Chapter 21

2.3K 77 0
                                    

Chapter 21

"Akala ko mawawala na talaga ang dating Elizabeth." Saad ni Ayesha. Nakabalik na din ako sa dorm, dahil marami na rin akong namiss na mga subject dahil sa pag-absent ko.

"Akala ko nga din Ayesha eh. Sobrang nagpapasalamat talaga ako dun sa taong nagpaintindi saakin kung ano dapat ang gawin ko." Ngumiti ako sakaniya at inayos ang mga damit ko sa cabinet.

"Sige.na Liza, mauna na ako. Baka mahuli ako sa bus eh. See you later!" Nagbeso-beso lang kaming dalawa bago siya tuluyang lumabas. Meron silang tour sa isang Garden na kung saan nila matututunan na gamitin ang kanilang sarili g kapangyarihan na ilalabas lang nila sa sarili nilang utak. Hindi rin nagtagal, natapos din ako sa pag-aayos. Kaya naisipan kong lumabas para mag-pahangin.

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa may ilalim ng puno at pinagmamasdan ang bituin. Alam kong isa sa mga bituin na yan ay si Zander. Ginagabayan pa din ako.

"Kamusta ka na?" Muntikan na akong mapatalon sa gulat nang may magsalita sa tabi ko. Si Cassandra pala. Alam kong isa din siya sa mga taong nagdalamhati ng husto nung mamatay si Zander.

"Ayos lang naman. Ikaw? Sorry ha? Namatay pa si Zander dahil saakin." Saad ko sakaniya at hindi ko naman mapigilan na hindi mapaluha.

"Ano ka ba! Tama na yan okay? Hindi rin naman siya matutuwa kung makita niya tayong ganito eh. Kaya halika! Mas mabuting malibang ka muna para naman kahit papaano bumalik na talaga ang tunay mong sigla." Niyaya niya ako at agad naman akong sumama sakaniya. Tama nga siya, kailangan ko munang libangin ang sarili ko. Nasa labas kami ng Academy at napakaganda dito.

"Samahan mo ako Liza, doon sa may kakahuyan. May nakita akong magandang bulaklak dun at paniguradong magugustuhan mo yun." Dahil sa narinig ko ang salitang bulaklak hindi ko maiwasan na mamangha. Agad kaming pumasok sa kakahuyan pero, napapansin ko habang tumatagal lalo kaming napapalayo sa Academy kaya kinabahan na ako.

"Baka maligaw tayo nito Cassandra." Saad ko sakaniya pero hindi niya lang ako pinansin. Hanggang sa tumigil kami. Pansin ko, ito na ang gitna ng kakahuyan.

"Wag kang magbiro ng ganito Cassandra! Umuwi na tayo." Saad ko sakaniya pero hindi niya ako pinansin at may nilabas siya sakaniyang bulsa na panyo at agad niyang tinapat sa ilong ko. Nagpumiglas ako pero huli na ang lahat. Dumilim ang buong paligid at wala na akong makita pero malinaw padin sa pandinig ko ang huling sinabi niya.

"Paalam Elizabeth."

Isang mahinang pagyug-yog ang gumising saakin. Isang lalaki ang nakita ko mula sa kadiliman. Si kuya. Kita ko ang galit sakaniyang mga mata. Inikot ko ang paningin ko at napansin kong nasa isang kulungan kami.

"Sinabi ko naman sa'yong mag-ingat ka! Anong ginawa mo? Okay na saakin na ako ang mapahamak basta maligtas lang kita pero tignan mo ang nangyari sa'yo Elizabeth! Nakuha ka na nila at ngayon kinulong ka nila. Bukas makalawa ilalabas ka nila upang patayin at kunin ang dugo mo na iaaalay sa pinuno." Hindi ko alam pero napayakap na lang ako sakaniya. Huli na ang lahat, nasa kamay na nila ako. Napaisip ako, kaya pala matagala nang hindi nakakadalaw si kuya.

"Nalaman nila na sinabi ko sa'yo ang plano nila. Kaya agad nila akong kinulong dito, at bukas din ay bibitayin ako." Napatingin ako sa rehas. May isang pang pinto doon at baze saaking tantya, isa itong kwarto na may kulungan.

"Pinagkatiwalaan mo ang taong maglalagay sa'yo sa pahamak." Tumulo na ang luha ko at hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Sorry kuya, hindi ko alam." Habang hinhimas niya ang likod ko, narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya lumingon ako dito. Nakita ko si Cassandra na pumasok at may dalang pagkain.

