Chapter 35

2.1K 64 0
                                    

Chapter 35

Nagulat ako nung may marinig akong ingay sa labas ng bahay. Kaya agad akong sumilip sa bintana at nakita ko amg grupo nina Verdan na may mga hawak na apoy. Napangiti na lang ako dahil doon. Agad akong tumakbo sa may bookshelf at hinila ang dilaw na libro. Dali dali akong bumaba nung bumukas na ang daan.

"Leviña, kailangan na nating lumabas! Nandito na ang asawa mo." Saad ko sakaniya. At agad kong binuksan ang pintuan.

"Ang mga bihag! Tatakas sila!" Bago pa man makababa ang mga bantay ay sinalubong ko na sila sa may gitnan ng hagdan. Agad kong kinuha ang patalim na nasa bulsa ko at pinagsasasaksak sila sa iba't ibang parte ng katawan nila. Nung makita kong maging abo na sila ay agad na akong bumalik kay Leviña.

Hinanap ko ang susi para sa isang pintuan. Nahanap ko naman agad ang susi at agad kong binuksan at lumabas kami. Isa siyang hallway na mukhang nasa ilalim ng lupa din. Madilim siya kahit na may mga tanglaw na sa bawat daan. Naglakad lang kami hanggang sa makarating kami sa dulo. Walang ibang daan. Pinagmasdan ko ang pinto. Maaring isa din itong daan pero kailangan kong mahanap ang makakapagbukas dito.

Tumingin ako sa dingding, at may nakita akong nakausling parisukat na bato. Hindi mo agad mapapansin na nakausli ito kung hindi mo lalapitan. Agad kong nilagay ang palad ko doon at tinulak yun papaloob. Marahan na gumalaw ang pader at bumukas. Agad kaming tumakbo ni Leviña doon at laking gulat ko na halos opisina lang ito ni lolo. Nagsara ang lagusan at ito ay nasa likod lang ng bookshelf.

Nauna akong maglakad kay Leviña patungo sa pinto. Sumilip ako sa maliit na siwang at nakita ko ang mga ilang bantay na nagkakagulo. Sinara ko ang pinto at tumingin sakaniya.

"Sa bintana tayo lalabas. Hindi tayo pwedeng dumaan sa harapan, makikita nila tayo." Tumango siya saakin at nauna na siya sa may binata. Binuksan niya yun at marahan na bumaba. Medyo mataas ang parte na ito dahil sa paggawa sa bahay na ito. Nakababa naman kami sa bintana at sumilip sa daan.

"Elizabeth!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko at laking gulat ko nung makita ko sina nanay at tatay. Kasama nila si kuya.

"Anong ginagawa niyo dito?!" Takot ko sakanila at lumapit. Tumingin ako ng masama kay kuya.

"Patawad anak, nagaalala lang talaga kami sa kalagayan mo. Pasensiya na kung pinilit namin ang kuya mo na magsalita na, hindi naman kami papayag na ikaw lang ang lalaban dito." Pahayag saakin ni nanay. Napabuntong hininga na lang ako.

"Sige, kayo ng bahala sakaniya. Kuya, alam mo naman ang gagawin, tama ba? Ako nang bahala kay lolo." Tumango saakin si kuya at tumingin naman ako kay nanay.

"Magiingat ka anak." Tumango ako kay nanay at agad akong tumakbo papunta ng harap ng bahay. Nilibot ko ang paningin ko pero isang tao lang ang kumuha ng atensyon ko. Agad akong napatakbo at hinanda ang patalim na hawak ko nung makita kong may isang bampirang nasa likod niya. Agad akong tumakbo at giniitan ito ng leeg.

"Elizabeth?! Hindi ako pwedeng magkamali! Ikaw nga." Napangiti na lang ako habang lumuluha. Agad akong tumakbo at niyakap siya ng mahigpit. Namiss ko din ang taong ito.

"Patawad Nicolas, patawad." Naramdam ko ang marahan niyang paghaplos ng buhok ko.

"Matagal na kitang napatawad sa bagay na yun Elizabeth, kaya ngayon hindi ako papayag na ikaw lang ang lalaban." Tumango ako sakaniya at agad niya namang pinunasan ang luha ko.

