Chapter 10

2.9K 90 2
                                    

Chapter 10

Hindi siya karaniwan ngayong araw na ito. Meron kaming tutorial ni Nicolas pero ang maganda doon kasama sina Xian, pero nagkamali pala ako doon. Dahil ang tutorial sana namin ay nauwi sa galaan sa bayan ng Derevis.

"Liza, balita ko meron daw ditong ganapan mamayang gabi. Tara nood tayo? Sa gitna ng bayan daw gaganapin yun eh. Doon sa malaking field na nadaanan natin." Saad ni Nicolas sa tabi ko. Bigla naman akong napatingin sakaniya.

"Talaga? Saan mo nalaman?" Saad niya tas bigla siyang lumingon at tinuro ang grupo ng mga babaeng na ngayon ay nagtatawanan.

"Sakanila. I heard them talking about it. Kaya nacurious ako kung anong meron, ikaw ang unang pumasok sa isip ko na isasama ko doon." Ngumiti naman siya saakin at umakbay tapos ginulo ang buhok ko. Ngumuso naman ako dahil doon.

"Waahh! Bakit ba laging buhok ko na lang ang ginugulo mo?!" Hindi naman ako galit gusto ko lang talaga siyang asarin. Kaya ang ginawa ko kinuha ng buhok niya at ginulo-gulo ko din.

"Hey! Wag ang buhok ko." Pero hindi ko siya tinigilan hanggang sa nakuntento na ako. Pagbitaw ko sa buhok niya natawa ako sa mukha niya. Nakanguso siya at halos gusot-gusot ang mukha niya dahil doon. Tapos ang gulo pa ng buhok niya.

"Hahahahaha! Anong nangyari sa buhok mo pre? Para kang--hahahahah." Nakitawa na din ako sakanilang dalawa tapos napatigil kami nung nakatingin lang saakin si Nicolas at halatang seryoso. Nanlaki ang mata ko.

"Hala?! Run for you life na Liza!" Sigaw ni Ayesha saakin kaya wala akong nagawa at tumakbo na lang. Nagulat ako ng habulin niya talaga ako literal na paghabol kaya wala na talaga akong nagawa at mas binilisan ang takbo. Sana ganito na lang lagi. Masaya at walang pinoproblema.

---

Naghiwa-hiwalay kaming apat. Ang kasama ko ngayon ay si Nicolas. Naadito kami sa infinity soul. Nakaupo lang kami sa ilalim ng isang magandang puno. Kakaiba ang kilay ng dahon nito dahil kulay pink ang mga ito at may bunga na maliliit na parang prutas na kulay berde. Bawal daw itong kuhain at sagrado daw ang prutas na yun.

Habang nakatingin ako sa buwan, hindi ko maiwasang hindi isandal ang ulo ko sa balikat niya. Pakiramdam ko sobra akong napagod kahit na wala naman akong masyadong ginawa buong maghapon. Siguro nga ay dahil sa paggala naming apat kaya ako napagod.

"Felt tired?" Tanong niya saakin at marahan naman akong tumango sakaniya. Nilapat niya sa damuhan ang binti niya.

"Humiga ka muna para kahit papaano makapagpahinga ka. Gigisingin kita after 20 minutes." Bigla akong napatingin sakaniya at ngumiti siya saakin. Hinubad niya ang jacket niya at nilapag sa damuhan. Pinahiga niya ako sa kandungan niya.

"Sleep now. Time is running." Ngumiti ako sakaniya bago ko pinikit ang aking mga mata. Hindi ko masabi pero ang sarap sa pakiramdam. Sana ganito na lang kadali ang lahat. Sana. Bago pa ako makatulog isang malambot na bagay ang dumampi sa noo ko at salitang hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko.

"I love you Elizabeth, and I mean it."

It's Friday, marami kaming kailangang gawin ni Nicolas ngayong araw na ito, since hindi naman kami nakapagensayo kahapon dahil sa dalawang makulit kahapon. Kinuha ko agad ang isang bow. Tinutok ko ito sa target ko. Ang kulay dilaw na nasa board. Pinagmasdan ko ito ng maigi bago ko tuluyang bitawan ang tali. Parang dahan-dahang gumagalaw ang arrow patungo sa board. Sa paggalaw nito ay siya ring lakas ng tibok ng puso ko. Nagulat ako ng makitang tumama ito sa gilid ng dilaw na target. Napangiti ako.

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now