CHAPTER ONE

2.4K 39 0
                                    

Soeul, Korea..,at Park Mansion.

Mahigpit ang pagyakap ni Eiren sa throw pillow habang nakatutok ang mga mata niya sa malaking tv screen, nasa living room siya at nakaupo sa mahabang sofa, hindi siya natitinag sa puwesto niya nang magsimula ang pinapanood niya.

She was nervous at that moment, pakiramdam niya naroon din siya sa loob ng malawak na race track.

"Travis is leading the race..oh no! Morgan is in third now..he looks consistent in his place.." the sports announcer said.

Lalong dumoble ang kaba ni Eiren nang makita niyang hindi pa rin nagbabago sa puwesto ang car racer na sinusuportahan niya. Hindi pa rin nito malagpasan ang dalawang sasakyan na nasa unahan nito.

Pinagsalikop niya ang mga palad niya at ramdam niya ang matinding nerbyos nang dumating ang final lap, nasa pangalawang puwesto na ang pulang sportscar ni Reed.

"I know you can do it, you can win this Reed!" pagchi-cheer niya sa binata, naniniwala siyang mananalo ang binata.

Meanwhile at the third floor of the Park mansion, nabitawan ni Erika Park ang mamahaling bestida na hawak niya habang nakatapat siya sa malaking salamin nang makarinig nang malakas na tili mula sa ibaba ng mansion.

Naiiling na dinampot niya ang bestida na gagamitin niya para sa music award na gaganapin sa susunod na linggo.

"Here she goes again." Bulong niya na ibinalik niya sa built in closet ang bestida at akmang lalabas ng silid nang marinig niya ang boses ng kabiyak na kalalabas lang ng banyo.

"What's that scream hon? Is that Eiren?" Renzo asked her

"What else do you know? She's the only girl in this house who'd scream like that." Pagkasabi niya ay lumabas na siya ng silid nilang mag asawa at bumaba ng bahay.

Naabutan niya ang anak na nagtititili habang nagtatatalon pa sa saya.

"Eiren! What happened to you?" kunot noong tanong niya sa anak

"O'ma!"masayang bulalas nito pagkuwan ay mabilis na lumapit sa kanya at mahigpit na yumakap. "He won! Reed won the race!" masayang sabi nito

Naiiling na nagsalita siya, "You're acting like a fan."

Humiwalay si Eiren sa ina at nagsalita.

"Yes mom! I'm his biggest fan, tama lang naman na suportahan ko si Reed." Kinikilig na sabi niya, hindi naman umimik ang ina.

Niyakap muli niya ang throw pillow at muling tinitigan sa malaking tv screen ang mukha ni Reed habang iniiterview ang binata.

"This is for you bro! I know you would be happy to see me right now." sabi ni Reed habang hawak ang gold medal.

Napaisip siya sandali, May kapatid nga pala ito subalit hindi siya nabigyan nang pagkakataon na makilala niya ang kapatid nito noon.

Naagaw ang atensyon niya nang marinig niya ang tinig ni Carrie, ang personal assistant niya.

"Miss Eiren." Tawag nito sa kanya, "Here's your plane ticket." Anito na iniabot sa kanya ang ticket. Nagliwanag naman ang mukha niya.

"Thanks Carrie!" aniya, nagpaalam na rin kaagad ang babae.

"Para saan ang plane ticket na iyan?" her mom asked

"Mom, since my group was preparing our newest album, manager Kim gave us three months vacation." Nakangiting sabi niya, she was Eiren Park, she was the lead vocalist of the kpop group named Candy. Limang taon na rin ang girl group nila.

FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold PrinceWhere stories live. Discover now