Chapter 17

2.5K 75 0
                                    

Chapter 17

Lumipas ang ilang araw at nagsimulang manligaw saakin si Nicolas. Pinayagan ko naman siya, hindi niya ako minadali kahit na alam niyang mahal ko siya dahil gusto niyang patunayan saakin na totoo ang pagmamahal na pinapakita niya saakin. Isang bagay na alam kong hindi ko pagsisisihan.

Sinama ako ng aking tatay sakaniyang bahay, malapit lang ito sa Academy at ito ay nasa bayan din ng Ketlyson, maganda ang kaniyang bahay hindi man siya mukhang mansiyon pero malaki ito at may dalawang palapag. Kasalukuyan akong nandito sa balkonahe sa may taas upang pagmasdan ang magandang langit na may kumikinang na bituin at may malaking buwan.

Habang pinagmamasdan ko ito hindi ko maiwasang isipin na nalalapit na ang pagtatapos ng buwan nang Agosto at susunod na Setyembre. Wala pang eksaktong panahon ang unang araw na sisibol ang full moon pero parang pakiramdamn ko ngayon na yun. Bumuntong hininga ako at pumalungbaba sa may pasimano. Muntikan na akong mapasigaw nang nay maramdaman akong kamay sa balikat ko. Ang aking ama pala.

"Ayos ka lang ba anak?" Marahan akong tumango sakaniya at sabay naming pinagmasdan ang paligid. Mula dito sa pwesto ko natatanaw ko ang Academy at may nakikita akong ilang estudyante na naglalakad pa sa hallway at ang ilan ay nakatambay sa balkonahe.

"Napapansin ko nitong mga nakaraang araw mukhang masaya ka." Paguumpisa ni tatay.

"Opo tay, hindi ko po maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Una, nakilala ko na ang tatay ko at buo na ang pamilya ko, at pangalawa pareho na ang narararamdam namin nang taong mahal ko." Nakita ko ang pagngiti saakin ni tatay.

"Kung ganon, suportado kita sa bagay na yan anak. Ipakilala ko naman saakin ang tao na yan para pagsinaktan ka niya, handa akong awayin yun para sa'yo." Natawa naman ako sa ginawa ni tatay dahil nagposing pa ito na parang mangangarate.

"Biro lang anak, pero pag sinaktan ka talaga niyang anak, andito si tatay ha? Lapitan mo lang at handa akong makinig sa problema mo." Bigla na lang akong napatayo at niyakap siya.

"Salamat tay." Hinagod ni tatay ang likod ko at naramdaman ko ang luhang tumulo mula sa mata ko. Hindi ko akalain na mararamdaman ko ang ganitong saya dahil nakasama ko na ang tatay ko at may matatawag na akong tunay na pamilya.

"Masaya ako at nakasama na kita anak." Saad ni tatay saakin at inayos niya na ang kumot ko at hinalikan ang noo ko. Bago pa man siya tuluyang lumabas sa kwarto ko tinawag ko na ito dahilan para lumingon ito.

"I love you, dad." Nakita ko ang pangiti nito saakin.

"I love you too my princess. Sleep well." Pinikit ko na ang mata ko sinimulang matulog. I hope everything will be fine tomorrow.

Kinabukasan maaga akong nagising at maaga rin akong bumaba. Tumulong ako sa pagluluto ng agahan doon sa isa sa mga kasambahay ni tatay dito sa bahay niya.

"Magandang umaga sa'yo ija." Bati saakin nang matandang babae. Nginitian ko siya at binati din.

"Gusto ko po sanang tumulong sa pagluluto at paghahanda ng agahan sainyo. Kung nanaisin niyo po." Agad naman niyang inabot saakin ang kawali at agad ko namang sinalang ito sa kalan at nilagyan ng mantika.

"Salamat Elizabeth." Tumango lang ako kay manang at sinimulang maggisa nang bawang at sibuyas habang may hinihiwang karne si manang.

"Alam mo ba ija, nung hindi pa kita nakikilala at nakikita sa personal labis ang pagaalala ng iyong ama sa kalagayan mo, buti na lang ay nandiyan ang binatang si Zander at handang gawin ang lahat para sa iyong ama." Paguumpisa ng kaniya g kwento.

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon