Chapter 13

2.5K 85 0
                                    

Chapter 13

Palaisipin parin saamin kung paano nangyari na madaling natuyo ang sugat ko at walang iniwang bakas na kahit anong peklat ang sugat na iyon. Huminga ako ng malalim bago tumingin ulit sa kisame ko. Hanggang ngayon iniisip ko pa din ang isang bagay na pwedeng ilihim saakin ni nanay pero wala akong makitang butas. Kung baga sa isang sikreto hindi ko makita kung ano nga ba.

"Mukhang ang laki ng problema mo." Lumingon ako kay Ayesha na isa rint nakahiga sa kama niya at halatang may iniisip din.

"Oo malaki nga. Ikaw ba? Parang pareho lang tayong may malaking problema." Saad ko sakaniya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa dahil sa sinabi ko.

"Malaki nga ang problema ko." Tumingin siya saakin at huminga ng malalim.

"Ano bang problema mo? Baka matulungan kita." Saad ko sakaniya. Ilang sandali lang ang kaniyang pananahimik ng bigla siyang nagsalita.

"I'm falling in love with Xian." Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Sa wakas! Hindi na mahihirapan pang umamin si Xian.

"You do?" Tumango siya ng dalawang beses. Tapos bigla siyang pumalakpak.

"Alam mo Liza, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ko minahal yang si Xian. Yung kuripot na mahilig mang-asar. Argh!" Halata mong naasar siya pero alam kong gusto niya naman yun dahil nakikita mo sa mga mata niya kung gaano niya din kamahal si Xian.

"You don't have to worry about it, Ayesha. I know you know that maybe Xian can love you back." Saad ko sakaniya dahilan para ngumiti siya ng kaunti.

"Well, ano bang problema mo? Parang kanina ka pa namomroblema ah." Saad saakin ni Ayesha. Mukhang kailangan niyang malaman ang lahat.

"Iniisip ko kung may bagay ba akong hindi alam, na alam ng nanay ko. Hindi ko masabi pero pakiramdam ko. May tinatago siya tungkol sa pagkatao ko. Na tanging siya lang ang makakasagot." Saad ko sakaniya.

"Liza, kung tungkol ito sa paggaling ng sugat mo ng biglaan. Maaring may kakayahan ka talaga, o pwede ding isa kang werewolf." Natawa ako sa sinabi niya at umiling.

"Hayaan mo na nga! Tara na matulog na tayo at maaga pa tayo bukas. Nakapagreview ka na ba para sa test?" Saad ko sakaniya at binuksan ang aking kumot.

"Oo naman! Ako pa ba?! Sige na matulog na tayo. Good night Liza.." Agad kong hinawakan ang tali ng lamp shade at hinigit ito.

"Good night din Ayesha."

Habang naglalakad ako marami akong nakikitang estudyante na nagmamadali at sobrang busy sa pagaayos ng gamit sa paghabol ng requirements para sa unang semester. Magsisimula pa lang ang klase at ang lahat ng estudyante ay abala sa pagrereview para sa test na gaganapin mamaya. Ang test na gagawin ay hindi katulad ng nasa papel. Dahil kung ano ang natutunan mo sa klase ito ay ipapakita mo sa mga kapwa estudyante mo.

"Kinakabahan talaga ako sa gagawin namin mamaya sa ward namin. Masyadong strict ang proctor namin." Saad ni Ayesha na nasa tabi ko lang, habang si Nicolas ay nasa kaliwa ko.

"Wag kang kabahan Ayesha dahil hindi mo magagawa ng maayos ang dapat mong gagawin mamaya kung kakabahan ka." Pahayag ni Xian na nasa likod niya na ngayon at umakbay sakaniya. Nauna silang maglakad saamin at nakita mo na naman silang nagkukulitan

"Liza!" Pareho kaming napalingon ni Nicolas sa tumawag saakin. Nakita ko ang isa naming kaklase na patakbong naglalakad papunta saamin. May inabot siya saaking papel.

