PROLOGUE

2.8K 63 0
                                    

"Where are we going mom?" a five year old girl asked her mom, lulan sila nang sasakyan, sinulyapan niya ang labing dalawang taong gulang niyang kapatid, may nakasalpak na malaking head phone sa tainga nito habang bahagyang hume-headbang pa ang ulo.

"Baby, mom and dad had out of town shooting." Her mom said, lumiwanag ang mga mata niya.

"We can go with you?"

Umiling ang ina, "No baby, the weather is not good for you and your brother." Paliwanag naman nito, sa sinabi nang ina ay nangilid kaagad ang mga luha niya, mabilis na dinaluhan siya nang ina at hinaplos ang maliit niyang mukha.

"Baby, don't cry. I promise I will bring you lot of toys when we came back." Anito, hindi naman siya nito napatahan, marami na siyang laruan sa bahay nila, ang gusto niya ay makasama niya ang mga magulang niya.

"No, I don't want it, I want to go with you mom." She said while crying.

Mula sa kinauupuan niya ay maingat na binuhat siya nang ina at marahang hinaplos ang mahaba niyang buhok.

"Stop crying baby." Pagpapatahan ng mommy niya sa kanya.

Hindi nagtagal ay tumigil ang sasakyan nila sa isang malaking bahay, umiiyak pa rin siya habang kalong nang kanyang ina.

Bumukas ang mataas na gate at lumabas roon ang isang matangkad at magandang babae.

"Erika!" masayang bulalas ng babae, nang makalapit sa kanila ay nakangiting hinaplos nito ang baba niya. "Is this your little angel? She's beautiful." Puri nito sa kanya, nakangiting tumango ang kanyang ina.

"Her name is Eiren." Sagot nang ina pagkuwan ay sumulyap sa kuya niya. "Kilala mo na si Einar dahil magkaklase sila ng anak mo." Dagdag ng ina, tumango ang babae, muling natuon ang atensyon nito sa kanya nang makitang umiiyak siya.

"Oh, why are you crying little angel?" she asked.

"Umiiyak nga dahil gustong sumama sa'min ni Renzo." Sabi ng ina, "Hindi naman namin sila maaaring isama lalo na at papalapit na ang taglamig." Dagdag pa ng ina.

"Naiintindihan kita, mahirap na ring mag hire ngayon ng baby sitter." Komento ng babae, sumang ayon ang ina.

"Tama ka, ayokong ipaubaya sa ibang tao ang mga anak ko." Sabi ng ina, "Mabuti nga at pumayag ka."

Ngumiti ang babae, "Okay lang sa'kin, wala rin naman si Nick dahil nasa states siya ngayon." Anito, "Pagbalik niya uuwi naman kami ng Pilipinas, alam mo namang mas gusto ko sa bansa natin kaysa dito sa Korea." Anito

Saglit pang nagkwentuhan ang magkaibigan bago napunta uli ang atensyon sa kanya.

Pinunasan ng babae ang mga luha sa pisngi niya, "Hi Eiren, don't cry nagbake ako ng chocolate cake..You want chocolate cake?" nakangiting tanong nito, she loves cakes especially chocolate flavor, mabilis na tumango siya. Nagkangitian naman ang magkaibigan.

"Oh Eiren, dito ka muna kay auntie Rizzy, marami siyang cakes kaya mag eenjoy ka dito." Sabi ng ina, pinasa siya ng ina sa kaibigan nito.

"Really?" nagningning ang mga mata niya, tumango ito.

Nang tumigil siya sa pag iyak, binalingan ng ina ang kapatid niyang tahimik pa ring nakikinig ng music. Nagulat ito nang biglang alisin ng ina ang head phone sa tainga nito.

"Einar!" tawag ng ina sa kuya niya, napangiwi naman ito sa malakas na boses na sumalubong sa kanya.

"Mom, hindi ako bingi." Reklamo nito habang hinihimas ang tainga, nilapitan ito ng ina pagkuwan ay niyakap.

FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold PrinceWhere stories live. Discover now