Chapter 22

2.2K 75 2
                                    

Chapter 22

Nagulat ako ng makita kong bumukas ang pinto at isang lalaki ang tumalsik sa harap namin at agad na nalusaw ang katawan. Nakita kong pumasok ang isang pamilyar na lalaki. Lalo na ang hubog ng katawan nito.

"Nicolas!" Sigaw ko nung makita ko siya. Agad naman siyang lumapit saakin. Nilabas ko ang kamay ko sa may rehas.

"Tulungan mo kami, please!" Pagmamakaawa ko. Hinawakan niya naman ang kamay ko at pinunasan ang luha na bumabagsak sa mata ko.

"Oo tutulungan kita! Kumalama ka lang diyan Liza." Saad niya at may kinuha siyang susi sa bulsa niya at agad na binuksan ang selda. Napayakap ako agad sakaniya pagkalabas ko pa lang.

"Paano niyo nalaman na nandito.kami?" Tanong sakaniya ni kuya.

"Umamin si Cassandra, naiwan siya sa Academy ngayon at binabantayan ang ibang estudyante." Saad ni Nicolas sakaniya.

"Sino pa ang kasama niyo?"

"Kasama ko sina Xian at Ayesha, hindi napigilan ni tito at tita na sumama. Kaharap nila ang ibang mga bampir at panigurado ako na tinakbo na nila ang pinuno upang itago." Saad naman ni Nicolas. Tumango sakaniya si kuya.

"Kami na ang bahal dito, mas mabuting ilayo mo muna si Liza dito. Mahirap na pagnapahamak siya." Tumango si kuya at agad na nawala sa paningin ko na parang bula.

"Liza, tumingin ka saakin at makinig ka." May kinuha siya sa kaniyang likod, at hindi ko napansin na dala niya pala ang Samurai na ginamit ko noong pinagaaralan ko palang ito. Mabuti na lang at tinuruan niya ako at panigurado akong makakalaban ako nito.

"Wag kang lalayo saakin, lalaban tayong dalawa." Tumango ako sakaniya at agad niyang hinawakan ang kamay ko at tumakbo kami palabas.

"AYUN SILANG DALAWA! HABULIN NIYO AT WAG NIYONG HAHAYAAN NA MAKAWALA ANG ITINAKDA!" Napalingon ako sakamamg bahagi at nakita ko ang apat na lalaking bampira. Kinabahan agad ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

"Wag mong hahayaan na takot ang manaig sa'yo." Bigla na lang pumasok sa utak ko amg mga salitang yun. Huling salita na iniwan ni Zander bago siya mamatay. Kaya agad kong nilabas ang samurai sa lagayan nito at pumwesto. Magkatalikuran kami ni Nicolas at siya ang nakaharap sa kanang bahagi at ako sa kaliwa. Wala pang ilang minuto may dalawamg bampira agad ang pumwesto sa harap ko. Agad akong tumakbo sakanilang dalawa at ginalaw ang samurai.

Natamaam ko ang isang bampira at agad itong naglaho at nagging abo. Napatingin ako sa samurai at ngayon ko lang naalala na silver ito at takot nga pala ang bampira na tulad nila sa silver. Kaya lumakas ang loob ko na makipaglaban. Tumakbo ako sa isang bampira at agad na tumalon sa likod niya at iginuhit ang samurai sa leeg niya. Agad naman iting naging abo at nawala.

Napatingin ako kay Nicolas na nakatingin saakin, isang bampira ang nakita ko sa likod niya napasugod kaya agad ko siyang tinulak at sinaksak ang bampira.

"Aww!" Daing niya, kaya agad akong bumaba para makapatay siya.

"Ayos ka lang ba? Sorry, kailangan ko lang talagang gawin at baka mamaya mapahamak ka pa." Saad ko sakaniya. Nakita ko ang pag thumbs up niya saakin. Tinulungan ko naman siyang tumayo at nagalakad na kami. Nakarating kami sa labas at madami kaming nakitang mga abo, madami din palang namatay na bampira.

"Nicolas! Kailangan na nating umalis!" Sigaw ni Xian at agad na tumakbo silang dalawa. Huminto ako at lumingon-lingon.

"Nasaan sina tatay at nanay?! Hindi pwedeng iwan na lang natin sila!" Sigaw ko sakanila pero hinila ako ni Nicolas.

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon