CHAPTER THIRTEEN

1.4K 25 0
                                    

Naalimpungatan si Eiren nang makarinig nang mahihinang boses at mga kaluskos mula sa kabilang silid, bumangon siya dahil sa kuryusidad, dinampot niya ang cellphone niya at sinulyapan kung anong oras na ng mga sandaling iyon, it was four in the morning.

Ibinulsa niya ang cellphone at naglakad palabas ng silid, sisilipin niya kung anong mayron sa silid ni Reed.

Baka gising na ang binata at ibang host men kaya nakakarinig siya ng ilang mahihinang boses at kaluskos.

Walang anumang binuksan niya ang pinto nang silid ng binata subalit ganon na lamang ang panggigilalas niya ng makita niyang may ibang babae itong kasama, she saw Eva in Reed's room! Aktong naihiga na nito ang binata sa kama, mukhang lasing si Reed at hindi nito alam ang ginagawa.

Kumulo ang dugo niya at nang usok ang ilong niya, sinasamantala nito ang kalasingan ni Reed para maangkin nito ang binata.

"What do you think you're doing?!" nanlilit ang mga mata niya sa galit, nagulat naman si Eva nang makita siya, mabilis itong humiwalay kay Reed at umayos nang tayo.

Nilapitan niya ito at amoy alak din ang babae. Ang ibig sabihin, magdamag nag inom ang dalawa at magkasama?!!! No! It can't be!

"Anong ginawa mo kay Reed?" asik niya, sinulyapan muna nito si Reed na halatang nag aagaw na ang antok at pagkalasing.

"Well, marami lang naman kaming napagkwentuhan." Nakangising sabi nito nang tumingin sa kanya, umahon lalo ang dugo niya sa ulo dahil sa panggigigil sa babae.

"How dare you?! H'wag mong malapit lapitan si Reed."

Tumaas ang isang kilay nito, "Bakit pag aari mo na ba si Reed?" tanong nito, saglit siyang natigilan pagkuwan ay nilabanan din niya ng pagtaas ng kilay ang babae.

"Oo! He's mine! Only mine! He is my fiancé. Isaksak mo yan sa kukote mo!" aniya, narinig niya ang pagak na pagtawa nito.

"Really? Kailan pa naging legal ang engagement ninyo? Don't tell me, pinanghahawakan mo ang pangako ni Reed noon sa'yo." Sarkastikong sabi nito, "Ilan taon ka nga ba noon? Limang taon? While Reed was twelve years old? What a child promises..."

Hindi naman siya nakapagsalita, paano nito nalaman ang mga bagay na iyon? Sinulyapan niya si Reed na tila mahimbing nang natutulog. Hindi nito alintana na may nagaganap nang komosyon sa pagitan nila ni Eva.

"Hoy Eiren! Gumising ka nga! Matagal na panahon na yun, h'wag kang estupida! Kung talagang may isip ka sana noon pa ay maayos ang relasyon ninyo ni Reed, hindi ka na dapat niya iniiwasan pa, hindi ka na dapat nagpapakahirap na bumuntot buntot sa kanya...dapat noon pa ay masaya na kayong dalawa." Anito habang taas noong nakatingin sa kanya, "Isaksak mo din sa kukote mo na hindi kayo para sa isa't isa." Dagdag nito na dinutdot pa ang noo niya.

Pinigilan niya ang mga luha niya, hindi niya kailangang magpaapekto kay Eva, alam niyang sinisiraan lang siya nito dahil alam niyang malaki rin ang pagkagusto nito kay Reed at isa pa, malaki ang galit nito sa kanya dahil sa minsan niyang pagsira sa date nito kay Reed ay nadisqualified din ito sa beauty contest na dapat ay kalahok ito.

She brushed off her fingers to her, matigas na tiningnan niya ito.

"Kahit anong sabihin mo, hinding hindi ko isusuko si Reed, ngayon pa na nararamdaman kong malapit na niyang sabihin sakin ang totoong nararamdaman niya. Na mahal din niya ako." Aniyang nakipagsukatan din ng tingin sa babae.

Muling tumawa ng pagak ang babae, "Really? kung ako sa'yo h'wag mo nang alamin pa ang katotohanan dahil tiyak na masasaktan ka lang, Eiren." Anito, nakuyom niya ang mga palad niya, ibig sabihin mas alam pa ng babaeng ito ang tunay na nararamdaman ni Reed para sa kanya? How unfair?! Bakit?!

FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold PrinceWhere stories live. Discover now