CHAPTER THREE

1.5K 29 0
                                    

Habang nakaupo sa harap nang hapagkainan ay matamang tinitingnan ni Eiren ang bawat kilos ng binata, sa ganoong paraan ay masayang masaya na siya, minsan lang kasi mangyari ang bagay na iyon.

Reed is preparing food for her dinner, alam niyang marunong magluto ang binata subalit first time lang niyang nakita na nagluluto ito para sa kanya.

"Wow! I really love pasta!" masayang bulalas niya, "Lalo na at niluto mo."

Hindi naman umimik ang binata, kahit na medyo napaalat ang timpla ng binata ay nakangiting pinuri pa rin niya ito.

"Ang sarap!" aniya, narinig lang niyang nagbuntong hininga ang binata.

Hindi nagtagal ay kumakain na sila pareho, hindi siya pumayag na hindi siya saluhan nito sa pagkain na niluto nito.

Habang nasa hapagkainan ay tahimik lang ito kaya hindi na niya natiis ang sarili, likas sa kanya ang pagiging palakwento at madaldal kaya kahit na ramdam niya ang malamig na pakikitungo nito sa kanya ay nagsalita pa rin siya.

"Candy will be having a concert benefits for the victim of the super typhoon, and you know what? Ako ang nagsuggest kay manager Kim na magsagawa kami ng ganong concerts." Pagkukwento niya, "Nainspire kasi ako ng sobra sa ginawa ninyong Music with benefits para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo, Flower Boys are really amazing! Hindi lang educational assistance and scholarships ang naitutulong ninyo sa mga public colleges dito sa bansa, gumagawa rin kayo ng paraan para makapagbigay ng cash money for the people in needs." Patuloy niya, "Ang sabi ni kuya Einar, Flower Boys are planning to give support in public hospitals, is that true?" tanong niya sa binata.

Nasa pagkain pa rin ang atensyon nito, tila wala itong balak na sumagot kaya tumikhim siya.

"Kanina pa ako nagsasalita dito." Nakalabing sabi niya, saglit itong sumulyap sa kanya pagkuwan ay bumuntong hininga.

"Yeah, host men are planning to give medicines and some special devices for the public hospitals in our various towns and provinces, lalo na doon sa hindi masyadong naaabot ng tulong ng government." anito na halatang napilitan lang na sumagot.

Ngumiti siya, kahit papaano ay sinagot nito ang tanong niya, "I'm so proud of the host men. They're so kind and down to earth." Komento niya, "I'm so happy that you are a member of the Flower Boys Host Club, Reed." Masayang sabi niya, hindi naman ito nagsalita.

"By the way, sino si Maddie sa buhay mo?" tanong niya kapagkuwan, tumingin ito sa kanya.

"Does it matter?"

"Of course! Kailangan kong malaman kung sino-sino ang mga babaeng nakapaligid sa'yo, I'll warn them to keep away from you." Aniya, nagpantay na naman ang mga kilay nito.

"Stop doing this." May pagbabanta sa tingin nito.

"And why not? I'm your fiancée." aniya

Marahas itong bumuntong hininga, nagpatuloy lang itong kumain.

"Bakit ba ang cold mo sa'kin?" nakalabing tanong niya sa binata, tumingin ito sa kanya.

Nagulat siya nang makitang kumilos ang kamay nito pero mas nagulat siya nang walang anumang hinaplos ng daliri nito ang mga labi niya.

Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ito, tila hindi nito iyon sinasadya.

"Ang amos mo kasing kumain." Sabi nito na tumayo na lang bigla.

"Wait, hindi ka pa tapos kumain?" takang tanong niya sa binata.

Hindi ito sumagot, naglakad ito at lumabas nang kusina.

FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold PrinceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt