Chapter 08

3.2K 90 5
                                    

Chapter 08 

Weeks had been passed. My life still the same. Halos walang nabago, maliban na lang sa pagaaral namin. Medyo humirap ang nga lesson at nadagdagan pa na kailangan ko pang magaral ng mga sandata. Hindi ganun kadali ang lahat pero, pilit na kinakaya.

"C'me on Liza, wag mong sasabihin na susuko ka na?" Agad naman akong humarap sakaniya at inirapan siya.

"Who say's? Alam mo namang ilang pawis ang sinayang ko para dito, tapos sasabihin mong susuko lang ako? No way!" Tumalikod ako at naglakad. Papunta ako sa lamesa para uminom ng may matapakan akong manipis na tela at yun ang naging dahilan para madulas. Subalit, may isang braso ang umikot sa mga beywang ko. Alam kong sabay kaming naglaglag. Dama ko ang pagtama ng katawan ko sa katawan niya. Dama ko ang hininga niya sa leeg ko. Napatingin ako sakaniya at halos sobrang lapit na nang aming mga mukha.

Makikita mo ang kislap sa kaniyang mga mata. Hindi ko masasabing may iba sa mga mata niya, pero sa pagtingin palang sa mata niya ay dama mo ang saya sa mga titig palang niya. Nagulat ako ng bigla niyang pitikin ang noo ko, dahilan para matauhan ako at biglang napatayo. Sumunod naman siya at inayos ang kaniyang damit.

"S-salamat." Nauutal kong saad sakaniya. Ngumiti ito saakin at lumapit saakin. Nagulat ako ng ayusin niya ang buhok ko.

"Medyo nagulo lang. Sa susunod kasi wag puro galit ang inuuna. Tingin tingin din sa dinaraanan ha?" Medyo napanguso ako sa sinabi niya. Pinitik niya lang ang noo ko. Maglalakad na sana ako paderecho sa lamesa ng bigla siyang magsalita.

"Stop." Kaya napalingon ako sakaniya. Bigla naman siyang ngumiti.

"Ingat sa paglalakad. Baka mamaya mangyari na naman yun, if ever naman na mangyari yun. Don't be scared, I'm here and ready to catch you if you fall."

---

A cold ambiance of the place caught my attention. I looked at the window and stared on those stars in the sky. Naramdaman ko ang paggalaw ni Ayesha sa kabilang kama at bigla itong nagsalita.

"Samahan mo naman ako sa baba. Nagugutom ako eh." Saad niya at umayo sa kama.

"Sige, nagugutom din ako since kanina pa ang huli kong kain." Tumayo na kaming dalawa at sabay na lumabas ng kwarto para bumaba. Habang naglalakad kami papunta sa canteen para bumili ng makakain. Nakasalubong namin si Xian.

"Oy! San punta niyo?" Bigla itong tumabi saakin at sa kaliwa ko naman ay si Ayesha.

"Wala, diyan lang kami sana sa may canteen. Nagugutom kami eh." Saad ni Ayesha sa tabi ko may pahabol pang pagirap kay Xian.

"Sus! Makairap ka naman." Natawa na lang ako sa ginawa ni Xian, dahil nagbakla baklaan siya at hinawi ang buhok niya. Ng makapasok kami nina Xian sa loob, nagprisinta na si Ayesha na siya na daw ang bibili kaya tumango na lang kami ni Xian. Naghanap kami ng upuan at medyo malapit yun sa may bintana. Tanaw mo ang ulap at buwan doon sa pwestong yun. Yung lawak ng field ay makikita mo din.

Pagkaupo namin ni Xian, pumalungbaba ako at sumilip sa bintana. Kakaiba ang buwan na nakikita ko ngayon. Hindi siya pangkaraniwan pero maganda sa mata. Medyo may higlight siyang kulay pink. Nakakaakit siya para saakin.

"I'm here and ready to catch you if you fall."

"I'm here and ready to catch you if you fall."

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now