CHAPTER SIXTEEN

1.6K 26 0
                                    

Lulan nang sasakyan ay ilang beses na sinulyapan ni Eiren ang lalaking may matitiim na titig, tahimik itong nagda-drive pauwi sa bahay nito.

Hindi niya maintindihan kung bakit dito siya sumama at hindi sa kuya Einar niya, ang sabi nito ay nasa bahay nito ang mga gamit niya dahil sa lugar nito siya nagbabakasyon.

Pakiramdam din niya ay pinagkaisahan siya kanina ng host men, kung bakit kasi hindi niya maalala kung sino si Reed sa buhay niya.

Ang sabi lang nina Trevor sa kanya ay malapit sa puso niya si Reed pero sa tingin niya ay malabong mangyari iyon, pakiramdam kasi niya hindi niya magugustuhan ang lalaki dahil napaka cold nito, mukha itong suplado at mahirap kausapin, at habang tinitingnan niya ito ngayon ay hindi nga siya nagkakamali.

"May problema ba?" seryosong tanong nito na dagling sumulyap sa kanya, mabilis tuloy niyang binawi ang tingin at namintana na lang.

She pouted, ni hindi niya nakikitang ngumiti ito.

"Naalala ko lang kasi kahapon, may gusto ka sanang sabihin sa'kin, hindi ba?" aniya, "You look upset yesterday..sorry, hindi kita marecognize sa utak ko kaya hindi na natuloy pa yung mga sasabihin mo." patuloy niya, napansin niyang tila kumulimlim ang mukha nito.

"Ano nga ulit yung sasabihin mo?" tanong niya, he sighed.

"Saka na sa tamang panahon." Sagot nito, nagkibit balikat siya

Maya maya ay tumahimik muli sa loob ng sasakyan kaya hindi na siya nakatiis ulit na magsalita.

"May girlfriend ka ba Reed?" tanong niya, she wants to make a conversation with him, baka may maalala siya tungkol dito, muli ay dagling sulyap ang ginawa nito pagkuwan ay sa pagmamaneho na ulit ang atensyon nito.

"I don't have girlfriend." Sagot nito, hindi naman siya naniwala.

"Really? As in? Bakit wala ka pang girlfriend?" gulat na tanong niya

Nagkibit balikat lang ito.

"Do you have a girl you like?" tanong niya, matagal din bago ito nagsalita.

"Yes." He said, saglit siyang natigilan pakiramdam kasi niya ay naapektuhan ang isang bahagi ng pagkatao niya. weird...

"Really? Is she pretty?" she asked, naku-curious siya sa babaeng nagugustuhan nito.

Tumingin ito sa kanya, "She's the most beautiful girl in the world." He said.

Hindi na umimik pa si Eiren, she felt sad with no specific reasons.

Why do I feel so sad if there's nothing to be sad at all? Oh Eiren, you're so weird...

Kanina pa tinititigan ni Reed ang mga litrato ni Eiren sa cellphone na pag aari nito, balak na sana niya iyong ibigay sa dalaga noong isang araw subalit hindi na niya iyon naisauli pa.

Ramdam niya ang malaking pagbabago kay Eiren dala ng naging epekto sa pagkakabagok ng ulo nito matapos mahulog sa bangin.

Hindi na rin tuloy niya naipagtapat dito ang lahat pati ang totoong nararamdaman niya pero hindi naman siya susuko kaagad, maghihintay siya hanggang sa manumbalik ang mga alaala nito.

Gagawin din niya ang lahat upang maalala siya ng dalaga, masakit sa kanya na sa dinami dami ng mabubura sa alaala nito bakit siya pa? Pero sa kabilang banda naman ay wala naman siyang karapatang magreklamo dahil kasalanan din naman niya iyon.

Malungkot lang siya dahil umabot sa ganon ang lahat, kinamuhian siya nito dahil sa kaduwagan niya, nilihim niya ang lahat, niloko niya ito.

Nagbuntong hininga siya at ipinatong sa bed side table ang cellphone ng dalaga pagkuwan ay bumaba ng bahay, kahapon pa sila nakauwi galing Batanes.

FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold PrinceWhere stories live. Discover now