"Walanghiya ka! Tinuring kitang kaibigan pero nagawa mo akong traydurin! Isa kang walang kwentang kaibigan!" Sigaw ko sakaniya. Nakita ko ang galit sakaniyang mga mata.

"Dapat ako ang magsabi nan sa'yo Liza! Tandaan mo, ipinagkatiwala ko sa'yo Zander pero hindi ko maisip na aahasin mo siya saakin! Alam mong mahal ko si Zander pero bakit ikaw? Bakit ikaw.pa ang minahal niya? 'Di hamak nanang lamang ako sa'yo, dahil mas marami akong kayang gawin kesa sa'yo pero ikaw pa din ang nagustuhan niya!" Nakita ko ang mga luha na pumatak sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam na ganun kasakit na pala ang nararamdaman niya.

"Sabihin na nating wala ka ngang gusto sakaniya, pero ang puso niya naman ay nasaiyo! Hindi niya ako magagawang mahalin dahil ikaw ang laman ng puso niya! Sobrang sakit Liza, akala ko pa naman ikaw ang magiging tulay saamin para mapalapit siya saakin!" Sigaw niya saakin. Tumalikod na siya pero bago pa man siya makaalis ng tuluyan may iniwan akong salita sakaniya.

"Sa tingin mo ba, magugustuhan ni Zander yang ginagawa mo? Nagbigay ka pa ng isang dahilan para hindi ka niya magustuhan." Padabog niyang sinara ang pinto at ako naman ay naiwang tulala sa isang sulok. Kailangan kong makagawa ng paraan psra makatakas kami dito ni kuya. Pero paano? Wala akong alam na gawin.

"Wag mo nang subukan pang gamitin ang kapangyarihan mo bilang isang wizard, dahil merong spell ang kulungan na ito at hindi gagana ang kapangyarihan mo dito." Nabigla ako sa sinabi niya. Yun ang bagay na naisip ko na gawim para makalaya kami pero dahil sa sinabi niya mukhang wala na talaga kaming pag-asa. Aantayin ko na lang ang araw na mamatay ako.

Maggagabi na at tanging ilaw lang mula sa buwan na tumatagos sa bintana. Hindi ko napansin na halos gumagabi na din pala. Gusto ko nang makaalis sa impyernong ito!

"Kamusta naman kayong dalawa ngayon dyan?" Sabay kmaing napalingon at nakita ko ang isang lalaking nakatayo sa gilid at may hawak na baston. Bagama't mukha siyang bata pero pansin mo ang panghihina niya. Napatingin ako kay kuya at kita ko kung paano niya niyukom ang kaniyang kamay kaya hinawakan ko ito at umiling ako sakaniya.

"Walang hiya ka! Ano bang kasalanan ko sa'yo?!" Sigaw ko sakaniya pero nakita ko lang ang pangisi niya saakin.

"Wala kang kasalanan saakin apo pero, kailangan ko ang dugo mo upang bumalik ang tunay na lakas ko at tuluyan ko nang maisagawa ang plano ko na sakupin ang buong bayan na ito at ang buong Tereseyas." Hindi ko maiwasang magalit dahil yun lang ang nais niya saakin.

"Wala kang karapatan na tawagin akong apo! Wala kang kwenta! Hindi mo man lang kami tinuring na apo mo. At talagang kinulong mo pa talaga kamo dito!" Sigaw ni kuya sakaniya. Wala akong makitang emosyon sakaniya. Hindi ko makita yung emosyon na nasasaktan siya sa mga sinasabi namin. Hindi namin makita ang bagay na tanging sa mata niya lang makikita.

"Pinuno! Nakapasok ang mga kalaban!" Sigaw ng isang lalaki mula sa labas. Napatingin ito saamin at nakita ko kung paano nanlisik ang kaniyang mga mata saamin.

"Batayan ang mga bihag! Wag niyong hahayaan na makawala yang dalawang yan! Lalo na ang babaeng yan! Siya ang pag-asa nating lahat!" Tinalukaran niya kami bago niya isarado ang pintuan ng kwartong ito. Napatingin ako kay kuya at napayakao na lang sakaniya ng wala sa oras.

"Wag ka nang matakot. Alam kong hindi magtatagumpay ang matandang yun sa balak niya. Nandito na sina tatay at alam kong ililigtas nila tayo. Malaki din ang tiwala ko kay Nicolas." Napatingin ako sakaniya. Hindi ko mapigilang ngumiti, dahil alam natanggap na nila si Nicolas na pumasok sa buhay ko at magint parte ng pamilya namin. Sana mailigtas nila kami.

Thank you

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat