CHAPTER ELEVEN

1.4K 27 0
                                    

"Guys, where are you going?" tanong ni Eiren nang makita niyang bumababa ng bahay ang ibang host men, nakatayo na siya sa tapat ng terrace, katatapos lang niyang magreminisce ng isa sa pinakamasayang araw niya.

"We're going there." Sabi ni Sky na tumigil at itinuro ang light house

"May I go?" she said

"Sure. Yun yacht ni Yuan naman ang gagamitin natin." Anito habang nagsusuot ng sweater

"Okay, sasama din ba si Reed?" tanong niya, hindi kasi niya nakitang kasama ng mga ito si Reed, umiling ito.

"Niyaya na namin kaya lang ayaw niya, mukhang masama ang pakiramdam." Anito, kanina pa siya nakapagpahinga, wala pa rin ba siya sa mood?

"Sandali lang, hintayin ninyo ako." Aniya

"Okay."

Mabilis na tinungo niya ang silid ni Reed, hindi na siya kumatok at basta na lamang pumasok sa silid ng binata, nakita niyang nakatayo ito sa tapat ng bintana at nakatanaw sa malayo.

"Reed..." tawag niya rito, sinulyapan siya nito, lumapit siya sa binata.

"They're going to that place." tinuro niya ang light house mula sa bintana, "Sasama ako, gusto mo rin bang sumama?" tanong niya, nang sundan nito ang tinuro niya hindi niya tiyak kung tama ba ang nakita niyang pait na bumalatay sa mukha nito.

Dumating na ang kinatatakutan ni Reed, ang bumalik lahat ang masamang bangungot sa nakaraan niya, nagsisisi siya kung bakit siya sumama sa lugar na iyon. Alam niyang nag aalala ang mga kaibigan niya pati na rin si Eiren sa ikinikilos niya, walang nakakaalam ng nakaraan niya kundi ang pamilya lang niya.

Nang mawala at mamatay sa lugar na iyon ang kapatid niya, hindi man lang siya sinisi ng mga magulang niya, umiyak lang ang mga ito habang yakap siya.

Flashback....

"Oh God! Reed!" salubong na hiyaw ng kanyang ina mula sa sinakyan niyang motor boat, nakita niya na halos takbuhin siya ng mga magulang niya, umiiyak pati ang daddy niya. Karga siya ng isang lalaki at nang makalapit ang daddy niya ay mabilis siyang kinuha nito mula sa bisig ng lalaki, mahigpit siyang niyakap ng mga magulang niya habang umiiyak.

Pinupog siya ng halik at mahigpit na yakap ng mga ito, nakatulala lang siya at hindi umiiyak, ilang oras din siyang palutang lutang sa dagat, salamat sa suot niyang life vest kaya hindi siya nalunod, naubos na ang mga luha niya kanina at kahit na punong puno ng pighati ang puso niya ay hindi na niya kayang ilabas ang nararamdaman niya, tila napagod hindi lang katawan niya kundi pati ang isip at puso niya.

"Where's my other son?" his dad ask

"I'm sorry Mr. Morgan, patay na po ang isang anak ninyo, nasunog ang Bangka at lumubog iyon." Sabi ng lalaki, narinig niya ang mas malakas na iyak ng mommy niya habang yakap yakap siya. "Ito lang ang nakita namin." Dagdag nito, ibinigay nito sa daddy niya ang isang kulay asul na damit at life vest, kalahati niyon ay nasunog ng apoy.

"No!" halos lumabas ang litid ng kanyang ama dahil sa masamang balitang narinig, lumapit ito sa kanya, akala niya ay magagalit ito sa kanya subalit umiiyak na niyakap lang siya nito at nagsalita.

"Erl, I'm sorry your buddy was gone now." He said, doon lang siya umiyak, bakit ito pa ang humihingi ng sorry sa kanya? Kasalanan niya kaya dapat lang na magalit ang mga ito sa kanya, mahal na mahal sila ng mga ito pero tanggap niyang mas mahal ng mga ito si Carl dahil sa sakit ng kapatid, ingat na ingat ang mga ito sa kapatid niya. Pero dahil sa kanya ay namatay si Carl.

FLOWER BOYS HOST CLUB 4: Reed, My Cold PrinceWhere stories live. Discover now