CHAPTER SEVEN

1.5K 29 1
                                    

One week had passed, masayang masaya si Eiren dahil hindi niya inaasahan na magiging maganda ang pagbabakasyon niya at kasama pa niya palagi si Reed, ang akala niya noon na baka paalisin siya nito dahil ayaw nito sa presensya niya o dahil naiinis ito sa pagbuntot buntot niya pero nagkamali siya, unti unti kasing nagkakaroon nang magandang resulta ang pagiging makulit niya sa binata, kahit papaano ay nararamdaman na niya ito, nagagawa na nitong makipag usap sa kanya hindi katulad noon na para bang hindi siya nag eexist sa mundo kung itrato siya nito.

Kaya nga mas nagiging madali na para sa kanya na iparamdam dito na seryoso siya sa nararamdaman niya na hindi infatuation o puppy love lang ang pagtingin niya para sa binata.

Mula sa sala ay narinig ni Eiren ang pagbusina ng sasakyan, sa ilang araw na pagtira niya doon ay may mga natutunan siyang gawaing bahay katulad na lamang ng paglabas ng basura sa tuwing dadaan ang dump truck.

Mabilis na dinampot niya ang dalawang trash bag at lumabas ng bahay, ibinigay niya sa matandang lalaki ang basurang hawak.

"Thank you manong." Nakangiting sabi niya, nang makaalis na ang dump truck ay kumilos na siya para pumasok sa loob nang maagaw ang atensyon niya sa dalawang babaeng nasa gilid nang poste, hindi niya napansin iyon kanina palibhasa ay natatabingan ng malalagong halaman, curious na pinakinggan niyang mabuti ang pinag uusapan ng mga ito habang may tila kung anong sinisilip sa loob ng bahay.

"Ang gwapo talaga niya." sabi ng isa na kilig na kilig pa, sinang ayunan ito nang isa pang babae.

"Oo, ang macho pa!"

Lumapit na siya sa mga ito at nakapamaywang na nagsalita.

"And what do you think you're doing?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa mga ito, nang makita siya ay mabilis na nagsipulasan ang mga ito.

"Anong problema ng mga yun?" bulong niya na nagkibit balikat na lang, naku-curious siya sa pinaguusapan ng mga ito kaya sinilip niya kung anong makikita sa siwang ng mga halaman.

Ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya, katulad nang naramdaman niya noong unang makita niya ang binata na half naked ay ganon din ang nararamdaman niya ngayon.

Hinaplos niya ang mga pisngi, mainit iyon at sa tingin niya ay pulang pula iyon.

Nasa gym si Reed habang nagbubuhat nang mabigat na dumbbell, palibhasa ay salamin lang ang dingding nang gym room ng binata ay malaya itong mapagmamasdan ng mga taong dumadaan.

Sunod sunod siyang napalunok, ang nakakaakit sa mga mata niya ay kung paano nag aalsahan ang mga muscles nito, his pigeon chest and firm muscles at his arms looks so strong.

Nayakap niya ang sarili nang maimagine niyang nakayakap siya sa matipunong katawan nito.

Saglit pa siyang nakatayo roon at nakasilip kay Reed nang tigilan na niya ang paged-day dream, kumilos na siya para pumasok ng bahay baka may makakita pa sa kanya at isipan pang nababaliw na siya.

May magandang ideyang pumasok sa isip ni Eiren nang mga sandaling iyon, sa ganong paraan ay mas masisilayan niya si Reed.

Suot ang sporty bra, short at rubber shoes ay pumasok siya sa gym room kung nasaan ang binata, binuksan niya ang cd player at pumailanlang ang favorite song niyang 'It Girl', tamang tama iyon sa paggi-gym niya para lalo siyang ganahan.

Kasabay nang pagtunog ng mp3 player ay napasulyap sa kanya ang binata, saglit siya nitong tiningnan mula ulo hanggang paa pagkuwan ay kumunot ang noo.

"What are you doing?" he asked in serious tone, kaswal na naglakad siya palapit sa tread mill.

"Running." Maikling sagot niya at binuksan ang aparato, tumuntong siya roon at nagsimula nang tumakbo, nasa tapat siya ng glass wall kaya kitang kita niya ang mga taong dumadaan doon, wala siyang pakealam sa mga lalaking napapalingon sa kanya at kumakaway sa tuwing napapatigil at pinapanood siya ng mga ito.

FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold PrinceWhere stories live. Discover now