CHAPTER SEVENTEEN

1.5K 29 0
                                    

Hindi mapalis ang ngiti sa mga labi ni Eiren habang nakikipagpalitan ng text messages kay Dustin, ilang araw na rin niya itong katext at aaminin niya na unti unti siyang napapalapit sa binata, hindi rin siya nabo-bore sa tuwing kausap ito sa phone.

Pero lihim lang ang pakikipagtext niya sa binata dahil nang minsan na mahuli siya ni Reed na kausap niya ito sa phone ay nagalit ito, tigilan daw niya ang pakikipaglapit sa lalaking iyon dahil isa itong estranghero at hindi pa niya gaanong nakikilala.

Hindi niya maintindihan kung bakit napaka bitter nito pagdating kay Dustin, mabait naman si Dr. Ruiz, at crush niya ang lalaki, kaya kahit ilang beses siyang pinagsabihan ni Reed na layuan ang binata ay hindi siya nakinig.

Nang araw na iyon ay nakaupo sa mahogany bench si Eiren, nagtatago siya roon dahil katext niya si Dustin.

I'm ir at basket ball court with my frenz. Text iyon ni Dustin, kapag walang ginagawa ang binata ay naglalaro ito ng sports kasama ang mga kaibigan nito.

Rily? I wnt to see u how 2 play basketball. J reply naman niya

Haha! I'm not rily good at it, I'm just a benchwarmer. Sagot nito, natawa naman siya sa reply nito. Sa tingin niya hindi pang substitute lang ang binata dahil sa tindig nito at tikas tiyak niyang pang forward player ito.

Nakangiting tumitipa siya sa cellphone niya nang may tumikhim sa likuran niya, gulat na napatingin siya dito.

Napatayo siya nang makita niya si Reed, mukhang paalis ang binata.

"Y-yes?" tanong niya dito at mabilis na ibinulsa ang cellphone.

"I'm going to the sports arena." Anito

"Ah okay, take care." Nakangiting sabi niya, napansin niya ang paglaglag ng balikat nito, may iba pa ba itong inaasahang sasabihin niya? "Ah, umuwi ka ng maaga." Dagdag niya.

Nagbuntong hininga ito na tila hobby na yata ng binata, "May problema ba?" takang tanong niya

"Dati kasi....ah, nevermind." Anito, "Magbihis ka na lang."

"Bakit?" takang tanong niya

"Isasama kita, gagabihin ako sa pagpapratice ko kaya hindi ka pwedeng maiwan dito." Anito, noong una ay pinilit niyang kaya niyang maiwang mag isa subalit giniit nitong isasama siya sa ayaw at sa gusto niya kaya wala na siyang nagawa kundi sumama dito.

Sa sports arena, nakaupo sa itaas na bleachers si Eiren habang sinusundan niya ang mabilis na sport car ni Reed na paikot ikot sa race track, isang oras na itong nagpapractice kasama ang ibang host men na sina Xien, Sky at Trevor na sport buddies nito.

"Reed...Reed....Reed.." usal niya habang mag isang nakikipagpustahan sa sarili niya, kahit nangunguna ang sasakyan ni Sky sa binata ay dito pa rin siya kampi, ewan niya pero simula nang maupo siya doon at nagsimulang magkarera ang mga ito ay pakiramdam niya ay matagal na siyang nanonood niyon.

Bigla ay may nagflashback sa alaala niya, kasabay ng harurot ng mga sasakyan ay ang sigawan ng mga tao, nakita niya sa balintataw niya ang sarili na sumisigaw habang tinatawag ang pangalan ni Reed.

Sandali lang iyon pero matinding pagkirot ng ulo ang naranasan niya ng pigilan niya ang alaalang iyon.

Sinulyapan niya ang wrist watch, tumayo siya at lumabas ng sports arena.

Nagtext siya kay Dustin, she wants to see that man..

"Alam ba niya?" tanong ni Dustin, kilala naman niya kung sino ang tinutukoy nito.

FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold PrinceWhere stories live. Discover now