"Liza!" Napalingon ako sa tumawag saakin at nakita ko si Ayesha at bitbit niya ang Samurai na ginagamit ko. Agad akong tumakbo pero bumagsak din ako sa lupa. Napahawak ako sa binti ko, nakita ko ang pagdurugo nito. Hindi siya kaagad na humilom dahil sa lalim nito at laki. Napatingin ako sa bampirang papalapit saakin. Agad akong tumingin kay Ayesha at tumango sakaniya. Binato niya ang samurai at bumagsak ito sa tabi ko. Agad ko itong tinanggal sa lagayan at sinaksak sa dibdib. Ang lapit lang ng mukha nito saakin pero agad na naglaho ang bampirang sinaksak ko at naging abo. Napaupo ako sa lupa at dama ko pa din ang hapdi ng sugat ko sa binti.

"Ayos ka lang?" Tumango ako sakaniya at agad naman siyang pumunit ng tela sa sando niya. Tinalu niya yun sa sugat ko at tinulungan akong tumayo.

"Salamat." Saad ko kay Ager. Nakita kong lumapit saamin ai Nicolas at tumingin kay Ager, imbis na selos o galit ang makita ko sa mga mata niya ay isang saya at ngumiti ito kay Ager.

"Salamat pre." Tumango lang si Ager bago siya umalis. Inalalayan ako ni Nicolas maglakad.

"Anak! Anong nangyari sa'yo?" Nakita kong lumapit saamin si tatay. Pinagmasdan niya ang binti ko na may sugat.

"Nadali po ng isang bampira. Si lolo nakita niyo ba? Kailangan nating tapusin ang laban na ito." Saad ko kay tatay. Ngunit umiling siya saakin. Napabuntong hininga na lang ako pero agad akong napatayo. Kung may mga sikretong lagusan dito, hindi rin pwedeng walang sikretong taguan. Nakita kong lumapit sina kuya, nanay, Ayesha at Xian.

"Maaring nagtatago siya ngayon. Maraming sikretong lagusan sa loob ng bahay. Gusto kong tignan niyo amg bawat sikretong lagusan na meron sa loob ng opisina niya at sa kwarto na nasa taas. Mabubuksan mo ang sikretong lagusan sa taas gamit ang dilaw na libro. At ang sa opisina naman niya ay parisukat na bato na nakausli. Kailangan kong suyudin ang buong paligid. Hindi siya makaalis dito agad-agad." Saad ko sakanila.

"Sasamahan niyo akong tatlo, nay at tay kayo na pong bahala sa loob sa mga sikretong lagusan." Tumango saakin sina tatay bago sila pumasok sa loob. Pinilit kong tumakbo kahit na humahapdi ang sugat ko. Napakagat na lang ako sa labi ko sa tuwing nararamdaman ko ang hapdi. Napatigil ako sa pagtakbo nung may marinig akong ingay. Napalingon ako at nakita ang bahay ni lolo na nasusunog.

"Nicolas! Sina nanay at tatay." Agad akong binuhat ni Nicolas at tumakbo ito ng mabilis. Hindi man siya isang bampira ay may potensyal siya sa pagtakbo. Sa bawat hakbang ni Nicolas ay lalong nadaragdagan ang kaba ko. Nakita ko ang mga ilan pang bampira. At halos dumami ang bilang nila. Madami na ding mga ogre ang bumagsak sa lupa. Nakita ko siya. Agad akong lumapit sakaniya at hinila ang braso niya.

"Walanghiya ka! Nagtiwala ako sa'yo apo!" Sigaw niya saakin. Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"Apo? Wag kang magsalita na parang tinuring mo akong apo mo!" Sigaw ko sakaniya at agad na nilabas ang samurai. Nakita kong ngumiti siya at nakatingin sa binti ko.

"Ang dugo mo!" Sigaw niya saakin at agad siyang tumakbo at nagulat na lang ako nung nasa likod ko na siya. May naramdaman akong tumusok sa likuran ko, dahilan para bumagsak ako sa lupa. Nakita ko kung paano niya tikman ang dugo na nasa kahoy na kutsilyo. Napadaing ako nung simulan niyang ilabas ang kaniyang mga mahahabang kuko.

"Arghhh!" Sigaw ko nung bumaoj ang kuko niya sa balikat ko. Napaiyak na lang ako, hindi dahil sa sakit. Kundi dahil sa mahina ako. Hindi ko man lag magawang lumaban. Unti-unying pumipikit ang mata ko, isang imahe ang nakita ko bago ako tuluyang pumikit. Malabo man ang itsura niya saakin, malinaw naman ang sinabi niya.

"Lumaban ka Liza, wag kang maging mahina. Tapangan mo at harapin mo ang tuso mong lolo."

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon