CHAPTER EIGHTEEN

1.5K 26 0
                                    

"Excuse me, you're in my way." Ani Eiren sa lalaking nakaharang sa daraanan niya, seryosong tumingin ito sa kanya.

"And where are you going?" tanong ni Reed, simula nang gabing nagalit ito ay pinilit niya itong iwasan subalit napapansin niyang nagiging makulit ang binata at daig pa si Hitler kung bumatas sa kanya sa bahay na iyon, palagi itong nakatanong ng kung saan siya pupunta o kung anong gagawin niya kaya naman lalo niya itong kinaiinisan.

"Date with Dustin." Nakataas ang noong saad niya, gusto niyang ipaalam dito na hindi siya nito kayang pigilan.

Pero imbis na magreact ito ay binigyan pa siya nito ng daan, nagtataka tuloy siya sa binata.

Weird...he is weird...aniya habang naglalakad palabas ng bahay.

Nang may dumaan na taxi ay kaagad niya iyong pinara.

"Mister, sa Garden suite ako." Aniya sa driver ng taxi, doon sila magkikita ng binata.

"Sige." Sabi nito.

Sinulyapan niya ang cellphone niya, may sampung minuto pa naman siya para makarating sa date nila ni Dustin subalit hindi pa sila nakakalabas ng hi-way ay bigla na lamang tumigil ang taxi.

"Anong problema?" tanong niya nang tumigil sa gilid ng kalsada ang sasakyan

"Sandali lang, iche-check ko lang ang battery ng sasakyan ko, baka tumirik tayo eh." Anito pagkuwan ay lumabas.

Makalipas ang tatlong minuto ay binuksan niya ang bintana at tinawag ang driver.

"Have you done fixing your car manong?" tanong niya sa lalaki, doon lang niya napansin na nakashades ang lalaki kahit gabing gabi na, naka baseball cap ito at nakajacket na itim, kung titingnan niya mukhang hindi ito taxi driver kundi isang matikas na modelo.

Wait a minute! He looks familiar?

"Manong!" tawag muli niya subalit hindi ito lumilingon, napansin niya ang head set na nakasalpak sa tainga nito.

Bumaba na siya at akmang lalapitan ang lalaki nang kung saan ay may narinig siyang boses.

"Watch out!" mula sa ilalim ng manhole, isang tubo ng tubig ang inaayos ng ilang construction workers, bago pa niya iwasan iyon ay naitulak na siya ng malakas na tubig na galing sa nabutas na tubo.

Kasabay ng pagtili niya ay bumagsak siya sa putikan, mabuti na lamang at hindi gaanong matao sa lugar na iyon kundi ang mga ito lamang ang nakakita sa nakakahiyang eksenang iyon.

"Kaasar naman!" gigil na sabi niya nang suyurin niya ang sarili niya at nakita niyang basang basa siya at naputikan pa ang suot niyang puting bestida.

"Okay ka lang ba miss?" sabi ng isang lalaki

"Sa tingin mo okay lang ako?" asik niya dito, narinig niya ang mahinang bungisngisan ng mga ito. "Laugh until you die!!!" gigil na sabi niya sa mga ito pero lalo lang nagtawanan ang mga ito.

"Mga bwusit!" pikong sabi niya.

She check the time again but to her dismay her phone was black out, mukhang napasukan din ito ng tubig

"Kainis..." gigil na nakuyom niya ang cellphone at akmang maglalakad na ng magsalita ang lalaking taxi driver.

"Saan ka pupunta? Maaayos na itong sasakyan ko." anito, binalingan niya ito.

"Ipa-junk shop mo na yang bulok mong sasakyan! Peste!" hindi na niya napigilan na ilabas ang matinding inis. Nagkibit balikat na lang ang lalaki at naglakad na siya pabalik sa bahay.

FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold PrinceWhere stories live. Discover now