Chapter 05

3.7K 115 6
                                    

Chapter 05

Pansin kong aligaga si Ayesha sa pagaayos. Nakatingin lang ako sakaniya habang nakaupo sa may tapat ng study table.

"Aalis kami nina Xian ngayon, Liza. Iiwan muna kita dito. Okay lang ba?" Saad niya habang inaayos ang rubber shoes niya na kulay black.

"Ayos lang. San ang punta niyo?" Pahayag ko naman sakaniya. Tumayo siya at humarap sa salamin.

"Sa bayan lang. Napagutusan kami ni Mrs. Fleon, dahil nanalakay na naman ang grupo ng mga bampira sa bayan natin." Kwento niya.

"Kamusta ang mga tao?" Tanong ko sakaniya.

"Maraming nasugatan, anim ang namatay." Saad niya saakin. Mukhang tapos na itong magayos. Humarap ito saakin. Sabay ng pagharap niya isang katok mula sa pinto ang narinig namin. Kaya biglaang pumunta sa pinto si Ayesha at pinagbuksan ito. Mula sa maliit na siwang, nakita ko si Xian at mukhang nasa likod niya si Nicolas.

"Nandiyan na pala kayo. Pasok muna kayo." Payahag ni Ayesha.

"Hindi na. Magpapaalam na lang kami kay Liza." Tumango si Ayesha at nilakihan ang bukas ng pinto. Ngumiti ako sa kanilang dalawa.

"Aalis muna kami nina Xian. Kaya mo bang magisa?" Saad ni Nicolas.

"Oo. Ayos lang ako. Wala rin naman akong magagawa, mukhang kailangan kayo doon. Kaya pumunta na kayo." Saad ko sakanila.

"Pwede ka namang sumama. Gusto mo ba?" Saad ni Ayesha. Umiling lang ako sakaniya.

"Maggiging pabigat lang ako doon. Wala naman akong alam sa pakikipaglaban, kung sakali mang lumusob sila doon. Anong magagawa ko? Wala. Kundi kayo pa ang magtatanggol saakin imbes na tumulong ako, nandon pa ako para lang protektahan niyo." Biglang kumunot ang noo nilang tatlo at umiling.

"Wag mo ngang sabihin yan! Sa totoo lang Liza, kung hindi ako kailangan dun para tumulong sa paggagamot  sasamahan kita at ipapasyal para maging pamilyar ka sa lugar na ito, pero hindi eh. Kailangan nila kami. Kaya sorry Liza, kung iiwan ka namin dito." Tumango lang ako sa sinabi ni Ayesha.

"Sige na. Magiingat kayo. Pasalubong ko ha?" Nagtawanan kaming tatlo dahil dun.

"Sige antayin mo si mommy. May pasalubong si mommy sa'yo, baby." Mas lalo kaming natawa dahil sa ginawa ni Ayesha. Isang yakap lang ang binigay ko kay Ayesha at paalala sakanilang tatlo. Sinara ko na ang pinto nung nakaalis na sila. Kinuha ko ang notebook pati na ang ballpen ko. Pupunta ako sa library, kailangan ko ding magresearch tungkol sa bayan at ang mga klase ng tao na meron dito sa Tereseyas.

Kinuha ko ang susi na nakasabit lang sa tabi ng pinto at nilock ang kwarto. Bumaba ako at dumiretso sa library. Dumiretso agad ako sa helira ng mga libro, habang naghahanap ako isang libro ang nahagip ng mata ko. Isang siyang libro na kulay ito. Town of Felon. Imbes na manaliksik ako tungkol sa paaralan. Ang librong yun ang kinuha ko. Umupo agad ako sa isang pwesto kung saan malayo sa ibang estudyante.

"Gusto mo nang pamunas? Mukhang maalikabok na yan eh." Napalingon ako at isang matandang lalaki ang nagsalita. May hawak siyang pamunas sakaniyang kanang kamay.

"Ahh.. Salamat po." Agad ko namang tinanggap yun at pinunasan ang libro.
"Yang librong yan pala ang napili mong basahin. Marami kang malalaman tungkol sa bayan ng Felon."

"Ganun po ba? Sige salamat po ulit." Tumango ito at tuluyan ng lumisan. Binuksan ko ang libro. Sa unang pahina palang nito ay isang litrato ng bayan. Maliit lang ang sakop ng bayan, ngunit maraming kabahayan. Unang pumukaw ng pansin ko ang isang malaking bahay na nasa gitna ng bayan. Maaring ito ang bahay ng namumuno.

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum