CHAPTER NINETEEN

1.5K 27 0
                                    

Sa Happines bar....

"Kampai!" nakangiting sabi ni Trevor na itinaas ang kopitang hawak.

"Kampai!" sabay sabay na wika ng host men at pinag untog ang mga kopitang hawak, sabay sabay din nilang nilagok ang lamang wine niyon.

"Thanks guys for helping me." ani Reed sa mga kaibigan.

"What friends are for?" ani Hunter, tinapik niya ito sa balikat dahil napakagaling nitong artista, ito ang madalas maging main actor nila sa tuwing sisirain nila ang date ni Eiren kay Dustin.

Isang linggo na rin ang nakakalipas noong umpisahan nilang sirain ang date ng mga ito at ang mga sumunod pang mga araw. Hindi niya hinahayaang magtagpo ang dalawa.

"Natatawa ako sa sitwasyon ninyo ni Eiren, she's the one who used to ruined your dates tapos biglang nagbago ang mundo at ikaw na ngayon ang humahadlang sa mga dates niya kay Dr. Ruiz." Natatawang komento ni Jared, nagkibit balikat siya.

"Yeah, I remember the first time I've become the taxi driver, oh man! Mabuti na lang at timing ang pagbutas ninyo ng tubo ng nawasa kaya hindi siya nakalapit sa'kin." Natatawang sabi ni Tanner, sinegundahan naman ito ng pagtawa ni Sky.

"Dalawa pa nga kaming nagtulong ni Kaizer sa pagbutas ng tubo." Anito

"Yeah, pagkatapos niyon naimbithan tuloy kami sa presinto dahil sa kasong damage to property." Naiiling na saad ni Kaizer.

"At buti na lang din at maraming kaibigang pulis itong si Xien." Natatawang sabad ni Trevor na kasama sa gumanap na construction worker.

"Well, nagawa na rin naman natin yun dati, five years ago hindi ba?" sabi ni Yuan

Naalala tuloy niya iyong panahong nag group message si Einar, kailangan daw nito ng tulong ng flower boys, kasalukuyang may practice game siya noon at dalawang araw na lang ay may international race event siyang sasalihan. Nagawa niyang iwanan iyon ng malaman niyang nakikipagdate si Eiren sa iba. Hindi man niya aminin noon pero naapektuhan siya, naalarma siya ng sobra.

Iyon ang unang beses na sinabotahe nila ang date nito, tuluyan na rin niyang dinispatsa sa buhay nito ang James na iyon. Dahil kamag anak ni Vash ang principal ng exclusive school na pinapasukan ng mga ito ay gumawa sila ng paraan para mailipat sa ibang school ang binatilyo, kahit hindi ito pasado para maging exchange student ay ginawan nila ng paraan.

Ayun dalawang araw pa lang ang nakakaraan ay lumipad na ito papuntang Taiwan para doon mag aral. Hindi na muli ito napakita pa kay Eiren.

"It's good to have a lots of connections." Biro ni Jared, sinang ayunan iyon ng mga kaibigan.

"Pero wala nang gagaling pa sa best actor natin." Sabat ni Vash na siniko si Hunter, ngumisi lang ang binata. Si Hunter ang lalaking kasama ng matandang babae na nag collapse kunwari at inatake sa puso.

"Tss, honeypie ha? Saan mo naman napulot ang matronang yun?" tanong ni Trevor

"Madalas ko siyang guest sa host club, favorite niya akong host guy kaya naman ginamit ko yun para pakiusapan siyang makisakay sa drama natin since pa extra-extra rin siya sa showbiz." Ani Hunter.

Sa minsan pa nilang pagsira sa date ni Eiren at Dustin ay noong harangin ng mga ito ang sasakyan ni Dustin, nagdisguise ang mga kaibigan na kunwa'y taga ibang bansa at naliligaw sa pupuntahan, at habang binibigyan nito ng instruction mga dayuhan kuno ay lihim na binubutas na nina Hunter at Einar ang dalawang gulong nito samantalang siya ay prente nang naghihintay sa coffee shop kung saan magtatagpo ang dalawa, ang ending tuloy ay silang dalawa ni Eiren ang magkasamang nagkape at sabay na umuwi.

FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold PrinceDär berättelser lever. Upptäck nu