Chapter 09

3K 90 2
                                    

Chapter 09

Festival of Lights. Isang sagradong okasyon dito sa Tereseyas. Maganda ang okasyon na ito dahil merong paligsahan ang bawat bayan. Pagandahan ng paggawa ng Light Floats. Kaya mas nakakaamaze siya. Yun ang inaabangan dito taon taon.

"Sasama ka ba mamayang gabi sa Festival of lights? Maganda yun Liza. Paniguradong mageenjoy ka doon." Ngumiti ako sakaniya at umiling.

"Pasesnsiya na Ayesha. Sa ngayon kasi gusto ko munang magpahinga. Kayong tatlo na lang. Sana magenjoy kayo." Nakita ko abg lungkot sa mga mata niya pero agad naman siyang ngumiti. Umupo na kami saaming mga upuan upang simulan ang aming agahan. Dumating na din sina Xian at Nicolas. Agad din namang silang umupo. Sa harap ko si Xian na siyang kinabigla ko dahil si Nicolas ang laging nasa harapan ko. Napatingin ako kay Nicolas at mukhang bad mood ito. Nakakunot ang noo at hindi nagsasalita. Na kadalasan hindi niya naman talaga ginagawa.

"Nicolas, baka mapunit yang mukha mo kakakunot mo. Umayos ka nga." Saway sakaniya ni Ayesha pero hindi siya pinansin nito at nagpatuloy na lang siya sa pagkain. Napailing si Xian at parang natatawa dahil doon. Kaya tinignan ko siya ng masama. Sinipa ko ang paa niya sa ilalim.

"Ahh!" Napatingin sakaniya ang iba naming kasama sa lamesa at nag-peace sign lang siya sakanila. Tapos si Ayesha naman ay napakunot ang noo.

"Problema mo Xian?" Tanong nito sakaniya. Tumingin ito saakin at bigla na lang siyang umiling kay Ayesha.

"Wala, may kumagat lang sa paa ko." Saad niya kay Ayesha. Tumango na lang si Ayesha at bumalik sa pagkain. Hindi rin nagtagal natapos na kami sa pagkain namin. Kaya agad naman kaming tumayo at umalis na para pumunta sa kaniya-kaniya naming silid. Nung makaupo na ako. Napansin kong tumungo sa lamesa si Nicolas, na kailanman hindi niya ginawa.

Bumuntong hininga ako. Nakita kong pumasok si Zander mula sa pinto. Ngumiti ito saakin at nginitian ko din siya pabalik. Ngayon ko lang siya nakita ulit. Umupo ito sa tabi ko.

"Ngayon lang ulit kita nakita ah. San ka galing?" Saad ko sakaniya nung makaupo na siya sa tabi ko. Ngumiti naman siya saakin.

"Bakit? Namiss mo naman ako?" Agad ko naman pinitik ang noo niya.

"Sira! Tinatanong ko lang, ano na agad ang iniisip mo. Ayos ayos din minsan Zander. Okay?" Umiling lang ito at tumawa ng mahina.

"Seryoso na. Galing ako sa bahay, binisita lang silang lahat at kinamusta kaya hindi mo ako nakikita dito nung mga nakaraang araw." Saad niya saakin kaya napatango na lang ako sakaniya. Maya-maya lang pumasok na ang proctor namin at tumahimik na kaming lahat. Umayos na din ng pwesto si Nicolas at tumingin na sa proctor.

"Okay ka lang?" Tanong ko sakaniya pero isang maliit na tango lang ang nakuha kong sagot sakaniya kaya nanahimik na lang ako. Bumuntong hininga ako bago tumingin sa proctor namin. Lalo akong nahihirapan sa sitwasyon ko.

---

"Hindi ka ba talaga sasama Liza? Magisa ka lang dito at kadalasan saamin lahat ng estudyante dito sumasama sa ganito." Saad saakin ni Ayesha habang nagaayos siya ng buhok niya. Kalahati lang ang nakatali at yung ibabang parte ay nakalaglag. She's wearing a pinkish pastel color of dress partnered by her white rubber shoes in low cut. Kahit anong suotin ni Ayesha bumabagay sakaniya lahat ng ito.

"Sa tingin ko hindi muna talaga Ayesha." Tumango na lang saakin si Ayesha at humalik sa pisngi ko. Nagpaalam na ito saakin at lumabas na. Nilock ko ang pinto at humiga sa kama ko. Pumikit muna ako at hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

Moonlight Academy 2 (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt