Chapter 18

2.4K 75 0
                                    

Chapter 18

"Zander? Pwede mo ba akong samahan sa palengke? Kinuha ko ang listahan kay manang kasi gusto kong mamasyal din sa bayan." Kasalukuyang nakaupo si Zander sa sofa at nakapikit. Mukhang natutulog siya kaya tumalikod na lang ako at balak kong ako na lang mag-isa kaso nagulat ako nung magsalita siya.

"Sige, antayin mo ako may kukunin lang ako sa taas." Tumayo siya sa sofa at tumingin saakin. Kakatapos lang kasi naming maglinis ng hardin.

"Sige! Antayin kita sa labas." Tumango ito saakin at ako naman ay lumabas na para antayin siya sa labas. Mamamalengke ako ngayon at balak ko din sanang bumili ng mga buto para sa pagtatanim. Nagulat ako nung may umakbay saakin tapos napatingin ako sakaniya.

"Tara na?" Marahan akong tumango sakaniya at naglakad na kaming papaalis.

Maraming tao rin pala ang nandito sa palengke. Kasalukuyan kaming namimili nang isda para sa hapunan mamaya. Pwede naman daw palamg kumain ng isda sila ina pero walang asin. Kaya napatango na lang ako kanina nung tinanong niya ako. Napalingon ako at may nakita akong bilihan ng mga seeds na pangtanim.

"May gusto ka pa bang bilhin na prutas?" Tanong niya saakin at umiling ako. Binigay niya na kay manang ang prutas at kinuwenta.

"Napakaganda naman ng iyong girlfriend ijo, bagay kayong dalawa." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nung tindera.

"Magkaibigan lang po kami." Saad naman ni Zander at nagpasalamat doon sa ale at niyaya ko na siya sa may bilihan ng seeds.

"Ano bang balak mong gawin diyan?" Tanong nito saakin at tinutulungan akong pumili ng pwedeng itanim hanggang sa may nakita akong magandang seed na may picture na nakalagay kung anong itsura niya pagtubo kaya yun na lang ang binili ko. Bukas ko na siya itatanim. Umuwi na kami ni Zander pero bago yun may nadaan kaming kainan kaya niyaya ko siya.

"Dahil sinamahan mo ako mamalengke, hayaan mong ilibre kita." Patayo na sana ako sa kinauupuan ko pero bigla niya akong pinigilan.

"Ako na." Aangal pa sana ako pero agad naman niya akong tinalikuran. Bastusan? Inantay ko na lang siya na bumalik kaya pinagmasdan ko labg ang mga batang naglalaro sa labas ng karenderya na ito at masaya silang naglalaro. Hanggang sa nadapa ang isang bata at balak ko sanang tulungan kaso lumapit sakaniya ang isang bata na mukhang matanda sakaniya ng kaunti at tinulungan siyang tumayo tapos hinalikan pa nito ang sugat na nasa siko ng batang babae. Napangiti ako nung mapagtanto ko na magkapatid sila dahil nilapitan sila ng babaeng mukhang nanay nila.

"Magkapatid yang dalawang yan. Anak ng pamliyang Reven." Hindi ko napansin na nakarating na pala siya at may nilapag siyang pagkain sa harap ko. Sinimulan ko nang kumain. Parang nainggit tuloy ako sa batang yun. Gusto ko na ding makilala ang kakambal ko.

Maaga rin kaming nakabalik at iniwan na lang namin ang pinamalengke namin sa kusina, katulad ng sinabi ni manang saamin. Magpapahinga muna kami ni.Zander dahil halos kanina pa kami kilos ng kilos sa bahay dahil tinulungan naming maglinis ang mga kasambahay. Pumasok na ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang sliding door at pumunta sa balkonahe. Malapit na din palang maggabi ngunit hindi ko napansin yun dahil sa masyado akong naging abala sa bahay. Napahikab ako dahil sa antok kaya agad naman akong pumasok sa loob iniwan ko lang na nakabukas ang silding door habang ang kurtina anv pinangharang ko sa daanan para kahit papaano makapasok ang lamig ng hangin mula sa labas. Agad naman akong humiga sa kama ko at pumikit.

Nagising ako dahil sa ingay nang bumukas na gate mula sa labas. Agad akong napatingin sa orasan na nasa gilid ng kama ko. Ala-syete na pala ng gabi. Ginabi ng uwi sina nanay. Umupo ako sa kama at tinali ang buhok ko.

"Mabuti at gising ka na." Nabigla ako sa narinig ko at hinanap yung boses na yun. Isang lalaki ang lumabas mula sa madilim na sulok sa kwarto. Agad kong tinakip sa katawan ko ang kumot ko.

