CHAPTER FOURTEEN

1.4K 29 0
                                    

"Hinanap na namin sa mga kalapit na rest house..wala talaga si Eiren." Sabi ni Jared kasama nito si Kaizer.

"Nagtanong tanong na kami sa mga life guards na nakaduty pero hindi nila napansin si Eiren." Sabi naman ni Trevor kasama nitong naghanap si Hunter.

Nakuyom niya ang mga palad, kasalanan niya iyon kung bakit hindi pa rin bumabalik si Eiren, alam niyang masama pa rin ang loob nito sa kanya.

"Hindi pa bumabalik sina Xien at Sky, baka may magandang balita sila sa pagbabalik nila." Sabi ni Yuan pagkuwan ay tinapik siya sa balikat, nagpunta na sila sa brgy. Hall at humingi ng tulong upang hanapin si Eiren, ala una na ng hapon pero wala pa rin doon si Eiren.

Nasa ancestral house na sila at nakakailang minuto pa lang na nakakaupo ay muli na naman siyang tumayo, wala pa rin sina Xien at Sky, kahit na tila tinutusok ang sintido niya dahil wala pa siyang tulog at dahil sa nainom na alak ay hindi niya iyon ininda, walang laban ang sakit ng ulo niya kumpara sa kumikirot niyang puso dahil sa mga nangyari.

Hindi rin niya kayang magpahinga nang hindi pa niya nahahanap si Eiren.

"Reed, kumain ka muna ng tanghalian." Nag aalalang sabi ni Jared, umiling siya.

"Kailangan ko siyang hanapin." Aniya, "Kasalanan ko kung bakit umabot sa ganito ang lahat...hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Eiren." Aniya, pagharap naman niya sa pintuan ay natigilan siya.

"What do you mean Reed? Where's my sister?" kunot noong tanong ni Einar nang bumungad sa may pinto, mabilis na nagsilapitan ang mga kaibigan niya at pumagitna sa kanila ni Einar.

"Damn! Where's my sister Reed?!" tiim bagang na tanong ni Einar, nararamdaman nitong may hindi magandang nangyayari.

Hindi siya kumibo, paano ba niya sasabihin kay Einar ang lahat, alam nito ang tungkol sa kakambal niya pero hindi nito alam na hindi siya ang batang nangako noon sa kapatid nito, kundi ang kakambal mismo niya, paano niya sasabihin dito na mahal niya ang kapatid nito pero nagawa na niyang lokohin ito. Paano pa magtitiwala sa kanya ang kaibigan niya?

Hindi pa rin siya kumikibo kaya nakalapit na sa kanya ang lalaki at bigla na lamang siyang sinuntok sa mukha.

"Reed...magsalita ka! Nasaan ang kapatid ko?" galit nang tanong nito, hindi na siya nagtaka kung kanino nagmana si Eiren.

Mabilis naman itong pinigilan nina Hunter at Trevor, pumagitna naman sina Jared at Kaizer.

"Relax Einar...Relax.." sabi ni Hunter na sinusubukang papaghinahon ang kaibigan.

"Paano ako magrerelax kung alam kong may problema palang naghihintay sa'kin dito? Tapos ang kapatid ko pa pala ang involve." Asik nito, saglit niyang hinimas ang pangang sinuntok nito. Masakit man iyon sa panga pero iyon lang ang nararapat sa kanya, kulang pa nga iyon kumpara sa mga nagawa niya.

Hinawi niya sina Jared at Kaizer na nasa harapan niya, lumapit siya kay Einar at tumingin sa mga mata nito.

"Later, I'll tell you everything Einar." Aniya pagkasabi ay mabilis siyang lumabas nang ancestral house upang hanapin si Eiren.

Malayo layo na ang nalalakad niya at nakita na niya mula sa di kalayuan sina Xien at Sky, pabalik na ito sa ancestral house.

Nang tuluyang makalapit ang mga ito sa kanya ay kaagad niyang tinanong ang mga ito.

"Anong balita?"

"May nakapansin kay Eiren na pumasok sa forestry." Ani Xien na tinuro ang mapunong lugar.

FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold PrinceWhere stories live. Discover now