CHAPTER SIX

1.5K 33 0
                                    

Nang sumara ang pinto nang silid ni Reed ay nahimas niya ang sintido niya pagkuwan ay tinitigan ang hawak niya, lavender garden...damn! I tried to forget that place...everything in his past...Humigpit ang pagkakahawak niya doon.

"Bakit ba paulit ulit niyang ipinapaalala sa'kin ang nakaraang yun?" lumapit siya sa bedside table, binuksan ang drawer at inilagay doon ang milk candy.

Natigilan siya nang bumungad sa paningin niya ang lumang litratong naroon, kinuha niya iyon at tinitigan, mababakas ang kasiyahan ng dalawang batang naroon sa litrato, walang katumbas na halaga ang ngiti ng limang taong batang babae habang namimitas ng lavender flower kasama ng batang lalaki na labing dalawang taon ang edad.

Sariwa pa sa alaala niya ang lahat ng nangyari nang araw na iyon, they were so happy while giving their promises to each other.

Bigla ay sumingit sa balintataw niya ang aksidenteng iyon...mabilis niyang binitawan ang litrato at isinara iyon, hindi pa siya nakuntento kaya nilock pa niya iyon.

Kaya ayaw niyang alalahanin pa ang nakaraan dahil bumabalik ang masamang bangungot sa buhay niya, kaya pinipilit niyang umiwas kay Eiren dahil ito ang nagpapaalala ng nakaraan niyang ayaw na niyang balikan pa.

"Damn!"

"What are you doing?" narinig ni Eiren na tanong mula sa unang baitang nang hagdanan, nasa sofa siya habang nakahiga, naboboring siya sa loob ng bahay nito kaya wala siyang magawa kundi tumitig sa kisame habang nakikipagtitigan sa butiki.

Ayaw naman niyang umalis nang bahay dahil naroon lang din si Reed, gusto niya itong makasama kahit na ba hindi ito lumalabas ng bahay simula pa kaninang umaga.

Bumangon siya at napansin niyang nakabihis ito, "Saan ka pupunta?" takang tanong niya

"Wala nang stocks sa fridge kaya kailangan ko nang mag grocery." Anito na naglalakad na palabas nang pinto, tuluyan na siyang bumangon at mabilis na sumunod dito.

"Sasama ako." Aniya, tumigil ito at tumingin sa kanya.

"Dito ka na lang." walang anomang ekspresyon na mababakas sa gwapong mukha nito, nakalabing umiling siya

"Ayoko, kapag nagtagal pa akong nakipagtitigan sa butiki sa kisame baka masiraan na ako ng ulo." Aniya, "Promise, hindi ako gagawa nang kalokohan." Itinaas pa niya ang isang kamay tanda nang nangangako.

Nagbuntong hininga ito, "Okay pero sasama ka ng ganyan ang ayos?" tanong nito, sinulyapan naman niya ang sarili, palibhasa nasa bahay lang kaya nakasuot lang siya nang kulay itim na loose tshirt na hello kitty ang printed, puting shorts at kulay pulang sneakers, nakalugay lang ang hanggang baywang niyang pulang buhok.

"Wala namang masama sa suot ko.." nakalabing sabi niya, "Ah! Kukunin ko lang yung bag ko." Nakangiting sabi niya at mabilis na umakyat sa silid niya.

Maya maya ay lulan na sila ng sasakyan nito, tahimik na sinulyapan niya ang binata, seryoso pa rin itong nakatutok sa pagmamaneho.

Napansin siguro nito na kanina pa siya nakatitig kaya sumulyap ito sa kanya, isang matamis na ngiti ang ibinigay niya dito, saglit itong natigilan pagkuwan ay dagli rin nitong binawi ang tingin sa kanya.

"Bakit ba dito mo piniling magbakasyon? Mas madaming magagandang lugar na puntahan kaysa dito." Narinig niyang tanong nito ngunit sa pagmamaneho pa rin ang atensyon.

"Because you're here." Walang gatol na sagot niya, muli itong tumingin sa kanya, this time ay seryoso na siyang nakatitig sa mukha nito. "There's no beautiful place than being with the one you love."

FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold PrinceWhere stories live. Discover now