Chapter 31

1.9K 58 0
                                    

Chapter 31

"Magandang umaga ija, kain ka na." Nagulat ako nung may makita akong tao. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at nilapag na lang ang pagkain sa lamesa na katabi lang ng kama.

"Masanay ka na ija, sa umaga nagbabago ang aming itsura at pagsumapit ang pagluboh ng araw babalik kami ulit sa paggiging ogre. Isa na itong sumpa para saamin, ngunit tinanggap na lang namin." Napatango ako sa sinabi niya.

"Hindi po siya ganun kadali tanggapin, tama po ba?" Umupo sa tabi ko ang matanda at hinawakan ang kamay ko.

"Alam mo Elizabeth ija, nung una hindi namin talaga matanggap ang nangyari saamin. Masakit man pero naisip na lang namin ang kakayahang makukuha namin sa paggiging ogre. Kaya ija, alam namin ang pinagdadaanan mo. Ayaw mo mamg maging bampira, kailangan mong tanggapin yun dahil ito lang ang maaaring magkapagpabagsak sa lolo mo." Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Sinuklay niya lang ang buhok ko gamit ang kaniyang kamay bago siya lumabas ng kwarto.

Napahiga na lang ako ulit at napabuntong hininga. Gusto ko mang makita sina nanay at tatay hindi maari, dahil pagnalaman nilang nandoon ako maaring patayin ni lolo silang dalawa para lang makuha ako. Napatayo ako at sinimulan ko ng kumain.

Natapos na ako at may nakita akong damit na nakasabit sa gilid. Nilapitan ko yun at may nakadikit na papel doon at binasa ko.

Dinalhan na kita ng damit bago pa man kita sunduin kahapon. -Kuya

Napangiti na lang ako at nilagay ang papel sa lamesa. Kinuha ko yun at pumasok ako sa pinto na nasa tabi lang ng isang malaking cabinet. Pagpasok ko isa siyang banyo ngunit hindi katulad ng orihinal na banyo, mabato ang banyo na ito dahil na rin sa kweba ito. Nagbihis lang ako doon bago ako lumabas.

Sinipat ko ang sarili ko sa salamin at tama lang ang kinuha ni kuya na damit para saakin. Lumabas na ako habang inaayos ko ang buhok ko. Nagulat ko nung may batang humarang sa daan ko at ngumiti saakin.

"Ikaw yung ate kahapon diba? Ako nga pala yung bata kahapon ate." Pakilala niya sa sarili niya. Napangiti ako sakaniya at binuhat ko siya. Magaan naman siya dahil narim siguro mukha siyang tatlong taon lang.

"Ilang taon ka na? At anong pangalan mo?" Nakangiti kong tanong sakaniya.

"Tatlong taom po, at ako nga po pala si Leven." Tumango ako sakaniya at lumabas kami sa kweba. Maliwanag sa labas at doon ko lang napansin na may mahabang lamesa pala na nakalagay sa labas. Maraming nakatayong tao doon at mukhang abala sila sa paguusap at may tinitignan silang mapa. Binaba ko muna si Leven at lumapit sakanila.

Napatingin ang ilan sakanila at nagbigay ng maliit na daan para makasilip at makalapit ang sa mismong lamesa. Doon ko lang napansin na may mga nakalagay na kung anong bagay sa lamesa at mukha siyang blueprint ng isang bayan. Napatingin ang pinuno nila saakin na si Verdan, ngayon ko lang napansin na halos binata siyang tignan pagnaging tao.

"Anong meron dito?" Tanong ko sakanilang lahat at pinagmasdan ang nakalagay na blueprint sa lamesa.

"Gumagawa kami ng plano para sa paglusob sa bayan ng Gayer." Napailing ako sa sinabi ni kuya. Tumingin ako sakanilang lahat at pinagmasdan ko ang blueprint. Sa paglilibot ko sa bayan nila bago pa man ako makatakas, halos nakabisado ko na ang pasikot sikot sa bayan nila. Kaya maaring.mapatay din sila kung dadaan sila sa mismong daan patungo sa bayan. Maaring matunugan nila ang paglusob nito. May tinuro ako sa mapa at yun ang kakahuyan kung saan kami dumaan.

