Chapter 25

2.1K 64 0
                                    

Chapter 25

Lumapit ako sa isang halaman at tinignan ito. Napakaganda niya kaya agad kong pinitas ang bulaklak. Napalingon ako kay Ayesha na kasama sa pagpitas ng bulaklak na magaganda. Ihahandog namin ito sa puntod ng former queen na si Lory Ketlyson.

"Napakaganda naman nang bulaklak na iyan Liza! Panigurado matutuwa ang Queen Lory dahil diyan!" Saad niya at agad na nagsilapitan ang dalawang lalaki na kasama namin, sina Xian at agad na kinuha sa kamay ko ang bulaklak at pinagmasdan ito ni Xian.

"Maganda nga! Minsan lang ako makakita ng ganitong klaseng bulaklak at swerte tayo ngayon dahil halos may tatlo pa doon!" Saad ni Xian at nagunahan sila ni Ayesha sa pagalapit sa halaman. Pumipitas sila at habang ako ay nakatuon sa isang puno na may bunga kaya pilit ko itong inabot pero nagulat ako nung marinig kong dumaing si Ayesha kaya agad akong napalapit sakanila.

"Anong nangyari?" Tanong ko na may pagaalala sa boses ko. Nakita ko ang daliri ni Ayesha na may dugo.

"Natusok ako sa isang sanga." Pahayag niya at pilit na nilababas ang dugo. Ewan ko pero parang bigla akong natakam sa nakita ko. Para akong nauuhaw sa kulay pulang likido na lumalabas sa sugat ni Ayesha.

"Liza? Ayos ka lang ba?" Pero nakatulala pa din ako sa sugat niya at parang gusto kong mapasaakin ang bagay na yun. Napaatras ako sa naiisip ko.

"Ilayo niyo saakin si Ayesha bago ko pa siya masaktan!" Sigaw ko sakanila. Kita man sa mga mata nila ang pagtataka agad namang lumayo si Xian at Ayesha.

Nagiinit ang pakiramdam ko at hindi ko maintindihan ang kalam ng sikmura ko. Naamoy ko pa din hanggang dito ang amoy nang dugo na lumalabas sa daliri ni Ayesha.

"Arrgh! I can't help it! Umalis.na kayo Xian! Ayokong makapanakit!" Sigaw ko sakanila ni Xian, lumapit saakin si Nicolas. Hindi ko nakikita ang takot sakaniyang mga mata. Tumingin siya sa kamay ko at nagulat siya, kaya napatingin din ako at hindi ko akalain na hahaba ang kuko ko at matutulos sila.

"No! Wag kang lalapit saakin Nicolas! No!" Sigaw ko sakaniya pero umiling lang siya at nagpatuloy na naglakad papalapit saakin. Napapikit ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Halos parang hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Nagkaroon ng sariling pagiisip ang kamay ko at agad na kinalmot si Nicolas sa braso. Nakita ko ang dugo na tumulo doon. Hindi pwede!

"Damn! Please go away!" Sigaw ko sakaniya pero lumapit pa din siya saakin at mabilis niya akong niyakap.

"I won't! Hindi kita hahayaan na lumaban ng magisa! Kaya mong labanan yan Liza! Paniwalaan mo lang ang sarili mo." Hindi ko alam pero biglang gumaan ang pakiramdam ko sa narinig ko. Bigla na lanh nanghina ang tuhod ko at nandilim ang paningin ko.

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at liwanag mula sa ilaw ang sumalubong saakin. Napapikit agad ako dahil sa liwanag na yun. Muli kong minulat ang aking mata at tinanaw ang paligid. Wala akong ibang makita kundi ang isang silid na halos pamilyar na saakin.

"Gising ka na pala." Isang matandang babae ang nakita kong pumasok mula sa pinto at may dala itong first aid kit.

"May sugat ka kasing malalim sa paa mo at hindi namin alam kung saan nanggaling yan." Agad naman akong umayos ay sumandal sa head board ng kama. May isa nga akong sugat sa may binti ko at mukhang malalim nga ito.

"Katatapos lang kasi yang linisin kaya tatapalan ko na ngayon. Akin na ang paa mo para matapalan na natin." Agad naman siyang umupo sa edge ng kama ko at sinimulang tapalan ng isang dahon na hindi ko alam ang tawag at tsaka binalutan ng gasa.

"Siya nga pala manang, nasaan po sina nanay at tatay? Pato na din po ang mga kaibigan ko?" Tanong ko sakaniya habang inaayos niya ang gasa na nasa binti ko.

"Nasa baba sila at kumakain. Gutom ka na ba?" Tumango ako sa tanong niya. Tumayo naman agad siya matapos niya akong lagyan ng tapal ang sugat ko.

"Magpahinga ka muna at wag mong pilitin na lumakad at baka mas lalo pang lumalim ang sugat mo, kaya mas mabuting maipahinga mo yan para gumaling agad. Baba lang ako saglit uoang kunan ka ng pagkain." Ngumiti ako sakaniya at ngumiti.

