumiti sakaniya. Nilahad ni ama ang kaniyang kamay at agad naman itong tinggap ni nanay. Mukha silang mga binta't dalaga dahil nga hindi sila natanda at napanatili nila ang kagandahan ng kanilang kutis, dahil rin siguro hindi sila nagkakasakit. Nauna na solang bumaba at kinuha ko naman ang clutch bag na nasa kama ko at lumabas na din sa kwarto ko.

"Can I have you hand?" Napatingin naman ako sa nagsalita at ngumiti ito saakin. Agad ko namang inabot ang kaniyang kamay. Hindi ko inaasahang makikita ko siya dito.

"Nagulat ka ba at nakita mo ako dito ngayon? Naimbitahan din kasi ang aming pamilya sa selebrasyon." Hindi na ako magtataka kung makakakuha sila ng imbitasyon, nanay niya ang reyna at tatay naman niya ang hari ng lugar ito.

"Tara na?" Saad niya saakin at marahan akong tumango sakaniya. Dahan-dahan lang kaming bumababa dahil natatakot daw siya na baka malaglag ang kaniyang prinsesa. Hindi ko naman maiwasang kiligin sa sinabi niya. Pagbaba naming dalawa, naabutan ko doon ang bagong dating na si Cassandra kasama ang kaniyang mga magulang.

"Cassandra!" Agad akong lumapit dito at niyakap niya. Naramdaman ko din ang pagyakap niya saakin.

"Akala ko hindi ka makakarating." Saad ko sakaniya. Natawa naman siya saakin.

"Pwede ba yun? Pinsan ko ang ikakasal sa prinsesa ng Windzingler, kaya hindi pwedeng hindi ako imbitahan sa magarbong selebrasyon na ito. Siya nga pala, napakaganda mo Liza." Nagpasalamat naman ako sa papuri niya. Sabay-sabay kamibg umalis ng tahanan at ang kasama ko sa kotse ay si Nicolas at ang dalawa na nasa likod. Mukhang mas naging close ang dalawa ah. Dalawang araw lang ako nawala pero parang ang dami ko nang hindi alam sakanilang dalawa.

"May problema ba?" Napalingon naman ako sakaniya at umiling.

"Siya nga pala, hiningi ko ang opinyon ng iyong tatay kung pwede ba kitang ligawan at laking gulat ko nung payagan niya ako na ligawan ang kaniyang anak." Hindi ko rin inaasahan ang ibabalita niya saakin. Ako dapat ang magpapakilala sa'yo para may thrill, inunahan mo naman ako.

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon