CHAPTER TEN

1.5K 26 1
                                    

"What is she doing here?" salubong ang mga kilay na tanong niya kina Hunter pero sa babae siya nakatingin, "What are you doing here?" hindi na niya hinintay ang sagot ng mga ito kaya ang babae na ang nilapitan at hinarap niya pero ganon na lamang ang pag usok ng ilong niya ng lagpasan lang siya nito at lapitan si Reed.

"Hi Reed!" bati nito sa binata.

"Eva?" Reed said, nakuyom naman niya ang mga palad niya.

"How coincidence, nandito ka rin pala." anito, "Nasa kabilang rest house lang kami kasama ng ibang mga kaibigan ko, we're having a party gathering there." Anito na tinuro ang nagkakasiyahan sa di kalayuan.

Kumapit ito sa braso ni Reed at muling nagsalita, "You're handsome man then but you look more gorgeous hunk now." Eva commented while looking at Reed.

It's obvious! She's flirting with him....

"Aba't sinusubukan niya talaga ako.." inis na bulong niya na akmang susugurin ang babae nang pigilan siya nina Trevor at Hunter sa magkabilang braso.

Kunot noong tiningnan naman niya ang dalawang lalaki, "What are you doing? Let me go." asik niya sa mga ito.

Tumingin sa kanya si Eva, "Hindi ka pa rin nagbago Eiren." Nakangiting sabi nito sa kanya

"Yeah, I'm still beautiful than you." Sarkastikong sabi niya, obvious naman na napikon ang babae sa kanya.

"Well, aalis na rin ako." Anito, tumaas ang isang kilay niya

"Mabuti pa nga nang luminis naman ang hangin na hinihingahan namin." Pang aasar pa niya, inis na inirapan siya ng babae, bumaling ito kay Reed.

"Bye Reed." Anito, nanlaki ang mga mata niya ng lumapit ito sa binata at tila may ibinulong, lalong kumulo ang dugo niya.

"Bye boys." Paalam nito kina Trevor pagkuwan ay bumaling sa kanya. "Bye Eiren." Anito na halata namang pakitang tao lang.

"Flirt." Inis na bulong niya at inungusan ang babae, nang maglakad na ito palayo ay doon lang siya binitawan ng dalawa, inis na binalingan niya ang dalawang lalaki.

"Bakit ninyo ako pinigilan? Dapat ay nahubaran ko na ang babaeng yun." Inis na sabi niya

"Ha? Ganon ba ang gagawin mo? Sana ay sinabi mo sa'kin ng mas maaga." Ani Hunter, umani naman ito ng batok kina Trevor at Jared.

"Loko ka talaga!" naiiling na komento ni Jared

"Bakit ba kasama ninyo ang babaeng iyon?" tanong niya

"Naghanap kami ng tuyong sanga para sa bonfire at nadaanan namin ang party na yun, nakilala kami ni Eva kaya sumama siya." Paliwanag ni Trevor.

"Sana sinabi ninyong hindi ninyo kasama si Reed." Nakalabing wika niya sa mga ito.

"Sorry, ako ang may kasalanan." Pag amin ni Jared, nagbuntong hininga siya, hindi talaga nito magawang magsinungaling.

Binalingan niya si Reed, nakita niyang nakapasok na ito sa loob ng bahay, susundan sana niya ito ng pigilan siya ni Trevor.

"Mukhang may problema ang isang iyon." anito, "He needs to be alone."

Hindi na siya nagmatigas pa, hindi lang pala siya ang nakakapansin niyon kundi pati na rin ang mga kaibigan nito.

"Nitong mga huling araw, napapansin ko ang pagkatamlay ni Reed." Komento ni Hunter, "Hindi kaya dinapuan na rin siya ng nakamamatay na sakit na yun." Dagdag pa nito, para namang pinagbagsakan ng langit at lupa si Eiren nang marinig niya ang sinabi ni Hunter

FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold PrinceWhere stories live. Discover now