"Hindi sila madalas dumadaan sa kakahuyan na ito, dahil itong daan na ito ay patungo sa isang lugar na kung saan ay bayan ng Widzingler, kung ang plano ninyo ay dumaan sa mismong daan patungo sa bayan, maari nila kayong matunugan dahil doon." May tinuro din ako sakanilang pwesto na kung saan pwede din silang dumaan.

"Ito namang kakahuyan na ito ay labas na  ng buong lugar ng Tereseyas at highway na ito na kung dadaanan mo ay maaring daan patungo sa isang bayan. Ang bayan ng Concepcion." May tinuro pa akong daan sakanila. Ang kakahuyan sa likod ng bahay ni lolo.

"Ito ang kakahuyan na dapat ay iwasan niyo. Paglabas niyo man sa kakahuyan na ito ay nasa tapat na kayo ng bahay ni lolo." Pahayag ko sakanila at marahan silang tumango.

"Anong plano mo? At bakit parang kabisado mo ang pasikot sikot sa bayan nila? Sa tagal ko na diyan hindi ko pa makabisado ang daan kung saan pwedeng dumaan ang kalaban, maliban na lang sa kakahuyan na dinaanan mo nung una tayong nagkita."  Tanong saakin ni kuya. Napailing na lang sakaniya.

"Isang araw ko pang nilibot ang bayan at napansin ko ang kilos ng mga taong naglalakad sa bayan. Lahat ng kakahuyan na pwede nilang daanan ay dinadaanan nila. Maliban na lang sa kakahuyan kung saan mo akong unang nakita, dahil sa duli nga nito ay ang bayan na ng Windzingler at malapit lang ito sa bilihan ng halamang gamot." Napailing siya saakin na mukhang dismayado sa sarili niya dahil sa mga nalaman ko.

"Kung kabisado mo na ang pasikot sikot dito, saan kami pwedeng dumaan upang hindi matunugan ng kalaban ang paglusob namin?" Tanong saakin ng isa sa mga kasamahan ni Verdan.

"Hindi kayo maaring sumugod na lang ng sumugod. Kahit pa man hindi nila alam ang plano niyo maari nilang malaman ang bagay na yun. Malakas ang pakiramdama ng isang bampira, maliban na lang kay lolo na nanghihina na." Saad ko sakanila.

"Mukhang may punto ang dalagitang yan. Bakit hindi na lang siya ang pagplanuhin natin sa paglusob?" Umiling ako sakanila.

"Sandali lang, iba ang plano ko sa plano niyo. Mukhang gagana kasi ang plano ko dahil sa paggiging tuso ni lolo. Isa lang ang gagawin natin, ang mas maging tuso kesa sakaniya. Naiintindihan niyo ba ang sinabi ko?" Marahan silang tumango saakin pero si kuya ay nanatiling nakakunot ang noo.

"Babalik ako sa bayan nila bukas ng gabi. Kung tuso siya, mas magiging tuso tayo. Babalik ako sa bayan na yun upang utuin siya sa paglusob niyo. Magsasalita ako bilang isang traydor sa grupo ng mga ogre at sasabihin ang plano niyong paglusob bukas ng gabi, pero walang sisipot ni isa sainyo, dahil paghahandaan nila yun. Kaya kinabukasan ng gabi kayo lulusob upang hindi sila maging handa sa paglaban. Marami na kayong mapapatay sa gagawin nila, hindi kayo pwedeng maging ogre sa gabing yun. Maari nilang marinig ang mga yabag niyo." Saad ko sakanila at mukhang nagtaka sila sa huli kong sinabi.

"Alam kong sumpa niyo na ang paggiging ogre sa gabi, pero mukhang may makakatulong saating tungkol sa bagay na yan." Tumingin ako kay kuya at tumango sakaniya. Tumango din siya saakin bilang pagsangayon.

"Ang isang Wizard na nakilala sa Academy. Si Mrs. Welford, isa siya magaling na wizard at siya ang naghandle sa ward namin. Maari naman niyang siguro tayong matulungan tungkol sa bagay na yun." Saad ko sakanila.

"Ija, nagkakamali ka. Walang kahit anong mahika ang makakasira sa sumpa na pinataw saamin." Saad ng isang kasamahan nila.

"Maaring wala nga, pero may iba pang paraan na kahit sa isang gabi lang ay hindi kayo maging ogre, at alam kong magagawa ki Mrs. Welford yun."

Thank you

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now