"Maraming salamat manang." Tumango lang ito saakin at lumabas na siya ng kwarto ko. Tumingin ako sa bintana at napansin ko ang isang anino doon, kinabahan agad ako pero nawala yun nung makita ko kung sino ang mayari nito.

"Nabalitaan ko ang nangyari sa'yo. Ayos ka na ba ngayon?" Saad niya at lumapit saakin. Umupo siya sa tabi ko at pinagmasdan ang sugat ko na may tapal.

"Ayos na naman ang kalagayan ko. Wala ba akong nasaktan sakanila? Natatakot kasi ako kuya." Saad ko sakaniya at inakbayan niya lang ako at hinimas ang buhok ko.

"Nandito lang naman kami at handa ka naming tulungan. Wag mo munang isipin ang takot, lalo ka nitong pahibinain." Saad niya saakin kaya tumango ako sakaniya. Wala pang ilang oras ay bumukas na ang pinto. Nakita ko ang pagpasok ni Nicolas mula doon. Nagtama ang paningin namin at nagkita sila ni kuya kaya agad itong tumango kay kuya bilang bati. Tumayo naman si kuya at hinalikan ako sa noo.

"Sa baba lang muna ako. Maiwan ko muna kayo." Lumabas na si kuya at agad namag lumapit si Nicolas na may dalang tray na may pagkain na laman. Isang mainit na sabaw at may kasamang tubig na hindi malamig.

"Mas mainam na mainitan ang sikmura mo." Nilapag niya yun sa harap ko at kinuha ko ang kutsara at tinikamn yun. Masarap ang lasa nito. Habang nahigop ako may napukaw sa atensyon ko na benda sa braso niya. Naalala ko pala ang nangyari kanina kaya napatigil ako.

"K-kamusta na yan?" Tinuro ko ang sugat niya na may dugo pa ang benda. Napatingin siya at itinaas yun.

"Ito ba? Hindi naman siya masakit. Mas masakit ang makita kitang nasugatan kanina sa isang sanga nung binuhat kita. Hindi ko nga alam ang gagawin ko nung mahimatay ka eh. Natakot ako at parang gusto kong bumigay pero nagpatuloy pa din ako sa paglalakad dahil gusto kong makita kitang magising ulit. Natakot ako akala ko kasi mawawala ka na saakin kanina." Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya agad kong hinawakan ang kamay niya.

"Ito ang bagay na gusto kong itatak mo sa utak mo Nicolas, hinding hindi ako mawawala sa'yo. Tandaan mo, mawala man ako ikaw parin ang taong babalikan ko at gusto kong makasama habang buhay. At isa pa! Hindi pwedeng mawala na lang ako dahil papakasalan pa kita." Saad ko sakaniya na ikinangiti niya.

"Seryoso ka? Ako ang papakasalan mo? Baka mamaya iwan mo ako sa altar na magisa." Saad niya saakin kaya natawa naman ako sa sinabi niya.

"Bakit pa ako maghahanap ng iba kung pwede namang ikaw na lang?" Nagtaka man siya sa sinabi ko pero agad naman siyang napangiti.

"Tama na nga yang landian niyo! Gustong makausap ni tita si Liza." Napalingon ako at hindi ko napansin na kanina pa pala nandoon ang lima. Sina Xian, Ayesha, nanay, tatay at si kuya.

"Anak, may gusto pala kaming sabihin sa'yo ng iyong tatay." Umupo si nanay sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko kaya napangiti ako. Nakita kong kumaway sina Ayesha bago isara ang pinto. Kaming apat nalang nina kuya ang natira dito.

"Malapit na ang araw ng pagtatakda sa'yo anak. May nalaman si Daven na maari mong ikabahala." Saad ni nanay saakin kaya napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya.

"Nagmamanman ang isa sa mga dudukot sa'yo bago ang araw ng pagtatakda. Maaring isa sa mga nakapalibot sainyong paaralan. Kaya magiingat ka anak, hindi natin alam nasa tabi lang natin sila." Saad niya saakin.

"Pero paano nangyari yun? Akala ko ba patay na ang iba sakanila?" Nagtataka kong tanong sakanila.

"Oo nga Elizabeth, pero hindi lahat. Buhay pa din ang ating lolo at nagtatago sila sa ligtas na lugar. Hindi ko alam kung saan pero narinig ko sa mga naguusap na itim na bampira ay sa isang bahay na malayo sa bayan ng Felon, maaring nasa bayan sila ng Concepcion, kung saan nakatira ang ating lola." Bigla akong nabahala sa sinabi nila.

"Hindi maari! Magisa lang si lola doon at baka mapahamak siya! Hindi ko kakayanin." Para akong nanlumo sa nalaman ko. Hindi pwedeng mapahamak si lola.

"Oo anak alam namin yun, kaya pupunta doon si Daven bukas upang bantayan ang iyong lola, kaya sa ngayon magpahinga ka muna pagkatapos mong kumain dahil pupunta tayo doon para makausap natin siya."

Thank you

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now