Season 1 #1 The Iodine Tincture

8.7K 234 361
                                    


Bas' POV

It's been a month simula noong lumipat kami nila Ma dito sa Bangkok. Namimiss ko na yung mga kaibigan ko sa probinsya

Kailangan namin lumipat dahil dito na magtratrabaho si Pa.

Hindi namin naging problema yung bahay dahil taga dito naman talaga sila Ma. Sa bahay nila lola kami nakatira ngayon, kasama si tito (kapatid ni Ma).

Kung ako yung papipiliin, mas gusto ko pa din sa province. Ayoko dito sa Bangkok! Feeling ko, napakadumi na ng lungs ko dahil sa usok unlike sa probinsya na sariwa ang hangin.

Moving on..

Dito din sana ako magcocollege sa Bangkok pero hindi ako nag-enroll. Gusto ko muna subukan yung luck ko sa 'showbiz'.

Buti pumayag si Ma sa gusto ko kahit ayaw nya noong una. Pero kung wala daw ako mapapala, dapat sya naman ang sundin ko at mag-enroll next school year.

Weeks ago, may nagbigay sakin ng calling card if ever daw na gusto ko mag-artista tawagan ko daw sya.

Malaki daw ang future ko sa showbiz lalo na sa Boys Love genre na mga lakorn.

Hindi na ako nagtaka sa mga sinabi nya. Noong senior high school kasi ako, kung kani-kaninong lalake ako ipinartner ng mga fujoshi sa school.

Kung ano anong fanfic ang sinulat nila tungkol sakin. Naalala ko pa nga yung mga title.

Mr. Top 1 meets Mr. Pervert

My Beautiful Boy

Kiss Me and You're Mine (BXB)

Nakakatawa 'di ba? Pero pumayag akong gamitin nila yun mga pictures ko dahil nililibre nila ako palagi ng merienda.

So ayun na nga.

Lahat sila sinasabing 'magandang' lalake daw ako. Maputi, matangkad, makinis at higit sa lahat namana ko yung ganda ni Ma.

No wonder kung bakit naging bisexual ako.. dahil siguro sa physical appearance ko.

Kaka-ship nila sakin sa mga lalake, nagising nalang ako na open na ko sa idea na pumasok sa isang m2m relationship.

Pero don't get me wrong, wala pa akong nagiging boyfriend or girlfriend. Ayoko. Takot ako sa mga relationship.

Ang alam ko lang, walang kaso sakin kahit lalake or babae ang mamahalin ko in the future.

Ayun, alam ko naman na wala kayong pake sa preference ko kaya back na tayo sa original topic.

Gusto kong mag-artista.

Kaya ito naglalakad ako papunta sa office ng 'The Janean Group'.

Mali ako ng bus stop na nababaan kaya nag dudusa akong maglakad ngayon.

"Ouch!" Sigaw ko.

Kung sinuswerte ka nga naman. Ngayon pa ko nadulas.

Wala namang bato or kahit anong pwede maging dahilan para madulas ako pero nadulas pa din ako. Kamalasan 101.

Tinitignan lang ako ng mga taong dumadaan. Asa pa ko na may tumulong sakin magtayo 'di ba?

Welcome to 2017. Nadulas ka mag-isa, tumayo ka mag-isa.

Sinubukan ko tumayo pero hindi ko kaya. Masakit yung pagkakabagsak ng pwet ko sa pagkakaupo nun nadulas ako.

"Ayos ka lang ba Nong?"

Napatingala ako sa lalakeng nagsalita.

Hindi ko pa man nakikita yung mukha nya, yumuko na ako agad.

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon