CHAPTER TWENTY THREE

1.8K 45 0
                                    

Eiren hold her breath when she saw Reed, nakatayo na ito sa tapat ng sasakyan nito habang tila namamalikmata lang pagkakita sa kanya.

Eiren couldn't take her eyes off him, his good looks filled her heart with so much love, it increased her longing him to be close.

Nang makalapit ito ay hindi na niya napigilan ang sarili.

"Reed!" masiglang tawag niya dito, she also threw her arms around his waist and hug him tight.

Oh how she missed this man..the man she loved.

Saglit niyang naramdaman ang paninigas ng katawan nito subalit ng makabawi ay inilayo ang sarili sa kanya.

"What are you doing here?" his tone was cold.

Natigagal siya, anong nangyayari sa binata? Hindi ba ito masaya na naroon siya?

"I came here to see you." Aniya, muli ay saglit itong natigilan at tumitig sa kanya, ngumiti siya.

Nababasa niya ang nasa mga mata nito.

"Bumalik na ang mga alaala ko Reed, naaalala na kita." Nakangiting sabi niya, tila hindi man lang ito natuwa, mas nakita pa niya ang paglamlam ng mga mata nito.

"Really, that's good news." Kaswal na sabi nito, napansin niyang nagpalinga linga ito.

"Wala akong kasama, mag isa lang akong pumunta rito..well, inihatid ako ni Trevor dito." Aniya

"Ano bang ginagawa mo dito?" tanong nito na muling ibinalik ang mga mata sa kanya.

Para naman siyang tinarakan ng kutsilyo sa puso niya, hindi niya ito maintindihan.

"Reed..ano bang nangyayari sa'yo?" tanong niya dito

"Ikaw? Anong nangyayari sa'yo? You shouldn't be here..dapat ay kasama mo si...si Carl." Anito

"Pero ikaw ang gusto kong makasama." Aniya, nagulat naman ito sa narinig

"Babalik na ako sa Korea sa susunod na araw, gusto ko lang na makasama ka Reed."

He sigh heavily and looks away.

"Hindi ako ang Reed na gusto mong makasama Eiren, ang kakambal ko iyon, hindi ba at bumalik na siya at nagtapat na siya sa'yo..you should be happy, right?" tila napipilitan na lang itong kausapin siya, "Umuwi ka na..babalik na ako sa pagpapractice ko." anito na tumalikod at akmang maglalakad nang pigilan niya ang braso nito.

"Alam ko..alam kong hindi ikaw ang Reed na nangako noon sa'kin.." aniya, he stopped but still not looking at her so she continue, "Nakakabaliw isipin na sa tinagal tagal na panahon na iginiit kong ikaw nga si Reed na nangako noon sa akin, na ikaw ang fiance ko..at sa kabila ng mga pagtanggi at pagtataboy mo sa'kin, na tigilan ko na ang ginagawa ko...Reed, narealize ko na ginagawa ko na lang palang excuse iyon para lalong mapalapit sa'yo..I found myself loving you for what you are..kung sino ka talaga..habang tumatagal ay lumalalim ang pagmamahal ko sa'yo." Lumuluha na niyang sabi, he looked at her with disbelief in his eyes.

Niyakap muli niya ang binata at ayaw na niya itong pakawalan pa.

"Ayokong tuparin ni Carl ang pangako niya, hindi ko gustong pakasalan ang lalaking hindi ko naman mahal. Reed, ikaw ang mahal ko." aniya sa pagitan ng mga yakap.

Naramdaman niya ang masuyong pagdantay nito sa mga balikat niya, napapikit siya nang akalain niyang yayakapin din siya nito subalit ganon na lamang ang pagdurugo ng puso niya ng inilayo lang pala siya nito.

Kaagad itong tumalikod nang makalayo siya.

"Eiren..Hindi mo alam ang nararamdaman ko ngayon." Anito

FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold PrinceWhere stories live. Discover now