Chapter 27

2K 60 0
                                    

Chapter 27

Kakatapos lang nang misa bago magsimula ang pagbabasbas sa kabaong ni lola. Nakaupo ako sa unahan habang hawak ko ang litrato ni lola. Sa litrato ko na lang makikita ang mga ngiti niya, ang maganda niyang mukha at ang kinang sa mga mata niya.

Agad akong pumunta sa gitna matapos magsalita ni nanay na ngayon ay nakaupo na habang yakap si tatay. Tumingin ako sa lahat ng tao na nandito at pinagmasdan silang lahat. Sobrang bait ni lola at halos lahat ng nakatira sa bayan nang Concepcion ay kaibigan niya at ngayon halos lahat sila ay nakikiramay sa pagkawala ng aking lola.

"Una sa lahat, hindi ako magbibiro. Siya na siguro ang taong nakilala ko na hindi mi agad maggiging kaclose, masungit man siya tignan pero makikita at mararamdaman mo ang pagmamahal niya. Sobra akong naglapasalamat at nakilala kita l-lola. Hindi ko matanggap na nawala ka sa paraan na ganun lola, pero kung mumultuhin mo man ako, hindi ako matatakot. Sobrang miss na kita agad lola. Alagaan mo ang sarili mo at maggiging panatag ako dahil kasama mo na siya ngayon. Mahal na mahal kita lola." Hindi ko na maiwasang mapaupo sa sahig dahil sa sobrang pagdadalamhati. Humawak ako sa kabaong niya dahil sa sorang pagdadalamhati.

"Liza, kailangan mo nang tumayi diyan. Babasbasan na ang kabaong." Saad saakin ni Ayesha at tinulungan ako nina Xian na tumayo. Humagolgol ako nung makita ko ang mukha nang aking lola na nasa loob nang kabaong. Marahan nilang sinara ang kabaong at sinimulan na ang pagbabasbas.

"We therefore commit her body, to the ground; earth to earth, ashes to ashes, dust to dust; in the sure and certain hope of the Resurrection to enternal life." Agad niyang binasbasan nang holy water ang kabaong ni lola bago ito batuhan nang mga bulaklak at bago ibaba ang kabaong niya sa lupa. Wala na ang aking lola, sana maging masaya ka sa piling niya.

Huling damit na ni lola ang tintiklop ko at agad kong nilagay ito sa box. Tumayo ako at agad na nilagay ito sa isang baul. Hindi ko maiwasang pumatak nang luha ko sa ginagawa ko. Hindi ko matanggap na wala na siya. Nawala na si Zander pati ba naman si lola.

Lahat na lang nawawala saakin at hi di ko kayang tanggapin na pati ang mga magulang ko at iba pang mga taong importante saakin ay mawala. Kaya gagawin ko kung ano ang tama at buo na ang desisyon ko.

Tatlong katok ang naging dahilan kung bakit agad ako tumayo sa pagkakaupo ko sa sahig at agad kong pinunasan ang luha ko bago ako lumapit sa pinto at buksan ito. Ngumiti ako sakaniya pagkabukas ko nito at agad ko siyang pinapasok. Dumiretso kami.sa may balkonahe nang kwarto ko. Umupo ako sa kandungan niya at nilagay niya naman ang kamay niya sa may beywang ko at sumandal ako sakaniya. Agad kong pinagmasdan ang kalangitan.

It was covered by the darkness, and only the moon and stars shining through it. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga mula sa balikat ko kaya napapikit ako. Mas lalong humigpit ang yakap niya saakin.

"Hindi ko alam ang gagawin ko pagnawala ka saakin." Bulong niya sa tenga ko. Ngumiti ako sakaniya at pumatak na naman ang luha ko. Nakita ko ang pagkabigla sa mata niya pero agad nuya namang pinunasan ang luha na pumatak mula sa mata ko.

"Ayaw ko sa lahat ang nakikita kitang umiyak. Nasasaktan din ako sa tuwing nakikita kitang nasasaktan." Patawad Nicolas, alam kong masasaktan kita sa gagawin ko pero kailangan kong gawin ang bagay na yun kundi mawawala kayong lahat saakin.

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now