"S-sino ka? At p-paano ka nakapasok sa kwarto ko? Trespassing ang ginagawa mo, alam mo ba yun?" Nakita kong ngumiti siya at tumingin sa sliding door na bukas.

"Sa susunod, wag mong iiwang nakabukas ang sliding door na ito, baka mamaya mapahamak ka pa kapatid." Halos manlaki ang mata ko nung marealize ko kung sino ang kaharap ko. Ang aking kapatid, ang kakambal ko. Agad akong napatayo at niyakap siya, hindi ko alam kung bakit ko ginawa ang bagay na yun kahit na alam kong mapapahamak ako dahil isa siya sa mga kalahi namin pero hindi ko siya kasamang lumaki. Nagulat naman ako nung yakapin niya din ako pabalik.

"Namiss kita Elizabeth."  Saad nito saakin at muli kong nahagkan ang yakap ng isang tunay na kapatid. Agad din naman akong kumalas sa kaniya yakap at pinagmasdan siya. Malaki ang pinagkaiba namin pero alam kong magkamukha kami dahil ang kaniyang mata at ilong ay halos parehas lang nang saakin.

"Ang laki na nang pinagbago mo Elizabeth. Hindi ko aakalain na lalaki ka nang ganyan kaganda." Ngumiti siya saakin at inayos ang buhok at inipit sa likod ng tenga ko. Lumabas kami sa balkonahe at sabay na pinagmasdan ang paligid.

"Natatandaan ko pang lagi mo akong sinasapak sa tuwing hindi kita pinagbibigyan sa bagay na gusto mo." Saad niya sa tabi ko. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Alam kong wala kang naaalala sa mga bagay dahil binura ng ating ina ang iyong ala-ala pero hayaan mo akong ikwento ang pinagsamahan natin kahit sa kaunting panahon lang." Tumango ako sakaniya at naghandang makinig sa kwento niya.

"Ikaw ang mas matanda sainyong dalawa kaya mas magandang intindihin mo na lang si Elizabeth, yan ang laging paalala saakin ni nanay sa tuwing nagaaway tayong dalawa dagil sa isang laruan. Kaya wala akong magagawa kundi ang lapitan ka at humingi  ng sorry sa'yo kahit na ikaw naman ang may kasalanan ng lahat. You've wanted to much toys and you like to play my toys. Nung una akala ko hindi ka babae dahil hilig mo lang talagang maglaro ng laruan ko." Natawa naman ako sa kwento niya. Hindi ko akalain na medyo tomboyin pala ako nun.

"Alam kong alam mo na din na mas malakas ang dugo na meron ka. Isa akong purong bampira at ikaw ay isang kalahating bampira at kalahating wizard. Don't worry I'm part of your group. Mahal ko ang ating lolo pero nung malaman ko na kailangan ka lang niya dahil sa dugi, palihim na akong nagtatanim ng galit sakaniya pero kailangan ko lang siyang pakisamahan para hindi niya malaman. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na nandito ka. Kaya simula pa lang nung umpisa lagi na kitang minamanmanan. Hindi aksidente ang una nakitang pagkikita, dahil talagang sinundan kita noon at iniligatas dahil pag-naamoy nila ang amoy maari ka nilang patayin at ubusin lahat ng dugo mo." Saad niya saakin na ikinabigla ko.

"Kaya ng nandito ako sa harapan mo upang iparating ang isang balita at plano. Hinahanap ka na nila dahil nakarating na sakanila na nandito na ang nakatakda, at ikaw yun. Kailangan mong mag-ingat dahil hindi natin alam, pwedeng ngayon, pwedeng bukas kunin ka nila bago ang araw ng iyong pagtatakda. Dahil mas gusto ni amang na makuha ka bago ang pagtatakda. Kaya mag-iingat ka Elizabeth, pero wag kang magalala lagi naman kita susubaybayan kahit sa loob ng Academy." Napangiti nanan ako dahil handabg siyang tumaliwas sa desisyon ng taong nagalaga sakaniya nung iwan namin siya. Inakbayan niya naman ako at hinalikan sa ulo. Hindi ko akalain na mararamdaman ko ang pagmamahal ng isang kapatid.

"Anak?! May bampira ang naamoy dito?! Okay ka---" Sabay kaming napalingon ni kuya at nagulat si ina at ama nang nakita kung sini ang kasama ko. Nasa likod nila si Zander. Nakalimutan ko na malakas pala ang pangamoy ng isang bampira kaya hindi na ako magtataka kung paano nila nalaman na may bampira dito sa loob ng kwarto ko.

"Ama...ina" Dalawang salita na lumabas mula sa bibig ng kapatid ko. Agad na lumapit si ina at nakita ko ang luhang pumatak sa kaniyang mata. Kita mo ang saya sa kaniyang mata. Nakita na niya ang isa niya pang anak.

"Daven, anak ko."

Thank you

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now