CHAPTER TWENTY

1.5K 29 0
                                    

"Reed, ano bang relasyon natin noon?" tanong ni Eiren, nilakasan na niya ang loob niya upang itanong iyon sa binata, hindi siya makatulog nitong mga nakaraan dahil sa kaiisip niyon, hindi niya sinasadyang marinig ang huling pag uusap ni Dustin at Reed, naku-curious talaga siya. Matinding sakit naman sa ulo ang napapala niya kapag pinipilit niyang alalahanin si Reed.

Noong nakaraan ay tinawagan niya isa-isa ang host men at naghagilap siya ng impormasyon tungkol sa kanila ni Reed subalit naging tikom ang bibig ng mga ito.

"Ask him...siya ang sasagot niyon." Sabi ni Trevor, kahit ang kuya Einar niya ay ganoon din ang isinagot.

Kaya bago pa tuluyang masiraan ng ulo ay kinompronta na niya ang binata, nang araw na iyon habang pababa ito ng hagdan ay hinarang niya ang binata, he looks handsome in his pair of jeans and black polo shirt.

Imbis na sagutin ang tanong niya ay hinawakan nito ang isang kamay niya at hinila siya palabas ng bahay hanggang sa sumakay sa sasakyan nito.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya sa binata

"I'll help you to find the answer Eiren." Sagot nito, "Gusto kong ikaw ang mismong sumagot sa tanong mo."

Bakit ayaw na lang niyang sabihin kung anong relasyon namin noon? Mahirap bang sabihin iyon?

Maya maya ay tumigil ang sasakyan, takang pinagmasdan niya ang isang gusali nang makababa sila.

Ano naman ang gagawin namin sa lugar na ito? "Planetarium..." pagbasa niya sa isip.

"Let's go." Bahagya pa siyang napaigtad nang masuyo nitong hawakan ang kamay niya at hinila siya papasok sa gusali.

Kadiliman ang unang sumalubong sa kanila subalit nang magpatuloy sila sa paglalakad ay unti unti niyang naaninag ang nagkikislapang bituin sa kalangitan.

Mga bituin sa katanghaliang tapat?

"Wow! Beautiful!" bulalas niya habang nakatingala, the whole ceiling of the dome has full of movable stars, planets and other objects that seen in the night sky.

Parang totoo ang lahat ng nakikita ng mga mata niya, napakaganda niyon.

Nakaupo na sila ni Reed nang maramdaman niya na nakahawak pa rin pala ito sa kamay niya, nang sulyapan niya ito ay nakangiti itong nakatitig sa mga bituin.

"Ito ang pangalawang pagkakataon na nakapasok ako sa lugar na ito at katulad noong una ay hindi nagbago ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon." sabi nito habang nakatingala sa mga bituin, "That was five years ago, hindi ko man aminin noon pero I was happy, I'm really really happy that I'm with the girl I like." patuloy nito, her heart started pounding faster.

She catched her breath when Reed looking at her eyes, those gray eyes of him seems talking to her, "May isang bagay lang akong pinagsisisihan na hindi ko nagawa noon." Anito

"W-what is that?" her voice trailed off, dala pa rin ng matinding kabog ng dibdib.

She felt nervous at the same time excited while looking at him, her heart beat accelerated the moment she saw him inching closer and closer to her.

"Kiss you like this.." pagkasabi nito ay bumaba ang labi nito sa mga labi niya, nakamulat ang mga mata niya habang nakatitig sa nakapikit na lalaki, hindi niya alam kung bakit tila napako siya sa kinauupuan, maaari naman niya itong itulak at lumayo dito subalit may bahagi sa kanya na gustong gusto ang ginawa nitong paghalik sa kanya.

Eiren's breath caught in her throat and stayed there for a long moment, nang ibuka niya ang mga labi niya upang suminghap ng hangin ay doon nagkaroon ng pagkakataon ang lalaki na sakupin ng mas malalim ang mga labi niya.

FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold PrinceWhere stories live. Discover now