"Galing kay Zander yan. Aantayin ka daw niya." Tumango ako sakaniya at nagpasalamat. Binuksan ko ang maliit na papel.

Meet me later after class at the garden. I want to talk to you...

Tumingin ako kay Nicolas at nagkibit balikat na lang siya sa nabasa. Tinago ko sa bulsa ang papel at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa klase namin. Agad naman kaming nagsiupuan para maghanda sa paparating na aming proctor. Nagsidatingan na ang lahat nang iba kong kaklase at hawak nila ang kani-kanilang notes at may tinitignan.

"Good morning everyone! We're now on our first trial exam, our test will conclude the magic. Sigurado naman akong nahasa na kayo sa sarili niyong ability. The only thing you'll going to do here is to show and make us impress." Medyo kinakabahan ako sa maaring kahantungan ng aking pagpapakita dahil hindi ko hasa ang isang spell na alam ko. Pinagaralan ko ang isang spell na alam kong madali lang para saakin.

Iba ang spell na ito sa pinagaaralan nina Ayesha 'cause you don't need to utter it loudly. Mind can control it and you can even control it.

"Okay let's start!" Tumayo na agad ang isa naming kaklase upang magpakitang gilas na sa unahan. Marami siyang ginawa sa unahan na ikinabilib ng ilang saamin. Marami rin ang nagpakitang gilas sa unahan at isa na doon si Zander. I thought that he can just see what is your padt and future but I was wrong. He's a water wizard. Natapos na silang lahat at ang tanging natira na lang sa kanilang lahat ay ako. Sinimulan ko nang tumayo at humarap sa kanilang lahat. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mata. Matapos nun idinilat ko na ang mata ko. Nakatingin ako sa kanila. Sina Nicolas at Zander ay nakangiti saakin, I know they want me to build my confidence up.

"Ano namang ipapakita niya? She's just a normal type of girl." Rinig kong sabi ng isang babae na nasa dulo dahilan para tumawa ang ilan.

"Guys! Keep your mouth shut! Hindi pa naman natin nakikita ang kaya niyang gawin and you keep on judging her." Saad nang isang babae na halos katabi lang ni Zander. Cassandra. Ngumiti siya saakin. Isang tipid na ngiti lang ang ginanti. Tumingin ako kay Nicolas.

"Can I ask for a help to my friend?" Tanong ko kay Mrs. Welforf. She just nod her head.

"Nicolas, build a small fire for me." Seryoso lang akong nakatingin sa kanilang lahat kahit na kita ko ang pagtataka sa mga mukha nila. Naglabas ng maliit na apoy si Nicolas sa palad niya. Huminga ako ng malalim at sinimulang kontrolin ang apoy. Hindi rin nagtagal umangat ang apoy at nawala na nang tuluyan ang kontrol ni Nicolas sa maliit na apoy. Umupo na siya at agad kong pinalapit ang apoy saakin.

Nilagay ko sa pagitan ng dalawang palad ko at balak kong palakihin ang apoy. Inikot ko ng inikot ang apoy sa gitna hanggang sa lumaki ito. Tama lang ang laki niya. Tumingin ako sa mga kaklase ko. Half of them are amazed and half of them are still confused of what I'm doing. Ano pa bang magagawa ko sa mga taong hindi kayang maniwala sa gagawin ko? Do I need to urge them to believe on me?

Sinimulan ko nang ibahin ang kulay ng apoy na nasa pagitan ng dalawang magkabilang palad ko. From orange to red. Red to white. White to Black and lastly from Black to Blue. I can see the amazement on their eyes. I know that I can do this, not perfectly but in the right way. Agad kong kinulong ang apoy sa palad ko. Namatay naman agad ito at lumabas ang usok. Hindi ako nasaktan dahil pinalitan ko muna ang kulay nito sa puti. Tumingin ako sakanilang lahat, and to my surprise they all smiling at me. All of them gave me an around of applause.

"Ms. Derevan, you made me impress again..."

Thank you

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now