#27 The Healing

1.5K 150 252
                                    

Instagram: kimbas_ph

Bas' POV

Buti at kumalma na si P'Kim. Kanina nasuntok nya yung pader dahil sa galit.

"Hindi ko alam kung pano ko susundin yang gusto mo mangyari nong.." punong puno ng galit at lungkot yung boses ni P'Kim.

Inaakap nya ako nang mahigpit ngayon at ganun din ako sa kanya.

I feel better now.

Gumaan na yung pakiramdam ko dahil nasabi ko na lahat kay P'Kim. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.

Hindi ko alam kung paano nagagawa ni P'Kim na sa isang akap nya lang sakin na-wawash away na lahat ng takot at doubts sa puso ko.

"Hayaan na nating karma yung bumawi sa kanya P'Kim."

Narinig ko na nagbuntong hininga sya.

"Ano nga ulit yung pangalan ng putanginang lalake na yun?"

"Music Bitslav. P'Kim gamutin  na natin yang mga sugat mo." Pagbabago ko sa usapan.

Bumitiw ako sa pagkayakap at inabot yung kamay ni P'Kim.

"P'Kim mukang malala yung tama ng kamay mo, ipa-xray na kaya natin?"

Tumingin sya sa kamay nya pero binaling nya agad yung tingin nya sakin.

"Sa tingin ko kailangan nga natin pumunta sa hospital. Pero hindi dahil dito sa kamay ko. Kailangan mo mag pacheck up sa shrink. Nagkatrauma ka baby ko."

Napailing ako. Ayoko. Baka mamaya tusukin ako ng syringe don. Huhu.

"Okay na ko P', no need."

"Hindi ka okay. Nag-aalala ako sayo baby. After natin pumunta sa shrink dadalin din kita sa tanning parlor. Kelangan umitim ka na siguro para hindi ka pinagnanasaan ng ibang lalake. In 1 week span, dalawang lalake yung lumapit sayo. Nababahala na ako."

Seryoso sya pero hindi ko maiwasan mapangiti. Ang cute cute ni P'Kim kapag sobrang possessive nya.

"Seryoso ka ba P'Kim? Gamutin nalang natin 'tong sugat mo." Binago ko ulit yung usapan. Ayoko maging negro no.

Pinasok ko yung kamay ko sa bulsa nya at mukhang nagulat sya sa ginawa ko.

Kinapa ko yung loob hanggang sa mahawakan ko yung matigas.

Sigurado ako. Ito na yung namiss ko!

Napatingin sya sa mata ko nun sinubukan ko na ilabas yung nahawakan ko.

The legendary iodine tincture!!

Come to think of it, hindi ko rin alam kung bakit palagi naka-bulsa sa kanya 'to pero magrereklamo pa ba ko?

Kung sya hindi mawawala yung iodine sa bulsa ako naman hindi mawawalan ng lube. Joke.

Sa kasal namin lube at iodine tincture ang giveaways!

Dumukot ako sa kabilang bulsa nya. Tulad ng inaasahan meron ngang bulak at micropore!!

So kumpleto na ang first aid kit kaya inumpisahan ko na idisenfect yung sugat nya sa kamao.

Hindi man lang umaaray si P'Kim kahit dinidiinan ko yung paglinis ng sugat nya.

"P'Kim okay lang umaray.."

Tumingin ako sa kanya at ang ganda ng ngiti nya sakin.

"Pano naman ako aaray kung wala akong sakit na maramdaman? Kinikilig pa nga ako dahil inaalagaan ako ng wife ko."

We Belong TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon