CHAPTER NINE

1.5K 31 0
                                    

"Trevor!" masayang pagsalubong ni Eiren sa binata sabay yakap dito nang pagbuksan niya ito ng gate, alas otso pa lang ng umaga at napakaaga ng pagbisita nito, ginantihan naman siya nito ng pagyakap din.

"Hey, you look happy?" he asked her, she grinned at him.

Nakita naman niya na nagbabaan sa itim na van ang ilang host men, nagtaka siya kung bakit naroon ang mga ito.

"What's brought you here Kaichou?" kunot noong tanong niya nang lumapit si Yuan, kagagaling lang nito mula sa Japan.

"It's my birthday." Nakangiting sabi nito, napaawang naman ang labi niya.

"Really? Omedetto otanjoubi Yuan!" masayang bati niya sa lenggwahe nito pagkuwan ay niyakap ang lalaki.

"Arigatou ne." he thanked her and hug her back. "Where's Reed?" tanong nito kapagkuwan

"Tulog pa siguro." Aniya na tinuro ang bintana sa ikalawang palapag, sarado pa ang bintana ng silid nito kaya natitiyak niyang mahimbing pa itong natutulog.

"Can we come in?" he asked, tumango siya, habang papasok ang mga ito ay sumabay siya kay Hunter. Humawak siya sa braso nito.

"Hey, galit ka pa rin ba sa'kin?" tanong niya na ang tinutukoy niya ay ang pagsama rito sa kalokohan niya, sinulyapan pa muna siya nito na walang ekspresyon ang mukha pagkuwan ay ginulo ang buhok niya.

"You're bratty and stubborn but you're still sweet and nice girl, at isa pa nakababatang kapatid na rin ang turing ko sa'yo kaya hindi ko magagawang magalit sa'yo." His red lip lifted.

Natuwa naman siya sa sinabi nito, nakaakbay na ito ng pumasok sa loob ng bahay.

Habang nag uusap si Reed at ang buong host men ay nakikinig lang sa likod ng divider si Eiren, curious siya sa pinag uusapan ng mga ito, mabuti na lang at malakas ang pandinig niya kaya naririnig niya ang lahat.

"Batanes?" bulalas ni Reed na para bang nakakita ng multo ang hitsura.

"Yes, my family owns an ancestral house in Batanes so I decided to celebrate my birthday in that place and I think we need a short vacation since lahat tayo ay naging abala sa mga nakaraang buwan." Sabi ni Yuan, "Susunod daw si Einar, sa makalawa na ang dating niya, Vash and Tanner can't go, there's still an eye operation for Vash and event preparation for Tanner's art gallery." Anito

Napansin naman niyang tila may kakaiba kay Reed, parang hindi ito napakali ng malaman na sa Batanes ang celebration ng birthday ni Yuan.

"Okay ka lang ba Reed?" tanong naman ni Kaizer ng mapansin din nito ang napansin niya.

"Oo nga, may dinaramdam ka ba? Baka may sakit ka?" wika ni Jared

"Baka hindi lang maganda ang gising ni Reed." Biro ni Trevor

"Kung hindi ka sasama, okay lang naman." Ani Yuan, "Ngayon din kasi ang alis natin, We will use my private airplane to get there." Dagdag ng binata.

Naalarma naman si Eiren, gusto niyang sumama sila ni Reed, tamang tama iyon para makasama niya sa isang magandang lugar ang binata. Hindi pwedeng tumanggi si Reed, magandang lugar iyon para sa magandang memories na bubuuin nila ni Reed, dahil sa lugar na iyon ay natitiyak niyang aamin ang binata sa nararamdaman nito para sa kanya.

Mabilis na lumabas siya sa kinukublian niya at sumingit sa usapan ng mga ito, tumikhim muna siya upang agawin ang atensyon ng mga ito, nagtagumpay naman siya kaya sa kanya na nakatingin ang mga ito.

Lumapit siya kay Reed at naupo sa tabi nito, "Sorry to interrupt but it's Yuan's birthday, palalagpasin mo ba ang importanteng araw ng isa sa mga kaibigan mo? And I heard Batanes is a beautiful place, mukhang masarap ngang magbakasyon don." Aniya, hindi ito nagsalita, hinawakan niya ito sa braso at muling nagsalita, "Sige na, pumayag ka na, malalayo ako kay Ruki kapag sumama tayo." Nakangiting sabi niya, tumingin naman sa kanya ang binata, nakita niyang may gusto itong sabihin subalit nagbuntong hininga na lang ito.

FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon