CHAPTER TWENTY TWO

1.6K 32 0
                                    

"Eiren, I'm Reed...the Reed you used to know..that boy who'd promise to marry you.." sabi nito, para naman siyang mababaliw sa sinabi nito, lalo siyang nalito..paanong magiging si Reed ito samantalang napakalayo ng mukha nito sa batang Reed at sa totoong Reed ngayon.

"I don't understand..paanong ikaw ang batang iyon? Si Reed ang nangako sa'kin at malayong malayo ang hitsura ninyo sa isa't isa." nakuha pa niyang itanong, umiling ito.

"I think it's time for you to know about the truth." Anito habang nakatingin sa mga mata niya, nangunot naman ang noo niya.

"Truth about what?"

Tumalikod ito sa kanya at humarap sa garden, "My life as a kid was really dark and dull, I was born with congenital heart desease, my heart can't function normally, kaya hindi ako naging normal na bata, I never had playmates, I never had classmates...hindi ako maaaring lumabas ng bahay kaya madalas lang na nasa bahay ako, nakakalabas lang ako kapag pupunta kami sa hospital..Lavender Garden in our rooftop house was my favorite place. Sa lugar na iyon pakiramdam ko kasi normal akong bata, hindi ko naiisip ang sakit ko sa tuwing pagmamasdan ko ang lavender flowers..they could ease my loneliness." Anito habang nakatingin sa lavender garden, animo may nakalatag lang na malaking kulay ubeng blanket.

"My parents protected me from my cursed, yeah, I thought I was cursed. I thought my condition was made by evil...Gustong gusto kong maglaro sa labas ng bahay kasama ang kapatid ko pero hindi nila ako pinapayagan..But I never hated my family, I love them..I love my brother..yeah, my twin brother..."

She was sad by knowing Dustin didn't used to be a normal kid at the same time, shocked when she heard that he had a twin brother.

"Erl was my bestfriend, my buddy...Mas matigas nga lang ang ulo niya at pasaway pero alam ko kung gaano niya ako kamahal." Nakita niya ang kasiyahan sa mukha nito habang nagbabaliktanaw. Tumingin ito sa kanya. "Eiren, I had twin brother, siya ang Reed na kilala mo ngayon pero ang Reed na nangako sa'yo noon walang iba kundi ako." Anito

"Kung kakambal mo nga siya, bakit nag iba ang mukha mo?" nalilito pa ring tanong niya kahit na ang mga kulay ng mga mata ng mga ito ang nagpapatunay na magkakambal nga ang dalawa subalit gusto pa rin niyang malaman.

Natutop niya ang bibig ng sabihin nito sa kanya ang lahat. Nagimbal siya sa mga narinig niya...wala siyang nagawa kundi umiyak na lang.

Naramdaman niya ang paglapit nito at ang mahigpit na pagyakap.

"Eiren...bumalik ako para tuparin ang mga pangako ko sa'yo." Anito habang masuyo nitong hinahaplos ang buhok niya.

"Dustin..." anas niya sa pagitan ng pagluha niya

"It's Carl..Carl Reed..." anito

Meanwhile, at the dark side of the Lavender Garden..halos matumba sa kinatatayuan si Reed, hindi na rin niya napigilan ang emosyon niya, he was crying..crying with what he discovered.

Kaya ba pareho sila ng birthdate, pati na rin ng blood type at kulay ng mga mata? Because Dustin is my twin brother Carl...

Tumalikod siya nang makita niyang dumaan sa harapan niya sina Eiren at Dustin, no it was his twin brother, it was Carl.

Hindi niya alam kung ano bang emosyon ang nararamdaman niya.

Kanina nang makarecieve siya ng text mula kay Dustin na magtatapat na ito kay Eiren ay halos gusto niyang suntukin ito sa mukha, bakit ngayon pa? bakit kung kailan magpo-propose na rin siya kay Eiren? Napakalaking hadlang talaga ng lalaking iyon, iyon ang iniisip niya kanina.

Kaya napasugod siya sa lugar na iyon..pero iba na ang naging pakiramdam niya nang mabasa niya ang pangalan ng resort na pagmamay ari nito, Lavender Garden.

FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold PrinceWhere stories live. Discover now