CHAPTER TWO

1.9K 34 0
                                    

"No, it's okay Maddie, I understand you." Reed said, kausap niya sa cellphone ang dalaga, nasa loob siya ng sasakyan nang tumawag ito. Sinabi nito ang mga nangyari kaya hindi ito nakasipot sa date nila.

Maddie Dela Fuente was a paramedic, she was working in his team as a medical worker, nakahanda ito at ang iba pang paramedic kung magkakaroon man ng aksidente sa loob ng racing track, minsan na siyang naaksidente sa karera at isa ito sa nag rescue sa kanya kaya nakilala niya ang dalaga.

He is Reed Morgan, half Filipino-half German; an international car racer, nasa karera na ang buhay niya kaya kahit na malimit siyang kausapin ng kanyang ama na i-give up niya ang racing career niya at magtayo ng sariling business o pamahalaan ang kumpanya nito ay hindi siya nakinig, car racing is not only his passion but it is his life, masaya siya sa ganong propesyon.

"Next time na lang tayo magdinner, Reed." Ani Maddie, sa maikling panahon na nakilala niya ang dalaga ay alam na niya ang pagkatao nito, she is such a good person, she is also a member of the sagip rescue team, kaya hindi kataka-takang mas unahin nito ang mga taong nangangailangan.

"Yeah, next time." He said

Nang makahingi ito ng sorry ay nagpaalam na rin kaagad ang babae. Malalim na nagbuntong hininga siya, kahit kailan naman ay hindi siya nagkaroon ng matinong date, kung hindi siya sisiputin ng kadate niya ay may mangyayaring hindi maganda habang kasama niya ang kadate niya.

Hindi lang iisang beses na nangyari iyon, at iisa lang naman ang taong may kakayanang hadlangan at sirain ang date niya....Si Eiren Park.

Bigla ay tumunog ang cellphone niya, kaagad na binuksan ang natanggap na video message. Nang makita niya ang sender niyon ay nagdalawang isip pa siyang buksan iyon subalit napagtanto na lang niyang napindot na lang niya ang button.

"Reed, kahit anong gawin mong pag iwas at pagtataboy sa'kin, hindi ako titigil..hindi ako susuko hanggang sa maalala mo ang mga ipingako mo sa'kin noon..we're meant to be, you're my fiance..you're my prince and I'm your princess..you'll gonna marry me soon..period!"

Ekseheradong nagbuga siya ng hangin, "Ang kulit niya talaga." Bulong niya.

She was thirteen years old when he saw her, again. Hindi niya akalain na ito ang limang taong gulang na kapatid ni Einar noon.

Sariwa pa sa alaala niya ang muling pagkikita nila, hindi niya iyon malilimutan.

Flash back...

Nasa canteen si Reed kasama ang ibang mga kaibigan niya na sina Tanner, Trevor, Xien at Hunter. Like an ordinary days in his college, tahimik lang siyang kumakain nang merienda habang nakikinig at paminsan minsan na nakikisabat sa usapan nang mga kaibigan niya.

Magkakaiba man ang course nila ay hindi naman naging hadlang iyon para hindi sila magkita kita, kapag vacant period o kaya naman ay breaktime ay madalas silang nakikitang magkakasama.

They were friends since highschool kaya matibay na ang samahan nila lalo pa at miyembro sila nang sikat na club na sila lang din naman ang nagbuo.

Their club was known at the university because of its uniqueness, may kanya kanya ring espesyal na katangian ang bawat miyembro, Flower Boys Host Club was a club that invites and entertains a guests, usually a female guests.

Ang club president nilang si Yuan ang nakaisip at nagbuo nang club na iyon, he was an exchange student from Japan. Pero imbis na sa pansariling interes nila napupunta ang funds at kinikita nila sa paghohost ay idino-donate nila iyon sa ibang clubs sa university, minsan naman ay nagi-sponsor sila nang sports events at iba pang activities kaya nga mabilis na nakilala ang club nila.

FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold PrinceHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin